Epilogue: Chapter 15

127 0 0
                                    

{New Story Available}
Bago Ka Umasa
•••

Xavier's POV

Nagising ako ng nakayakap kay Leia.

Tulog pa rin siya, kaya naman unti unti akong gumalaw para hindi siya magising...pero nabigo ako, ang lakas ng pakiramdam niya.

Nagmulat siya ng mata niya at dahan dahang tumingin sa aking mga mata.

Wala man lang ngiti?

Tinggal niya ang kamay ko sa bewang niya at tumayo na, sabay diretso sa banyo.

Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik rin naman siya, nakatali ang buhok at mukhang naghilamos na.

Humiga ulit siya, pero hindi malapit saakin. Napatingin ako sakanya at parang Takang taka ako kung anong nangyayari, bakit hindi niya ako pinapansin?

Magsasalita pa sana ako ng bigla niya takpan ang bibig ko at hinila ang kamay ko papunta sa banyo.

May kinuha siya na...bagong, toothbrush?

At binigay saakin.

"Sige na maghilamos kana, at magsipilyo" sabi niya ng malumanay.

Kaya naman sumunod na lang ako.

Nang matapos ako ay nagsalita siya.

"Halika na, kakain tayo...tapos, uuwi kana" Ano uuwi agad?

"Bakit?" Tanong ko.

"Anong bakit?"

"Bakit uuwi agad ako?"

"Ah, kasi hindi mo to' bahay? At bakit ayaw mong umuwi sa bahay niyo?" Sabi niya at talaga namang kinagulat ko.

"Ayos ba tayong dalawa? May problema ba? Bakit parang naiinis ka saakin?" Sabi ko, dahil nagtataka talaga ako.

"No, wala tayong problema" sabi niya at hinawakan niya yung kamay ko, at parang may kuryenteng dumaloy dun, at napanatag ako na okay lang kami.

"Tara na kakain na tayo" sabi niya at naglakad kami palabas ng banyo habang hawak niya ang kamay ko.

Napatingin na naman ulit ako sa kwarto niya..kaya naman napatigil ako.

"Seryoso? Sayo talaga to'?" Sabi ko kaya naman napatigil rin siya.

"Alin?"

"Itong kwarto"

"Oo, bakit? Nagulat ka dahil mag-kaparehas tayo?"

"Paano mo nalaman? Ginaya mo ko no?" Sabi ko sabay ngisi, binitawan niya naman yung kamay ko at kita ko sa mata niya ang inis.

"Wag' ka ngang assuming, Ayoko pa sayo, ganyan na ang kwarto ko, at saka sinabi lang ni Josh yun" sabi niya at natahimik naman ako...assuming ko kasi bwiset!

"Tara na bumaba na tayo" sabi niya gamit na naman ang plain na boses niya pag wala siya sa mood.

"Huy, sorry na kung nayabangan ka sakin" sabi ko at pinigilan siya maglakad.

"Okay lang, tara na" sabi niya at bumaba, habang nakahawak ako sa wrist niya.

Leia's POV

Ang totoo niyan, may problema talaga..

Meron pa siyang girlfriend, hindi naman pwedeng maging kami kung may girlfriend siya kailangan na namin tong' itigil. Nadala lang siguro ako kasi may gusto ako sakanya...

•••
Natapos na kaming kumain at hinatid ko na siya sa labas ng bahay namin.

Pero pinigilan ko siya bago siya tuluyang sumakay sa kotse niya.

Hinawakan ko ang braso niya at napatingin naman siya saakin at napangiti.

"Oh, na miss mo na ako agad hon?" Seryoso na ba siya talaga saakin? Hon pa rin ang tinatawag niya saakin, pero kahit sweet pakinggan kailangan ko pa rin itigil tong kahibangan ko...dahil hindi ito ang tamang gawin.

"May sasabihin lang sana ako Xavier..." sabi ko at yumuko. Ang hirap din namang sabihin sakanya to' ayoko siyang saktan (kung totoo nga na may nararamdaman siya saakin).

"Ano yun, Hon?" Sana di ko na lang sinimulan to'
Dapat hindi ko na naisip na I-prank siya na patay na ko'

Para hindi na siya aamin...
Para hindi na ako magbibigay ng chance sa kaniya..
Para wala na lang masaktan pa...

"Xavier..." panimula ko, pero agad naman niyang pinutol dahil nagsalita na naman siya.

"Kailan mo ba akong tatawaging Hon? Ayaw mo ba sa tawagan natin?" Tanong niya na medyo nag-alala ang tono na may pagka-seryoso.

"Hindi naman sa ganun, makinig ka muna kasi" sabi ko at pinadyak ang isa kong paa at natawa naman siya.

"Okay Sorry, sige, tuloy mo na" sabi niya at ngumiti sabay hawak sa kamay ko.

"Xavier...binigyan kita ng isa pang chance...hindi ko alam kung gagamitin mo ba yun ng tama o hindi, pero kung alin man dun sa dalawa ang gagawin, wala na ring magbabago...ayokong saktan ka Tristan. Mahal kita alam mo yan'. Pero hindi tama itong ginagawa natin...wag' na nating ituloy ito" sabi ko at tumingin sakanya na may lungkot sa mga mata ko.

"Sa unang pagkakataon Leia, narinig kitang tawagin ang pangalan kong Tristan...ang saya ko na, kasi ang nasa isip ko eh, yun ang itatawag mo saakin. Tapos bigla mo na lang gustong bawiin yung chance na binigay mo saakin? Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon...bigyan mo nga ako ng dahilan para magbago ka ng isip at ayaw mo ng ituloy ito" sabi niya at nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Seryoso ka ba talaga saakin Xavier?" Bigla na lang lumabas sa bibig ko yun at kahit ako nagulat rin sa sinabi ko...tiyak ako na sobrang masasaktan si Xavier sa sinabi ko..

"Ano? Yan ba yung dahilan mo? Wala kang tiwala saakin? Gano'n?" Sabi niya at tumawa ng sarkastiko.

"Xavier hindi naman sa yun dahil sa wala akong tiwala—" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla siyang sumigaw.

"Oh, eh Ano pala?!" Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata..

"Sinisigurado ko lang naman kung seryoso ka saakin eh! Bakit ba ganyan na agad ang iniisip mo?! Kala mo ba sinabi ko lang yun kasi wala akong tiwala sayo?! Pwes, nagkakamali ka!"

"Bakit mo nasabi yun sige nga?!"

Ayoko na ng ganito...di lang kami nagkakaintindihan, puro sigawan at sakitan lang ang ginagawa namin sa isa't isa...

"Sige na...mag ingat ka, umuwi kana" sabi ko at tumalikod na sa kaniya.

"Bakit di mo masabi? Kasi wala naman talagang ibang rason para diyan sa sinasabi mo?"

"Ayoko na mag-away pa tayo..mag-usap na lang tayo pag malamig na yung ulo mo.." sabi ko habang nakahawak sa pintuan, pero agad din na napatigil ng magsalita ulit siya.

"Wag' mo nga akong diktahan, ikaw na nga yung sinusuyo ko, ikaw pa yung galit..hindi naman kita girlfriend para utusan ako" at sa mga sinabi niyang yan..talagang tumagos yun sa puso ko, ang sakit...

Naloko na naman niya ko..

Bakit ba hindi pa ako nasanay?

Tumingin ako sa kaniya at hindi ko napigilan na tumulo yung luha ko.

"Sorry...hindi nga pala ako yung girlfriend mo, kasi may iba ka nga palang girlfriend...Bakit ba kasi kita binigyan pa ng chance? Hindi ka pa rin nagbabago...manloloko ka pa rin kala ko totoo na..di pala. Kaya ko lang naman gustong itigil ito kasi may girlfriend kang iba eh..at pinatunayan mo nga na kayo pa..at bahala ka na sa buhay mo, hindi mo kasi ako girlfriend" sabi ko at sinara na ang pintuan.

At kung naiyak ako habang sinasabi ang mga bagay na yun sa kanya, mas naiyak ako ng hindi na niya ako nakikita..

Sa susunod..hindi na ako magtitiwala kahit na kaninong lalaki..kasi ang sakit maloko, at ang hirap umaktong masaya ka kahit hindi naman..

He's The Playboy In Town (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon