Chapter 7 - First Day of School

123 2 0
                                    

Xavier's POV

"Bria.."

Di ako makapaniwala sa mga nakikita ko, totoo ba talaga na si Bria to'?

Lumapit siya saakin pero lumayo naman ako sakanya..

"Xavier,—–" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sakanya at walang kahit ano mang imosyon ang pinakita ko sakanya kundi galit lang, ano pa bang ginagawa niya dito?

"Xavier please...let me explain" Ano bang sinasabi niya?

"Ano pa bang kailangan mong I-explain Bria? matagal na tayong tapos, pwede ba mag move-on ka na lang" nakakainis lang na kahit sinasabi ko sakanya yan, iba naman ang sinasabi ng puso ko.

"Please...Xavier, give me a chance para maayos tayo" sabi niya saakin, at luluhod pa sana siya pero kinapitan ko na siya agad, ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?

"Ano ka ba?! Sabi ko tapos na ang lahat sa atin, pwede ba humanap ka na lang ng iba, kasi jan ka naman magaling diba?"

"Ano bang sinasabi mo jan Xavier? Nag-aral lang ako! Nag-aral, kaya ako naki pag-break sa'yo...para rin naman saatin yun"

"Alam mo Bria, wala kang mapapala kung magmamakaawa ka saakin, kasi kahit kailan hindi na tayo babalik sa dating tayo, ikaw ang unang sumuko...ayaw mo na tayong dalawa ang gumawa ng paraan para sa ikabubuti natin, ngayon sasabihin mong para sa ating dalawa?! Hibang kana ba?!" Kahit gusto ko mang kontrolin ang galit ko di ko magawa, lalo na at yan ang katwiran niya...sarili niya lang ang iniisip niya..

"Please Xavier.." sabi niya pa saakin at nagmamakaawa.

"Wala kang mapapala Bria, umalis kana" sabi ko sakanya, pero sa loob ko gusto ko pa rin siya..

"Sige, okay lang, ako naman ang may kasalanan kung bakit tayo ng kahiwalay.." sabi niya tumalikod na, nasasaktan pa rin ako pagnakikita siyang ganyan, kaya bago pa man siya makaalis hinablot ko na ang kamay niya at niyakap siya.

•••

Leia's POV

Nagising ako ng maaga, nakaka-excite kasi first day of school ngayon at kaklase ko pa si Rey, siyempre kapatid ko yan kaya naman masaya ako..

Nag-ready na ako para sa pag-pasok at yun nga natapos naman ako agad, pagbaba ko nakita ko si manang na naghahain ng pagkain namin, nandito na ang mga katulong namin kasi nga pasukan na at tapos na ang bakasyon nila..

"Good morning manang Lita!" Sabi ko sakanya..

"Good morning Leia" oo nga pala, hindi niya pala alam na nakakapagsalita ako ng tagalog.

"Ah, manang lita di niyo na po ako kailangan kausapin sa English marunong naman po ako mag-tagalog eh" sabi ko sakanya...hindi naman siya nagpakita ng mukha ng pagkagulat, ngumiti na lang siya.

"Tatawagin ko lang po sila kuya at Rey" sabi ko at tatayo na sana ng may magsalita..

"Good morning sis" sabi ni Rey.

"Good morning Leia" sabi ni kuya Leigh.

"Good morning din" sabi ko sakanila at pinaupo na sila para kumain..

Habang nakaupo kami, biglang nagsalita Si Rey na katabi ko.

"Sis, excited ka na bang pumasok?" Sabi niya at halata sa boses niya na gustong gusto niya ng pumasok,

"Oo naman" sabi ko sakanya.

"May gwapo kaya sa school natin?" Seriously Rey? Talagang..

"Ayan ka na naman eh, jan ka napapahamak eh..tapos iiyak ka na naman" bigla naman siyang natawa..

"Ikaw naman sis, niloloko lang kita noh, sawa na kong umiyak." Sabi niya at tumawa na naman.

"Oh Leia at Rey, kila Trevor at Josh na kayo sumabay, may pupuntahan lang ako madali..mamaya darating na sila" sabi ni kuya, saan naman kaya siya pupunta?

"Okay" sabi naming dalawa at sakto natapos kami sa pagkain ng may bumisina..

"Nandito na yata sila" sabi ko, kinuha na namin ang bag namin at tumakbo papunta sa labas, mukha kaming mga bata..

Nakita namin na nakatingin si Trevor at Josh,

"Bagay sa'yo yung uniform mo ang cute mo.." sabi ni Trevor saakin, parang siya pa yung nahiya sa sinabi niya..

"Thank you" sabi ko naman, napatingin naman kami kay Josh kasi kanina pa siya hindi umiimik.

"Naiintindihan mo si Trevor?" Tanong ni Josh.

"Oo naman"

"Late kana sa balita bro" sabi naman ni Trevor, mag ku-kwentuhan pa sana sila ng biglang magsalita si Rey.

"Tama na ang chikahan guys, may pasok pa.." sabi ni Rey, si Josh naman biglang sumagot.

"Ang arte naman, sino ka ba?" Sabi ni Josh, baka magkaroon pa ng away dito.

"Guys, half sister namin siya.." sabi ko sakanila.

"May kapatid pa kayo?" Sabi ni Josh

"Malamang kasasabi nga lang diba" bakit parang ang taray yata ngayon ni Rey or kay Josh lang siya ganyan...

"Wag' ka ngang sumabat jan, tara na nga" sabi ni Josh at pumasok na sa van, may driver siyempre.

"Bakit beastmode yata si Josh, Trevor?" sabi ko.

"Ewan ko, meron yata" sabi niya, Ano raw?

"Merong ano?" Ano ba kasing tinutukoy niya period ganern?!

"Merong kinakainisan, alam ko utak mo, green minded ka rin pala Leia?" Sabi niya at tumawa pa, eh malay ko ba, eh kadalasan naman kasi ngayon kahit lalaki sinasabihang may period paggalit kahit hindi naman talaga pwedeng mangyari yun..

***
Naging tahimik lang ang byahe, lalo naman sila Rey at Josh na magkaaway, pinagtabi namin sa likod, solo namin yung isang helera, pero kahit kami hindi kumikibo, Baka magsungit itong dalawa at sabihing ang iingay namin kaya hanggang sa makarating kami sa school namin shut up lang..

Nagtaka naman ako kala ko sasabay lang kami, eh bakit hanggang dito sumasabay si Trevor, hindi ba sila magkaklase nila kuya Leigh at Josh?

At dahil hindi ko na mapigilan ang bibig ko nagsalita na ako at tinanong siya miski si Rey napatigil sa tanong ko..

"Trevor bakit ka pa nandito? Diba sa kabilang building kayo ng school?" Sabi ko

"Oo nga.." sabi naman ni Rey.

"Sorry, I forgot to say that I'm just the same age as yours..even Xavier" what?!

"Ibig-sabihin kayo ang bunso sa magkakaibigan ganun?" Rey said.

"Yup.."

"Edi maganda kasi magkakasama tayo" sabi ko sakanila, maganda diba magkasama kaming tatlo? Pero....Ano daw? Kasama si Xavier? Hindi naman sa ayaw ko siyang kasama kaso parang pagnagkita kami, magiging awkward yun at...di naman kami ayus nun..

He's The Playboy In Town (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon