Scene 19:
(sa bahay nina Kath, ipapakilala niya si Dj sa parents niya)
Kath: (masaya) Mama, papa, eto po si Dj. Ang nobyo ko po.
DJ: (magiging magalang) Magandang tanghali po, Mr and Mrs. Mariano. Ako nga po pala si Daniel John Camposanto
Leny: (natutuwa) Ay nako, iho, tita at tito na lang ang itawag mo sa amin. Anak, ang gwapo gwapo naman pala nitong nobyo mo.
Kevin: (seryoso) Ehem, ehem. Tara na sa la mesa upang kumain ng tanghalian
Leny: Ay, oo nga pala. Iho, sana magustuhan mo ang iniluto namin ni Kath.
(pupunta sa dining at uupo na sila para kumain)
Leny: Magdasal muna tayo, iho, ikaw na ang manguna
DJ: Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Panginoong Diyos, patnubayan niyo po kami sa araw na ito. Kami po’y lubos na nagpapasalamat sa mga biyaya na ibinu-buhos niyo po sa amin. Nawa po ay mapatawad niyo po kami para sa aming mga kasalanan, at nawa’y tulungan niyo din po kaming maging mabubuting tao. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, Amen
Kevin: Bueno, kumain na tayo.
(tapos na kumain)
Leny: Ano Iho, delicioso?
DJ: Ah, si. Muy delicioso
Kevin: Muy bien. Marunong kang magespanyol
DJ: Nasanay lang po ako ng konti sa mga magulang ko po
Kevin: Ano ang trabaho ng mga magulang mo, iho?
DJ: Wala po
Leny: (gulat) Wala? Bakit?
DJ: Hindi na po sila puwedeng magtrabaho.
Kevin: Aba’y, por que
DJ: Nasa itaas na po kasi sila
Leny: (nahiya) Iho, pido disculpas, patawad…
DJ: Ayos lang po
Kevin: Simula kalian pa kayo nagging mag nobyo’t nobya ng kaisa-isa naming anak?
DJ: hace tres semanas
Leny: Ah, tatlong lingo pa lamang kayo… Paano mo ba linigawan ang aming anak?
Kevin: Uhmm
Kath: Ako po iyong nanligaw, mama
Leny: (gulat) ano?!
Kevin: Explicar!
Kath: Mama, papa, huminahon po kayo. Magpapaliwanag naman po kami eh……
Leny: Bueno. Explicar.
Kath: Mahiyain po kasi itong si DJ, kaya’t ako na po ang gumawa ng unang hakbang.
Leny: (naguguluhan) ahh….
Kevin: (ibubulong kay Leny) Ang kabataan talaga ngayon (ngingiti sila kay Kath at DJ)
BINABASA MO ANG
Clandestine
Romance(Tagalog-English "Taglish") A new girl arrives in school and is drawn towards the mysterious and bullied social outcast of their batch. Due to fascination and pity, she enters a relationship with him despite numerous warnings from Jane, her new be...