Leia's POV
Saktong pag-alis namin doon.
Nakasalubong namin sila Rey at Josh.
Gusto ko man silang tuksuhin pero hindi ko magawa, dahil sa nangyari kanina.
"Oh, Leia..ayos ka lang ba?" Tanong ni Rey.
"I don't think so" sabi ko sakanya at yumuko.
"Anong nangyari? Bakit ang sama ng tingin mo Leigh?" Tanong ni Josh.
Hindi naman sumagot si Kuya Leigh at umalis na lang. Saan na naman kaya siya pupunta?
"Josh, pag pasensiyahan mo na si Kuya Leigh, wala siya mood ngayon eh" sabi ko kay Josh.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong niya.
Pero wala akong maisagot. Ayokong sabihin.
"Wag' mo na lang problemahin yun, Rey tara na" sabi ko, at naglakad naman kami papasok ng building kung nasan ang classroom namin.
Xavier's POV
"Trevor, Ano ba yang iniisip mo?!" Pasigaw na tanong ko sakanya. Di ko alam pero, bigla na lang nag-init ang ulo ng maalala yung nangyari sakanila ni Leia.
"Ano bang pinagsasabi mo diyan" sabi niya at dumiretso lang ng lakad.
"Binastos mo si Leia" hindi ko alam kung saan ba nanggagaling yung galit ko, basta nasabi ko na lang yan.
"Talaga Xavier? Kailan ka pa nagkaroon ng malasakit kay Leia? Edi ba, ikaw naman yung nangloko at nangiwan sakanya ng dumating si Bria? Kaya wag' kang magmalinis, na kala mo ako lang yung may kasalanan dito. Hindi ko nga alam kung bakit ka nagustuhan ni Leia. Ano bang meron sayo? Isa ka lang namang babaero, na walang ginawa kung hindi mangbabae, bakit kailangan idamay mo pa si Leia? Bakit masaya ba manloko ng tao na may gusto sayo—-" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng sinuntok ko siya.
"Sumosobra kana! Wala kang alam sa buhay ko! Kahit pa sabihin na kaibigan kita, wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan...dahil wala kang alam kung ano ang istorya ng buhay ko, kahit katiting na impormasyon, kaya tumahimik ka na lang" sabi ko at iniwan siyang naka handusay sa sahig, habang pinupunasan ang dugo mula sa labi niya, kung saan ko siya nasuntok.
Lunch na ngayon at kasama ko si Bria sa Cafeteria.
Pero dahil wala ako sa mood hindi din ako nagsasalita.
"Xav, are you listening to me?" Tanong niya na may pagkairita sa boses niya.
"Sorry, i'm not in the mood...what did you say again?" Tanong ko sa kanya, pero mukhang mas ikinainis niya lang yun.
"What's happening to you Xavier? Do we have problems? Do like someone?"
"Ano? And what makes you think that I like someone? Don't be paranoid Bri, you're the one who's making this a big deal"
"Ako pa talaga ang may kasalanan ah, ang sabihin mo may gusto ka lang kay Leia" ano daw?
"Alam mo Bria kung ano-ano ang iniisip mo...hindi kana katulad ng Bria na dati kong minahal, yung masayahin at simple, kasi ngayon parang ang tingin mo sa ibang tao, kalaban mo, and I tired of that..I thought I still feel the same way for you, but I guess I'm wrong..guilt lang pala yung nararamdaman ko na kapag hindi kita tinanggap malulungkot ka at mag-iisa.., I think we should break up" sabi ko, at diretso naglakad.
Pero ng makarating ako malapit sa locker may humawak sa braso ko.
"You can't just do that! And Guilt?! Guilt lang yung nararamdaman mo kaya pinagpatuloy mo yung relationship natin? That's impossible, i know you still Love me..you're just confused because you're not in the mood" sabi niya sabay kapit sa kamay ko.
"Ano bang sinasabi mo Bria? It's over... we're done, at hindi lang yun dahil sa wala ako sa mood, yun ang nararamdaman ko and It's final" sabi ko at tuluyan ng umalis..