Chapter 9 - Hiding No More (Part 2)

135 2 0
                                    

Leia's POV

Okay, hindi na nga ako mag-tatago, sa rami ng taon ngayon pa ako titigil, pero sige, pagbigyan na ang kapatid, nahihirapan daw eh.

"Rey, ready kana?" Tanong ko sakanya, nasa labas kasi ako ng kwarto niya.

"Sandali, malapit na" ang bagal talaga ni Rey kahit kailan.

"Ito na" sabi niya, at tuluyan na ngang lumabas,

"Ano Tapos kana magpaganda?" Oo naka make-up siya pero light lang naman, pero matagal pa rin.

"Oo, Ito na nga oh, tapos na, porket kasi maganda ka eh, ikaw na walang make-up"

"Eh sa hindi naman kasi ako sanay mag make-up, makakasira lang yan ng mukha mo, magkaka pimples kalang, kaya bakit pa ako maglalagay?"

"Eh, hindi kana nga maglalagay kasi mukha ka ng naka mascara sa haba ba naman ng pilik mo, at mukha ka na rin naka foundation kasi ang puti mo, ikaw na talaga"

"Oh, tama na yang away niyong yan, may pasok pa tayo" napatingin naman kami sa nagsalita na si Kuya Leigh.

"Hindi naman kami nagaaway ah" sabi ko, eh totoo naman, never pa naman kami nag-away nitong si Rey.

"Oo na, ikaw na panalo, basta aalis na tayo" sabi niya at bumaba na at lumabas ng bahay.

"Tara na nga" sabi ni Rey at kinuha ang bag niya.

***
Nakarating kami agad sa school at yung mga kaklase ko naman panay bati saamin.

"Hi, Leia" or mas madalas na saakin...

"Hi din" sabi ko.

"Nagtatagalog ka?" Gulat na tanong niya,

"Oo" sabi ko at ngumiti.

"Ahh," sabi niya at nagpaalam na rin.

"Ay grabe, wala man lang bumabati sa beauty ko" sabi ni at sumimangot pa.

"Hi, Rey" bigla naman may bumati sakanya, kaya napatingin kami dun, at di ko inaasahan na si Xavier pala yun.

"Ay salamat, may bumati rin" sabi ni Rey.

"Nakita niyo ba si Trevor at Josh?" Tanong niya, na sinagot naman ni Rey.

"Hindi, kararating lang namin." Sabi niya, samantalang ako tahimik lang, manliligaw ko ba talaga toh? Bakit di naman namamansin?--- teka nga, ano bang pakialam ko kung pansinin niya ko or hindi? Wala naman, at saka wala naman akong gusto sakanya, wala naman diba? Wala!

"Ahh!" Napasigaw naman ako bigla at nagulat sila Rey at Xavier, nahiya naman ako kaya nag peace sign ako.

"Sorry, may naalala lang" sabi ko at tumahimik na, nakakainis at nakakahiya na rin, Bakit ko ba kasi siya naiisip?

"Ganun ba, sige alis na ko" yun lang ang huling narinig ko, di naman kasi ako nakikinig sa pinag-uusapan nila eh.

Nang makalayo na si Xavier humarap saakin si Rey.

"Sis, okay ka lang?" Yung totoo hindi, yung hindi totoo..

"Oo, okay lang ako, sabi ko diba may naalala lang ako." Sabi ko sakanya, ayoko kasi na nag-aalala sila..

"Sure ka sis? Eh, parang Hindi naman, namumutla Ka na nga eh, umuwi ka muna kaya"

"Hindi ayoko" sabi ko at kumapit na lang sa braso niya, nakaramadam rin kasi ako ng hilo eh.

***

Nang first break namin, tumingin ako sa schedule ko, di ko pa rin naman kasi kabisado siyempre, atsaka kami kaya ang lumilipat ng room hindi yung teacher, hindi ko kabisado yung sa ground floor at third floor na room, kasi sa second floor lang naman kami noon, kaya kailangan ko pang I-check..

He's The Playboy In Town (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon