Scene 21

13 0 0
                                    

Scene 21:

(Sa loob ng cr ng girls, andoon si Kath at papasok si Jane)

Kath: Oh, Jane. Pwede mo na bang sabihin sa akin yun hindi natuloy noong huling lingo? (ngingiti)

Jane: Ah, oo! Mabuti’t natiyempuhan kitang mag-isa.

Kath: Sige, ano ba iyon?

Jane: (seryoso ang tono) Ang tagal ko na dapat itong sinabi sa iyo, pasensya na. May dapat kang malaman Tungkol kay DJ. Nagkarelasyon kami dati…

Kath: Yun lang ba?

Jane: Ah, hindi. Hindi yun ang punto ko.

Kath: Eh ano?

Jane: May kailangan kang malaman Tungkol sa ugali niya, at kung bakit kami nagbreak

Kath: (naiirita) Jane, sorry ah, pero nababastos ako eh. Saka parang wala na akong pakialam doon. Please, wag mo siyang siraan sa akin? Noong nagging kami, tinanggap ko siya ng buong buo. Wala nang makakapagbago noon

Jane: Hindi Kath, kailangan mo itong malaman.

Kath: Paki bilis Jane, nauubos na ang pasensya ko.

Jane: Over protective siya, okay? At sobrang seloso niya. Hindi niya ako pinapayagan makipag sosyo sa ibang lalaki. Ni hindi niya nga ako pinapaalis sa tabi niya noon. Gulat na gulat nga ako kasi ang luwag luwag niya sayo.

Kath: (galit) Grabe naman Jane, magsisinuwaling ka na lang, hindi mo pa ginawang kapani-paniwala!

Jane: (desperado) Hindi Kath, nagsasabi ako ng totoo! Ayaw ko lang mangyari sa iyo ang nangyari sa akin noon.

Kath: (mataray) Bakit, ano ba ang nangyari sa inyo noon?

Jane: (mangiyak-ngiyak) Sinasaktan niya ako, Kath. Minamaltrato, at sinisigawan. Hindi lang sigaw, mga insulto pa at mga mura. (napatak na ang luha) Hindi ko na alam kung anong relasyon ang pinasok ko noon, Kath. Takot, na takot ako noon. Ngayon, natatakot naman ako para sa iyo. (tuloy ang pagpatak ng mga luha)

Kath: (tahimik muna. Formal ang tono) Jane, kung gusto mong bumalik sayo si, Dj, sorry pero-

Jane: HINDI! (naiyak na talaga) Wala akong balak bumalik, o agawin man sayo ang halimaw na iyon. Ayaw lang kitang masaktan, Kath. (walkout) (Mapapatulala si Kath)

ClandestineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon