Chapter 12: Thoughts and Chaos

114 1 1
                                    


Leia's POV

Gabi na at mag-isa na naman ako sa kwarto ko.

Ang kapag ganitong nag-iisa ako, naiisip ko na naman si Xavier..

Ganun ba talaga?

Madali ba talaga siyang magustuhan?

Ang sakit sa ulong isipin.

At sa di ko inaakalang pagkakataon, masakit rin sa damdamin ko.

Sa konting pagpapakita niya ng regalo at motibo, nagkagusto na ako agad sa kanya.

Sana, hindi na lang nagsimula to. Yung hindi na kami naging magkaklase, yung hindi na kami naging magkaaway, yung hindi ko na sana siya nakilala.

Edi sana wala akong masyadong iniisip.

....

Next day...

Nagising ako ng maaga, kaya naman nag asikaso na ako.

Dumiretso ako sa banyo para maligo, at pagkatapos kong makapaghanda ay pumunta ako sa kitchen para magluto ng pagkain ko.

Tahimik lang ako habang kumakain.

Natapos akong kumain, pero hindi pa rin gising sila Kuya Leigh at Rey.

Kaya naman napagpasyahan ko na umalis na lang ng maaga.

•••

Nasa school na ako at ang tahimik, guard at konting estudyante lang ang naririto.

Humanap ako ng matatambayan, at nakahanap naman akong ng isang malaking puno, na napaka presko at magandang silungan.

Pumikit ako at inalis ko lahat ng iniisip ko, tungkol kay Xavier.

Ang payapa.

Walang istorbo.

Sana, lagi na lang walang problema.

Kung pwede lang sana.. kaso hindi.

Trevor's POV

Naisipan kong maaga pumasok.

At nang makarating ako sa school ay saktong nakita ko naman si Leia. Nakapikit siya.

Ang payapa ng mukha niya.

Parang, wala man lang problema.

Lumapit ako sakanya at umupo.

Pero hindi naman siya dumilat.

Pinagmasdan ko na lang siya.

Ewan ko, pero... parang humihinahon ako habang pinagmamasdan ko siya.

Parang nadadala ako sa pagiging kalma ng mukha niya.

Xavier's POV

Ewan ko ba, pero may nararamdaman akong guilt, na hindi ko naman alam kung bakit ko nararamdaman.

Ano bang dapat kong ika-guilty?

Yung pangloloko ko kaya Leia?

Eh ang rami ko na ngang naging babae eh, ngayon pa ba ako magi-guilty?

Ang gulo ng isip ko, di ko na alam ang iisipin!!

...

Napagisipan kong umalis na lang ng maaga sa bahay.

Pero bago ako umalis, nag iwan muna ako ng sulat para kay Bria, na nagsasabi na pumasok na ako ng maaga.

•••

Nakarating ako sa school at konti lang naman ang tao.

Kaya napagisipan kong tumambay dun sa may malaking puno.

He's The Playboy In Town (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon