Tahimik kong nasara ang pinto. Huminga ako ng malalim atsaka pumikit ng mariin.
"What are you doing here?"
Napadilat ako ng may biglang nag salita sa harap ko. Kunot noo niya akong tinignan.
"I-I mean bakit ka nasa labas? Ayaw mo ba pumasok sa loob?" Ang gaan ng boses niya.
Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Ako ba yung kinakausap niya?
"A-ako?" Litong tanong ko. Tinignan ko ang gilid ko at tanging ako lang ang nasa harapan niya ngayon. "A-ahh, haha — a-ayoko pang p-pumasok k-kasi---"
Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sakanya na may nag aano – sa loob or kung --- hays!
Baka pag sinabi ko sakanyang trip ko lang hindi pumasok ay baka pumasok naman siya.. Tapos b-baka lumevel up na pala yong nangyayari sa loob!
Bakit ba kasi hindi sila nag lock?! Atsaka bakit dito pa sa school? Hindi ba sila makapag antay na mag uwian?
Hindi ko akalain na ganito ang bubungad sa first day of school ko, akala ko pag papakilala ang una kong madadatnan pag ka-bukas ng pinto yun pala — never mind.
"Bigla kasing sumakit yong tiyan ko," I lied.
"Huh? Ganon ba? Gusto mo samahan kita sa comfort room? Alam mo ba?" Tanong niya. Umiling naman kaagad ako. "Transferee ka kung ganon?"
Tumango ako.
"Sige, sasamahan na kita baka maligaw ka pa." Ngumiti siya. "By the way I'm Janella," pag papakilala niya habang nag lalakad kami sa corridor papuntang CR.
"E-erice," nag lahad ako ng kamay sakanya atsaka ngumiti, agad naman niya itong kinuha at kinamayan ako atsaka ngumiti rin.
"Nice meeting you Erice."
"Nice meeting you too."
"So anong year mo na?" Tanong niya
"Fourth year, ikaw?"
"Same! Doon ka rin ba sa Room 123?"
"Hmm.. Oo, doon ka?"
"Yes! So ibig sabihin mag classmate tayo?" Masayang tanong niya, tumango naman ako atsaka ngumisi.
"Saan ka nakatira? Malay mo parehas pala tayo ng subdivision."
Sana nga parehas nalang tayo, kaso hindi eh. Mahirap ako, mayaman ka. Mag kasalungat tayong dalawa. Pero hindi ko ikinakahiya ang pagiging mahirap. Alam kong balang araw ay makakamtan ko rin ang aking mga pangarap, mag aaral ako ng mabuti, bibigyan ko ng magandang buhay ang mga magulang ko kapag nakapag trabaho na ako. Pag aaralin ko ang mga kapatid ko. Bibigyan ko ng magandang buhay ang pamilya. Panandalian lang naman ang pagiging mahirap, pag nag sikap ka sa buhay, matutupad mo ang mga pangarap mo. Laging nandiyan ang diyos para sa'atin. Lagi niya tayong ginagabayan at pinoprotektahan..
"Sa The Grand ka din ba nakatira?" Tanong niya.
"Hindi eh," tipid na sabi ko.
"Nandito na ba tayo?" Tanong ko ng may makita akong sign ng comfort room. Tumango naman siya.
"Hintayin na kita dito, sabay tayong bumalik sa room. Bilisan mo sa pag babawas ha?" Humalakhak siya na ikinapula ng pisngi ko. Akala niya siguro natatae ako. Tumango ako atsaka ngumiti.
Pumasok ako sa loob ng CR. Katulad siya ng CR sa mga malls. White tiles and long glasses. Pumasok ako sa isang cubicle. Medyo naiihi na rin kasi ako..
"Bev, Janella's outside. Anong ginagawa niya don? Is she waiting for Liezl?" Narinig ko ang pag uusap ng babae sa labas.
"Diba she said that she didn't want to get involve to Liezl from now on? They already ended up their friendship."
"Malay mo diba, they've been friends for so many years."
"I pity her,"
"Me too."
Napaawang ang bibig ko sa narinig ko, si Janella palang kasama ko ang pinag uusapan ng dalawang babae kaninang pag pasok ko? Atsaka hanggang ngayon?
Akala ko mag kaparehas lang sila ng pangalan! Yun pala iisang tao sila.
Nag ayos ako atsaka lumabas na ng cubicle, hindi ko na naabutan yung mga babaeng nag uusap kani kanina lang, nag hugas lang siguro sila ng kamay at umalis na.
Nag hugas ako ng kamay atsaka tumingin sa salamin. Naka lugay ang buhok kong may pag ka-brown. Ang pula din ng labi ko kahit wala akong nilagay na kolorete dito. Huminga ako ng malalim
Sa totoo lang ay naaawa ako kay Janella, mahirap mawalan ng importanteng tao sa buhay, kagaya ng best friend mo. Naging parte na rin sila ng buhay mo. Wala man akong naging best friend pero nararamdaman ko ang sakit na natatamasa ngayon ni Janella. Pero syempre mas nangingibabaw pa rin ang galit, galit dahil niloko ka ng taong mahal mo at ng best friend mo.
Lumabas na ako ng CR. Nakita kong nakasandal sa dingding si Janella habang kinakalikot ang cellphone niya.
"J-janella.." Tawag ko sakanya.
Gulat naman siyang napatingin sa'kin. "Tapos kana?" Tanong niya. Tumango naman ako. Nakita ko ang pag ngisi niya. "Sarap sa pakiramdam 'no?" Tanong niya na ikina kunot ng noo ko. Anong sinasabi niya?
"Asus! Wag ka ng mahiya. Na fe-feel din kita. Masarap talaga sa pakiramdam pag nalabas mo na yung sama ng loob mo."
Napatawa ako ng mahina. "Oo nga,"
"Punta na tayo sa Room?" Tanong niya, napatango naman ako at nag simula na kaming mag lakad.
May iilang mga estudyanteng nakatingin saming dalawa, pero hindi iyon pinapansin ni Janella, panay kwento lang siya. Nakikinig naman ako sakanya pero hindi ko maiwasang mailang sa mga matang nakatingin samin ngayon.
Napansin niya sigurong parang wala ako sa sarili kaya bigla nalang siyang huminto sa pag kekwento .
"Wag mo nalang yang pansinin. Magaganda kasi tayo kaya nila tayo tinitignan ng ganyan." Aniya sabay tawa, napatawa rin ako.
"Dito kana ba mag co-college?" Tanong niya.
"Hindi ko alam eh. Depende kay nanay."
"Sana dito ka nalang para mag kasama pa rin tayo. Ano bang course ang kukunin mo?"
"B.S Biology." Sabi ko, medyo malapit na kami sa class room. "Ikaw?"
"Wow! Kaya mo mag doctor?"
"Kaya naman. Pag gusto mo ang isang bagay dapat handa kang gawin ang lahat para mapa sayo ito."
"Ay, may pa ganon?" Aniya na ikinatawa ko. "Business management ang kukunin ko eh. Gusto kasi ni daddy na ihandle ko yung kompanya namin."
"Ano ba yung company niyo?"
"About sa mga high end furnitures, mostly yung mga expensive hotels yung mga nagiging kliyente namin or mga malalaking tao." Aniya na ikinamangha ko. Ang yaman yaman siguro nila.
"Mag isa ka lang ba?" Tanong ko
"Nope, dalawa kami ng kuya ko."
"E bakit hindi nalang siya yung mag handle ng company niyo? Ayaw niya ba?"
"Hindi naman sa ayaw niya, mas gusto niya kasing maging photographer kesa mag handle ng negosyo namin. And I'm into business rin kaya ayos lang sa'kin na ako ang mag handle balang araw." Aniya napa tango tango naman ako.
"Nandito na tayo." Masayang anunsyo niya ng makarating na kami sa harap ng classroom namin. "Pasok na tayo?" Napatango nalang ako atsaka taimtim na nag dasal na sana... Sana tapos na silang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Imperfect Hearts (ON-GOING)
General Fiction"Si Erice Advincula ay isang mahirap na babae lamang. Isang masipag at mapag mahal na anak. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang mag babago ang takbo ng kaniyang buhay. " -The imperfect hearts_ by: CHAERRYBLOSSOM. ALL RIGHTS RESERVED 2018