Rey's POV
Nakaka ilang kumain ng kasama tong lalaking to'
Bakit pa kasi sinama siya Leia?
Hindi naman ako galit kay Leia, ang ayaw ko lang ay itong lalaki na to'
"Rey, kumain kana" sabi saakin ni Leia. Natulala na pala ako dito sa lalaking to'
"Titig pa more" sabi ni Josh habang kumakain.
"Lamon pa more" sabi ko at umiwas ng tingin sakanya at kumain.
"Excuse me?" Psh, may pa excuse me, excuse me pa siyang nalalaman diyan.
"Bakit? Dadaan ka?" Sabi ko na talaga namang kinainis niya, dahil sobrang pula na ang mukha niya at nakakunot pa ang noo.
"Rey, Josh! Please naman...kumain tayo eh, asaran kayo ng asaran. Sige kayo, baka magka-asawahan kayo niyan." Sabi ni Leia at tumawa pa ng konti bago ipagpatuloy ang pagkain niya.
"Psh" sabay naming sabi ni Josh. Nakakabwiset.
"Wag na lang" sabay na naman naming sabi.
Hindi na talaga ako magsasalita hangga't hindi pa umalis to, mamaya magkasabay na naman kami.
Leia's POV
Ano bang nangyayari sa dalawang to?
Bakit naiinis sila sa isa't isa?
Ano yun? sadyang naiirita lang silang dalawa, kapag nakikita ang sarili nila?
...
Patuloy lang kami sa pagkain, ng biglang dumating si Kuya Leigh.
"Josh?" tanong ni kuya Leigh.
"Oh bro, nandito kana"
"Psh" singhal ni Rey.
Ano bang kinakainit ng dugo nito?
"Bakitka nandito?" takang tanong ni Kuya Leigh.
sasagot na sana ako, ng bigla magsalita si Josh.
"Grabe naman to', away mo ba kong pumunta sa bahay niyo Leigh?"
"May choice ba ko?" sarkastikong sagot ni Kuya Leigh na ikinahalakhak naman ni Rey, as in, hindi normal na tawa, halakhak na.
"Buti nga dumating ka kuya Leigh, at may naabutan ka pang pagkain. Uubusin yata niyang kaibigan mo eh" sabi niya na ikinainis naman ni Josh.
Samantalang tahimik lang naman si Kuya Leigh.
"Rey, tama na yan, hindi na nakakatuwa" seryosong sabi ko at natahimik naman siya.
"Sorry"
"Sige na aalis na ko Leigh, nakakahiya naman sa kapatid mong YAN" sabi niya at tinapik si Kuya Leigh, sabay ingin saakin.
"Salamat pala sa pag-imbita saakin na kumain dito Leia, buti ka pa"
"Pinaparinggan mo ba ko?" inis na sabat ni Rey.
"Kung na fi-feel mo, siguro oo" seryoso at halatang may inis sa sagot ni Josh.
"sige alis na ko" sabi niya at dali-daling naglakad.
"Ingat ka" sabi ko at tuluyan na talaga siyang nakalabas ng bahay.
"Rey, we need to talk" sabi ko kay Rey.
"Kuya, kain ka na diyan, tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka" sabi ko at dumiretso sa kwarto.
Sumunod naman si Rey.
Nang makaupo kami sa kama ko ay nagsalita siya.
"Anong pag-uusapan natin?" tanong niya, pero hindi siya makatingin saakin.
"Your attitude" seryosong sabi ko.
"Anong problema? Bakit ganun ka makitungo kay Josh? Kasi alam mo nakaka-offend yung sinabi mo sakanya. Bisita siya dito, hindi alila, mukha man siyang mayabang sa paningin mo, may pakiramdam din siya, tao din siya at nasasaktan"
"Alam ko. Alam kong may pakiramdam siya, hindi ako manhid para hindi malaman yun." seryosong sabi niya.
"Eh alam mo naman pala, at katulad ng sabi mo hindi ka manhid. Eh bakit ka ganyan?" mahinahon, pero bakas ang inis sa tono ng pananalita ko.
"Hindi ko alam, okay. Basta pag-nakikita ko siya, kinakabahan ako, at naiinis rin ako."
"Eh ba't ka naman kakabahan? Ano bang ginagawa niya para kabahan ka?" Tanong ko na ikinagulat niya.
anong nakakagulat sa tanong ko?
"Hindi ko alam, naguguluhan na ko" sabi niya sabay kamot sa buhok niya.
"Hindi kaya may gusto ka sakanya?" sabi ko, napatingin naman siya saakin.
"Ako? Magkakagusto sakanya? Asa, eh hindi nga makapag-usap ng matino eh."
"Bakit naman imposible? gwapo rin naman siya, at mahilig ka rin sa gwapo, so.. Anong problema?" sabi ko at tinignan ko siya diretso sa mata niya.
"A-ayy!, bahala ka nga diyan!" sabi niya at namumulang umalis ng kwarto ko.
Psh, if I know, may gusto na naman siya.