Chapter 14:

110 2 0
                                    

Xavier's POV

Pagkatapos kong umalis ay dumiretso ako sa bar at uminom.

May mga babae na pumapaligid saakin, pero di ko na lang pinapansin, sanay na ko at wala akong pakialam sakanila, lalo na ngayon.

Nakaka limang shot pa lang ako kaya wala pang masyadong tama ng may biglang tumawag saakin.

Si Josh?..

"Hello" walang ganang sagot ko.

"X-Xavier ...ano.." sabi niya na parang kinakabahan.

"Ano?" Parang tanga to'

"Ano...kasi si, Leia" sabi niya tapos parang umiiyak na, ano ba kasing nangyayari?!

"Ano?! Sabihin mo na nga?!" Nakaka bwiset kasi, hindi pa sabihin ng diretso.

"Nasaksak si Leia...p-patay na siya" sabi niya at bigla akong natahimik.

Binaba ko ang phone at dali daling pumunta sa bahay nila Leia.

Nakita ko si Rey na tulala, habang si Josh naman ay nasa tapat ng isang pinto na nakabukas.

Tumakbo ako papunta kay Josh at pawis na pawis na rin ako.

"Anong nangyari?!" Hindi ko na mapigilan ang sumigaw.

Hindi siya nagsalita at may tinuro saakin. Napatingin naman ako sa tinuturo niya.

Dahan dahan akong lumapit sa isang kama at nakita ko si Leia, namumutla. Kinapitan ko ang kamay niya at bigla akong nagulat ng maramdaman ko ang lamig ng balat niya.

Bigla na lang akong napayakap sakanya.

"Anong nangyari?!" Biglang may sumigaw sa may likod ko kaya naman napatingin ako dun, at di nga ako nagkakamali si Leigh nga.

"Makikikain lang sana ako sainyo...tapos pag dating ko dito..nakatulala na si Rey, sabi niya, pinasok daw sila ng kriminal at muntik ng makuha si Leia...pero dahil marunong siyang lumaban, dinepensahan niya si Rey at ang sarili niya, pero may hawak daw palang patalim at nasaksak si Leia..sa puso siya tinamaan kaya, ilang minuto lang at namatay siya" sabi ni Josh habang nakatingin sa sahig.

Lumapit naman si Leigh kay Leia at tumingin ng masama saakin at tinabig ako.

"Leia...bakit naman ngayon?" Sabi niya at umiiyak na.

"Bakit...bakit mo kami iniwan?" Sabi niya, at talagang makikita mo sa emosyon niya na sobrang lungkot niya.

Biglang napatigil sa pagiyak ng may marinig kaming dalawa na nagpipigil ng tawa si Josh.

At maya maya pa ay tumawa na rin ang katabi kong si Leigh at tumingin saakin.

"Bakit ka nandito?" Seryosong sabi niya.

"Huh? Kasi, tinawagan ako ni Josh?" Takang taka ako.

"Eh bakit ka pumunta? Hindi mo naman kailangan kung ayaw mo eh" sabi niya at wala na talaga ang bakas ng saya niya kanina.

"Eh tinawagan lang naman ako ni Josh, wala naman akong gusto sa kapatid mo" biglaang sabi ko.

"Oh, Leia, wala daw gusto sayo si Xavier..bumangon ka na diyan" nagulat naman ako ng sabihin yun ni Leigh, nakikinig pala si Leia..

He's The Playboy In Town (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon