Chapter 8 - Hiding No more

149 3 1
                                    

Leia's POV

Pagpasok namin sa classroom marami na ang bumati saakin, yung iba kaklase ko dati at yung iba naman bago palang, Pero hindi pa rin ako nagtatagalog kapag kinakausap ko sila, kahit ako nahihirapan rin magtago Pero okay lang, mas mabuti na mga kaibigan at pamilya ko lang ang nakakaalam.

"Leia, your making this hard for me" sabi ni Rey, kasi nga pagnasa harap ng kaklase ko bawal, pag nasa bahay pwede..kaya yun english salita niya.

"Sorry.." sabi ko at ngumiti.

"Why don't you just say the truth? Besides, they want you to be their friend" sabi pa niya sa totoo lang trip ko lang to'

"Just go with the flow Rey, and I didn't even say that I can't speak Tagalog they are the one who talk to me in english, right?" Eh totoo naman ah, Wala naman ako sinabi na di ako marunong mag-tagalog, nagsalita lang ako ng english, palaging english na rin salita nila.

"Gosh Leia, I didn't know how crazy you are" sabi niya at tumawa, haha.

***
First day of school is so tiring but still, I enjoy it. But I'm still confused why Xavier didn't go to school? Well, I already know that he's my classmate, sinabi ng prof namin eh Xavier Yu daw, pero no response.

Nag-comment pa nga ang kapatid kong si Rey na "oh, playboy is not here" sabi niya at napangiti pa sabay tingin saakin, di niya naman kasi alam na nakausap ko si Xavier eh.

Pero sa totoo lang nag-aalala talaga ako sakanya, nasaan ba siya? Bakit di siya pumasok? Simula kasi nung nakita ko siyang may problema...parang lahat ng nagawa at ginagawa niya ay may rason at yun ang hindi ko alam..

"Leia are you okay?" napatingin naman ako kay Trevor na nagsalita, kasama ko nga pala siya..

"Yup, I'm alright" sabi ko na lang sakanya at nginitian siya, ayoko naman kasi na nag-aalala pa sila saakin, well na a-appreciate ko naman kaso ayoko lang silang nag-aalala kasi pati ako nahahawa, kahit sino namang tao ganto ako eh..

***

Nakauwi na kami sa babay at siyempre hinatid kami nila Trevor, si kuya di ko nakita na pumasok yun, namumuro na siya ha, porket di siya nakakatikim ng taekwondo ko..

"Manang Lita what's our dinner po?" Tanong ko kay manang.

"Ah, nagluto na ako jan ng adobo Leia, kumain na kayo ni Leigh at Rey." sabi ni manang saka ngiti.

Tatawagin ko na sana ang sila kuya at Rey ng biglang mag ring ang phone ko, napatingin naman ako doon si mom?

Sinagot ko ito..

"Hello mom" sabi ko

"Hello baby, where's your kuya and Rey?" Tanong niya saakin.

"Ah, nasa kwarto po nila mom, why?"

"Pakisabi na lang na next week pa ako makakauwi, kasi may aasikasuhin lang kami." Sabi ni mom.

"Okay po" sabi ko

"Okay, bye na nak' I still have work pa kasi" sabi ni mom at binaba na ang phone

"What did mom say sis?" napatingin ako sa likod ko at si Rey yun.

"Mom said that next week pa siya makakauwi, and sabihin ko na lang daw sainyo" sabi ko, sakto naman ang dating no kuya.

He's The Playboy In Town (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon