Scene 2

28 0 0
                                    

Scene 2: Recess

(Break time na, labasan na ang mga estudyante sa classroom, may ibang doon na lamang tumambay.)

Jane: Tara Kath, punta tayo ng canteen.

Kath ( nakaupo sa kanyang upuan, nakatitig pa rin kay DJ)

Jane: Masarap yung milk tea, promise. Uy, Kath?

Kath: (lilingon kay Jane bigla) Ha?

Jane: (Kukunot ang noo) Parang kanina ka pa tulala diyan. Sino ba yang tinititigan mo?

Kath: (nahihiya) Ah… wala yun

Jane: Anong wala? (pagmamasdan ang classroom) Tinititigan mo si Dj noh?

Kath: (biglang magiging interesado) Dj ba ang pangalan niya?

Jane: Ahahaha! (pabiro) May gusto ka sa kanya noh?

Kath: (hiyang-hiya) Shhhh! Hindi ah! Tara na nga (hihilahin si Jane palabas ng classroom)

(Naglalakad na sila pupunta ng canteen)

Jane: (Nagtataka) Pero hindi nga, may gusto ka ba sa kanya?

Kath: (Nagsisinuwaling) Nai-ilang lang ako sa kanya. Halos lahat kasi ng makita ko may friends na, siya lang ang wala

Jane: Ah oo, totoo iyan. Simula nursery ko pa siya classmate dito sa Atheneum. Tahimik lang talaga siya. Parang emo-emohan nga eh kumbaga. As in walang siyang imik, tapos kapag tiningnan mo, parang napaka depressed niya saka parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Karamihan nga eh “Emo boy” ang tawag sa kanya

Kath: Ay, ganoon pala (nalungkot) Wala ba talaga siyang kaibigan?

Jane: Wala eh, saka parang wala ring may gusto sa attitude niya. Masyadong emo, nagging social outcast tuloy.

Kath: Ah… (mas lalong nalungkot)

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon