"Excited na ako sa Acquaintance Party! Anong susuotin mo Veryl?""I don't know pa Charms eh. I'll call mommy later, nasa U.S kasi siya ngayon for the launching of our business there.. So, baka mag papabili nalang ako sakanya ng damit doon.."
Usap usapan na sa buong campus ang mangyayaring Acquaintance Party sa biyernes. Kanina lang ito inannounce ng mga teacher sa mga classroom kaya ito ang pinag uusapan ng mga estudyante ngayon.
Kasalukuyan kaming kumain ni Janella ng sandwich habang nakatingin sa mata ng isa't isa. Ang kumurap ay siyang talo.
"Janella!" pang gugulat ng kuya ni Janella sakanyang likod kaya agad na napakurap si Janella. Humagalpak ako ng tawa atsaka tinuro siya.
"Talo ka!" Sabi ko habang hinahampas ang lamesa sa sobrang tawa.
Napatigil lang ako sa pag tawa ng makitang nakatingin na sa akin ang iilan sa cafeteria. Nakangiwi namang nakatingin sakin si Chenver habang si Calum naman ay nakangisi sa harap ko. Biglang pinukpok ni Janella ng plastic bottle na walang laman ang ulo ng kuya niya.
"Alam mo, ang epal mo! Nag lalaro kami eh. Ano ba kasing kailangan mo?" iritadong tanong ni Janella sa kuya niya. Kinamot ni Chenver ang natamaan na parte ng ulo niya na hinampas ni Janella ng bote.
"Yung allowance ko po kasi ate na saiyo po diba? Kinukuha ko lang po, dahil pinaabot lang naman po saiyo 'iyon ni mommy. Can I have it ate? Cuz I need the money right now. Wala akong makakain ngayon pag di mo binigay." pang aasar ng kapatid ni Janella sakanya.
Iritadong kinuha ni Janella ang kaniyang wallet sa bulsa niya. Nag labas siya ng libo pero hindi ko mabilang kung ilan ba iyon.
Isang buwang allowance siguro iyon? Ang dami eh.
Padabog na inabot ito ni Janella sa kuya niya.
"Pag kain your ass bro! Ipang bibili mo lang yan ng babae! Di mo ko maloloko!" Ani Janella sa kuya niya.
Bigla akong inabot ni Calum ng pizza at choco milk. Tatanggi na sana ako, kaso ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko at doon nilagay ang binigay niyang mga pagkain. Ngumiti ako at nag pasalamat.
Biglang inakbayan ni Chenver si Calum at hinarap ang nag aalburutong kapatid. Kitang kita ko ang paninitig sakin ni Calum sa gilid ni Chenver.
"You know what, sis? It runs in the blood.." ngisi ng kuya niya at umalis na kasama si Calum.
"Tss.." umirap si Janella at napabaling ang tingin sakin. Humigop ako ng choco milk. "What are your plans for Acquaintance Party?" tanong niya.
"I don't know yet, hindi ko nga alam kung makakapunta ako eh." Kailangan kong kumanta sa Restobar para makaipon.
"What? why?" naguguluhang tanong niya. Nag kibit balikat nalang ako at kumain ng pizza.
·····
Lumipas ang mga nag daang araw at puro pag aaral ang aking ginawa. Pag katapos ko kumanta sa Restobar ay uuwi kaagad ako. Maaga akong nagigising upang gawin ang mga nakaligtaan kong mga gawain para sa skwelahan. Kaya lagi akong puyat.
Unti-unti na rin akong nakakaipon, gagamitin ko iyon pag kailangan na kailangan namin at para makabayad din kami sa aming mga utang.
Thursday ngayon, lahat ng nasa school ay puro excited sa mangyayaring Acquaintance Party bukas ng gabi dito sa gymnasium ng eskwelahan.
Expensive clothes and other beauty stuffs are the most trending right now for the girls.
"Hey! hey! hey!" Janella pop up while I'm walking around the campus. Plano ko sanang pumunta sa library upang matulog dahil antok na antok na talaga ako. Lunch break naman kaya okay lang.
"what?" tamad na tanong ko, bumibigat na ang talukap ko habang nag lalakad papunta sa library ng eskwelahan. I'm wearing my P.E uniform now and a jacket. Panangga sa lamig ng school.
"Di ka pa nag lu-lunch ah?" aniya at sinabayan ako sa pag lalakad. "where are you going?"
"Hmm.. Mag li-library lang, busog pa nama ako." gusto ko na talagang matulog, grr..
"You okay?"
"Yup, inaantok lang." ngumisi ako at tumingin sakanya. She look worried.
"Ahh-- I think you need to sleep na nga, mukha kang naka drugs." nakangiwing sabi nya.
I know, ilang araw na akong puyat because of school works, school, and work.
May binulong sakin si Janella na ikinakunot ng noo ko.
"If you want to sleep peacefully sa clinic ka nalang pumunta. Act as if you have an headache."
"Baliw ka talaga." natawa ako sa suggestion niya.
Tumango ako at sabay kaming nag tungo sa clinic, she's guiding me na parang matutumba ako pag hindi niya hawak.
"Pwede ka ng artista." sabi ko kay Janella habang nakangisi, kunwari siyang nag aalala sakin hanggang sa sumalubong sa amin ang nurse na nasa clinic.
"What happened?" pambungad na tanong ng nurse sa amin at tinulungan si Janella na alalayan ako.
Naka aircon ang buong clinic at maraming mga higaan na mag kakahiwalay dahil sa dingding. May malalaking kurtina ang lahat ng ito.
"She's having a bad headache miss.. please let her rest for awhile." malungkot kunwaring akting ni Janella. Patago akong ngumisi ng makitang nag aalalang napatingin sakin ang nurse.
Inalalayan niya ako papunta sa isang higaan na walang tao, pinahiga niya ako doon at tinignan kung may lagnat ba ako. Nasa gilid ko si Janella habang tinitignan ako ng nurse.
"Hmm.. Wala ka namang lagnat, sige, hahayaan kitang mag pahinga muna dito. I'll send your excuse to your adviser first." Lumabas ang nurse kaya kaming dalawa nalang ni Janella ang natira sa loob.
Ngumisi siya ng mala demonyo, nag papahiwatig ng "Tagumpay." ngumisi din ako at pumikit. Inaantok na talaga ako.
"Una na ko ha? sleep well pretty." aniya, napadilat naman ako at napatango sakanya. I mocked her my "Thank you so much."
Kumindat siya sakin at tuluyan ng umalis. Pumikit ako at nag simula ng matulog.
![](https://img.wattpad.com/cover/122119351-288-k537799.jpg)
BINABASA MO ANG
The Imperfect Hearts (ON-GOING)
Fiction générale"Si Erice Advincula ay isang mahirap na babae lamang. Isang masipag at mapag mahal na anak. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang mag babago ang takbo ng kaniyang buhay. " -The imperfect hearts_ by: CHAERRYBLOSSOM. ALL RIGHTS RESERVED 2018