Nilabas ko ang cellphone mula sa aking bulsa at nag tipa ng mensahe para kay mama.To: Mama
Ma, gagabihin na po ako ng uwi. Kailangan po kasi naming gumawa ng report para bukas. Pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag text sa 'inyo.
Tumingin ako sa labas ng kotse ni Calum. Papasok na kami sa subdivision nila Janella. Kanina bago kami umalis ay nakipag talo pa siya kay Janella na ang sasakyan nalang daw niya ang dadalhin namin sa pamimili ng mga kakailanganin para sa report.
Makikipag talo pa sana si Janella ngunit agad ko na siyang napigilan.
Hindi ko namalayan na nandito na pala kami at nakapasok na sa loob ng bahay nila Janella kaya agad akong nag tanggal ng seatbelt at lumabas na. Pinapasok naman kami kagad ng kasambahay na nag aantay samin sa bukana ng bahay.
Nasa gilid ko si Calum, hawak hawak ang mga pinamili namin. Pag pasok namin ay agad na tumama ang paningin ko kay Janella na nakaupo ngayon sa sofa nila. Kumakain siya ng cake habang nanunood sa malaki nilang flatscreen TV sa sala.
Agad siyang napatingin sa gawi namin ng mapansin niya kami.
"Seriously? Saan kayo bumili ng mga gamit? Ang tagal niyo ah." aniya habang sinasalubong kami.
"Sa may sinabi mo.." nag aalinlangang sagot ko. Lintek na Calum kasi eh! Nag aya ba namang mag laro muna kami sa TomsWorld?!
Hinawakan ako sa braso ni Janella. "Bihis ka muna sa kwarto ko."
"Huh? Wala akong dalawang pang palit." Totoong sabi ko, hindi ko naman kasi inaasahan yung pag gawa ng report ngayon. Kung alam ko lang sana ay nag dala ako ng extra.
"Papahiramin kita ng damit.."
"Wag na, nakakahiya!" ngumisi ako. Ngunit sadyang mapilit lang talaga si Janella kaya nakumbinsi niya rin ako.
"Hoy, ayusin mo na yung mga gagamitin riyan. Pag papalitin ko lang si Erice." masungit na sinabi niya kay Calum na ngayon ay nakatingin sakin habang hawak hawak pa rin ang mga pinamili namin kanina. Bahagya siyang tumango at ngumisi.
"Alright."
"Tara na, Erice." pang hahatak sakin ni Janella paakyat sa kwarto niya.
Pag akyat namin sa taas nila ay maraming pinto ang sumalubong sa'kin. Nasa baba kasi ang library nila kaya hindi kami umakyat dito kanina.
Pumasok kami sa isag kulay peach na pinto. Pag bukas ay agad akong binalot ng lamig galing sa buong kwarto. Malaki ang kwarto ni Janella, simple pero elegante. May dalawang pinto sa loob ng kwarto niya. Ang isa ay mukhang CR dahil sa sticker nitong nakalagay na "Comfort Room." Ang isa naman ay hindi ko alam.
Pumasok siya sa isang pinto na Hindi ko makumpira kung ano. Sinenyasan naman niya akong sumunod sakanya.
Pag pasok ko ay saka ko palang nakumpirma kung ano ang nasa loob ng pintong iyon. Isang walking closet pala iyon.Agad na inabot sakin ni Janella ang isang maroon na tee-shirt at isang white shorts.
"Bihis ka muna sa CR. Hintayin kita."
Agad akong tumango atsaka lumabas bago tumungo sa CR. Pag katapos ko mag bihis ay nakita kong nakahilata si Janella sakanyang higaan habang kinakalikot ang cellphone.
"Tapos na ko." sabi ko at pumunta sa higaan niya, umupo ako sa dulo.
"Tara dito." tinapik niya ang gilid ng kaniyang higaan para mahiga ako.
Lumapit ako atsaka humiga sa tabi niya. Tinaas niya ang kaniyang cellphone at pinunta sa camera mode.
"Selfie tayo.. Post ko sa IG." nakangising aniya. Ngumiti ako ng mag umpisa na siyang mag bilang. Naka ilang pose pa kami bago niya binaba ang cellphone niya.Nangalay yung panga ko dun ah?
"Tara na, gagawa pa tayo ng report.." pag aaya ko atsaka hinila siya patayo ng higaan niya.
°°°
9PM na ako nakauwi ng bahay, hinatid ako ni Calum. Agad akong nag pasalamat sakanya pag labas ko ng sasakyan niya. Ngumisi lang siya at tumango bago umalis.
Tahimik ang bahay ng dumating ako, nakapatay ang ilaw sa labas. Natutulog na ata sila..
Umakyat kaagad ako sa taas upang mag pahinga na. Bago iyon ay sinilip ko muna ang kwarto nila mama. Payapa silang natutulog habang mag kayakap ang dalawa kong kapatid.
Umupo ako sa maliit kong kama. Nilabas ko ang cellphone ko at tinignan kung may text bang galing kay ate Jennica. Pero wala, isang numero ang nag text pero hindi ko kilala. Paniguradong siya nanaman ulit ito. Yong nag tetext sakin lagi, walang palya. Pero Hindi ko nirereplyan. Nakakainis lang na ayaw pa niyang mag pakilala!
From: Unknown number
Good night :) see you in my dreams ;)
Ang nakalagay sa mensahe niya.
See you in my dreams? Ha! Nahihibang na ata ang isang 'to eh!
Tuwing oras ng recess ay lagi kaming mag kasama ni Janella. Paunti onti na rin akong nakakaipon dahil sa pag kanta kanta ko tuwing gabi sa pinapasukan ko. Si Calum naman ay paminsan minsan na sumasama sa amin sa recess o kaya sa Lunch. Kung minsan naman ay nakamasid lang sa malayo, pag galit si Janella o kaya wala sa katinuan ay agad na siyang lumalayo, baka kasi bigla siyang mabugahan ng apoy ni Janella. Kung sakaling mag pumilit siyang sumabay samin kumain.
Hindi naman siya nag iisa tuwing kumakain, lagi niyang kasama ang kuya ni Janella na si Chenver.
Simula nung nagkasama kami ay Hindi ko na siya muling nakitang may kalampungan na babae. Well... ayos lang naman sakin kung may landiin siya. Labas na ako sa pribadong pangangailangan niya sa katawan..
Tuwing may recitation naman ay lagi siyang aktibo, tila ganadong ganado sa topic ng lesson. Kaya laging nag tatanong sakin si Janella kung ano ang nakain ng isang yon at kung bakit biglang nag ka interes sa pag aaral. Natatawa nalang akong nag kikibit balikat.
"Wow lang ha, wow na wow.. Pano kaya niya nasagutan yung example kanina sa Math? Kung ako yun siguro aabutin tayo ng recess bago ko masagutan.." nag tatakang tanong ni Janella habang nag lalakad kami papunta sa cafeteria.
"Mag aral ka kasi.. Masasagutan mo 'yon panigurado."
"Sus! Baka naman kasi may inspirasyon ang abnormal na yon, kaya ganon.." Pinag diinan pa niya ang salitang inspirasyon sakin.
Hindi nalang ako nag salita. Ewan ko.. Pero nitong mga nakaraang araw ay mas naging close pa kami ni Calum sa isa't isa.. Ayokong mag isip ng kung ano ano. Mag kaibigan lang kami at hanggang doon lang iyon..
BINABASA MO ANG
The Imperfect Hearts (ON-GOING)
General Fiction"Si Erice Advincula ay isang mahirap na babae lamang. Isang masipag at mapag mahal na anak. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang mag babago ang takbo ng kaniyang buhay. " -The imperfect hearts_ by: CHAERRYBLOSSOM. ALL RIGHTS RESERVED 2018