Six

6 0 0
                                    


Pagka-uwi namin nila papa ay naabutan naming natutulog ang dalawa kong kapatid sa sofa. Inakyat sila ni papa sa kwarto sa taas, samantalang inalalayan ko naman si mama sa kanilang kwarto.

"Pahinga muna kayo ma."

"Salamat anak. Pasensya na sa abala."

"Mama naman. Kahit ano pang bagay yan, kayo pa rin ang mas importante sakin." Inihiga ko siya sa kama atsaka nilagyan ng kumot hanggang sa bewang. "Pahinga na kayo ma." Hinalikan ko siya sa noo atsaka umalis na.

Mag hahanda muna ako ng pagkain para mamaya.

Hawak hawak ko ang cellphone ko pababa ng bigla nalang itong tumunog.

From: unknown number

Hi! What are you doing?

From: unknown number

I saw you earlier sa hospital, what are you doing there? May nang yari ba sayo?

From: unknown number

I can help you, my uncle is the owner of Qualimed hospital. I can talk to him to help you or your family.

Parang huminto ang mundo ko sa nabasa ko. Sino ba 'to? Natatakot na ako sakanya ha!

Isinang tabi ko nalang ito at bumaba na para makapag luto ng hapunan namin mamaya.

Inihanda ko ang mga rekados na gagamitin ko sa adobo na lulutuin ko ngayon.

Hindi mawala wala sa isipin ko yung nag tetext sa'kin na yon. Hindi ko alam kung san niya napulot yung number ko at bakit niya din ako kilala.

Sa mga naaalala ko wala naman akong naging kaibigan na kahit sino. Hindi ako gaanong nakikipag socialize sa kung sino sino lang.

Bakit niya alam ang number ko at paanong nangyari na kilala niya ko?
Pag nag text siya ulit sakin bukas, itatanong ko na talaga kung sino siya at kung ano ang kailangan niya sa'kin.

Nang sumapit na ang hapunan ay tinawag ko na ang pamilya ko upang makakain na.

••••

Tunog ng cellphone kong naka alarm ang gumising sa'kin. 6:00AM na ng umaga. Bumangon na ko mula sa pag kakahiga at nag handa na.

Leggings na black at medyo mahabang t-shirt na puti ang suot ko. Pag nakaipon na ako ng pera mula sa pag tatrabaho ko sa Restobar ay bibili na rin ako ng uniporme. Masyado kasing mahal iyon kaya hindi pa ako maka bili-bili.

Pag baba ko ay wala akong naabutan na kung sino man, siguro'y natutulog pa ang pamilya ko, bawal na kasing mapagod si mama ngayon eh, samantalang 8:00AM pa ang pasok ng dalawa kong kapatid at ni papa.

Nag luto ako ng agahan at baka mag luto pa si mama pag naabutan niyang walang almusal sa mesa. Tuyo at itlog ang niluto ko. Hindi na ako nag abalang kumain, pinalamanan ko nalang ang aking pandesal ng itlog atsaka pumanhik na paalis.

Mga papasok na kotse sa gate ng eskwelahan namin ang naabutan ko muli. Nag lalakad ako sa hallway habang nakahawak ang kamay ko sa mag kabilang kamay ng aking bag.

"Hey, Erice!" Narinig ko ang magaang boses ni Janella sa di kalayuan kaya agad akong napatingin sakanya. Nasa loob siya ng kotse ngayon. Nakababa ang kaniyang bintana kaya kitang kita ko ang pag kaway at pag ngiti niya sakin. Kumaway at ngumiti rin ako sakanya. "Gooooood morning!" Aniya, sumenyas siya na hihintayin niya daw ako sa entrance kaya dali dali akong tumango at nag lakad patungo roon.

Pag pasok ko agad na pinulupot ni Janella ang kaniyang braso sa'kin. "I missed you!" Aniya

"Nag kita naman tayo kahapon ah." Natatawang sabi ko

"Kahit na! Na miss pa rin kita." Nag lalakad na kami ngayon papunta sa classroom. 6:55AM na at saktong 7:00 ang first subject namin.

Panay ang kwento ni Janella tungkol sa mga nangyare sakanya kahapon. Di ko naman maiwasang matawa dahil don. Ang daldal niya at ang sarap niyang kausap.

"Andito na tayo!" Anunsyo niya ng nasa tapat na kami ng pinto ng classroom namin. Agad naman niya itong binuksan at tumamba samin ang mga classmates naming nag uusap usap. Nang mahagip kami nalang kanilang mga mata ay napatigil sila sa pag uusap atsaka nag bulong bulungan. "What? Is there a problem with us?" Mataray na tanong ni Janella sa mga kaklase namin na pinag bubulungan kami. "You know guys, mind your own business. Hindi kami sikat pero pinapasikat niyo kami. We don't like the spot light. Kung gusto niyo ay kayo nalang. 'Kay?"

Natahimik sila dahil don. Hinatak naman ako ni Janella putungo sa upuan namin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Janella, napaupo ako sa tama kong upuan, ganon rin siya.

"I'm not weak Janella, I can protect myself." Sabi ko sabay tawa ng mahina. Yes, I can protect my self. Di por que  mahirap kana ay mag papatalo kana din.

I'm not that kind of teenager who's poor that she can't defend herself. Its typical. Those bunch of butthurt bitches of this campus thinks like that.

Akala nila siguro na talunan kana dahil mahirap ka. Na di mo kayang protektahan ang sarili mo dahil wala kang maipag mamalaki. Ganon ang tingin nila sa mga mahihirap na nag aaral dito

But me? I don't think so low of me.

Stand up friend. Prove to them that you're not what they think.

"I know Erice.. I'm just worried that they might do something to you."

"Well, gawin nila ang gusto nilang gawin sa'kin. I don't really care. And besides I'm here to study. Not to entertain others interest. Don't worry about me, Janella. I'm fine." I assured her with a smile.

Math ang una naming subject kaya nakinig ako ng mabuti. Nag advance study naman ako nung summer kaya medyo alam ko na ito. Pero kailangan ko pa ring makinig para may mas malaman pa.

Tumunong ang bell ng buong campus. Hudyat na Lunch break na. May isang oras kami para kumain.

Napatingin ako sa gilid ko. Wala doon yung lalaking nakita ko kahapon. Siguro ay absent.

Kinalabit ako ni Janella mula sa likuran kaya agad akong napatingin sakanya.

"Kain na tayo?" Tanong niya, umiling ako.

"Sa bahay na ko kakain." Sabi ko

Kumunot naman ang noo niya dahil don. "What? Are you czary? 5:00PM pa ang uwi natin 'no! You can't starve yourself, you need to eat."

How can I eat when I need to save for my Mother's operation? Nakakapag antay naman ang pagkain pero mas mahalaga sa'kin ngayon na maoperahan si mama.

The Imperfect Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon