Twelve

3 0 0
                                    


Pumasok kami sa isang pribadong subdivision. Tahimik lang ako sa likuran samantalang kanta naman ng kanta si Janella sa harapan.

Lumiko ang isang sasakyan at tinahak ang malawak na lupain na wala pang mga bahay. Tumigil kami sa isang white and blue na bahay. Malaki ito at may mahabang gate. Bumusina ang sasakyan namin. Lumabas naman ang isang katulong upang buksan ang gate.

Namamangha kong tinignan ang bahay nila Janella... Balang araw, mag kakaganito din kami nila mama at papa..

Nang maiparada na ang sasakyan ay lumabas na kagad si Janella. Sumunod ako sakanya.

Isang malaking double doors ang nasa aking harapan. Sa kaliwa ko naman ay isang malawak na ground. May mga bulaklak at iba't ibang orchids na nakapalibot dito.

"Tara Erice, pasok ka." anyaya ni Janella. Agad naman akong sumunod sakanya at nag lakad papunta sa bulwagan ng bahay nila.

Nasa tapat na kami ng pinto ng may biglang bumusina mula sa labas. Agad na umirap si Janella.

"Manang, papasukin mo yung kuto." aniya atsaka hinila ako papasok sa loob ng bahay nila.

Pag pasok namin ay isang malaking chandelier ang sumalubong sa'kin. The interior design of their house looks majestic!

May grand staircase sila sa gilid, malalakinh bintana na may kurtina na white and blue. May malaki silang family picture sa dingding. Gwapo ang daddy ni Janella kahit matanda na, ganon rin ang kanyang mommy. Dalawa lang talaga silang mag kapatid.

"Erice, dyan ka lang ah? upo ka muna sa sofa. Mag papalit lang ako." ani Janella. Tumango naman ako at ngumiti. Umukyat siya sa hagdanan. Nasa taas siguro yung kwarto niya..

Imbis na sundin ko ang suhestiyon ni Janella na maupo muna ay nag lakad ako papunta sa kanilang mga family picture na naka display sa isang maganda patungan. May kuha roon na nasa iba't ibang bansa sila. Europe, Asia, at America. Sumula pag ka bata palang ay nag lilibot na silang mag papamilya sa buong mundo. Samantalang nung bata ako ay tanging nagagawa ko lang ay mag walis sa bakuran at mag tanim ng kung ano ano.

Habang tumitingin ako sa mga litrato ay nakarinig ako ng mga yabag papunta sa gawi ko. Agad ko itong nilingon.

Tuloy tuloy ang lakad ni Calum papunta sa'kin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa seryosong titig niya. Tumigil siya sa harapan ko at nginisian.

"Hey." Pag bati niya

"Hello." tanging nasabi ko at nag focus nalang ulit sa mga litrato nila Janella. Hindi pa rin tumitigil ang mabilis na tibok ng puso ko.

"Hmm. What are you doing?" masuyong tanong niya. Bahagya akong kinilabutan sa tono ng boses niya.

"A-ah, wala.. Tinitignan ko lang yung mga picture nila Janella.." nauutal na sabi ko.

"You want to travel around the world? We can do that baby.. Just please.. Be mine first."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Para akong kakapusin ng hininga dahil sa mga salita niya. Hindi ako makalunok ng maayos. I probably look like a constipated woman!

"Oh kuto! Andiyan kana pala!" Biglaang sigaw ni Janella habang pababa ng hagdan.

I want to shout at her 'Thank you so much!' you save my life.

Nang makababa siya ay agad siyang pumunta sakin. Nararamdaman ko ang presensya ni Calum sa likuran ko. Onting usog ko lang patalikod babangga ang aling likod sakanyang dibdib.

"Kain muna tayo." ani Janela at dinala ako sa kanilang dining table. May mga pagkain na nakahain na roon. May pasta at mga ulam rin.

Umupo ako ganon din siya. Si Calum naman ay nag lalakad papunta sa gawi ko. Hindi pa nga kumakalma yung tibok ng puso dahil kanina ay ito nanaman!

Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. Nakita ko ang pag kunot ng noo ni Janella sa aming harapan.

"May gusto ka ba dito sa bestfriend ko?" seryosong tanong ni Janella

"Ay, wow. Bestfriend agad, Janella?" natatawang tanong ni Calum.

"Wag kang epal. Bestfriend kami, kaya wag ka ng komontra dyan." aniya at umirap.

"Ano naman kung May gusto ako kay Erice? selos ka?" pang aasar.

Laglag panga ko siyang tinignan at kumurap kurap. Kumalma ako at tumingin nalang sa mga pag kain sa lamesa.

"Ako selos? hello? duh? okay ka lang?" natatawang sinabi ni Janella. "Ikaw nga Calum, wag mo kaming pinag titripan dito. Alam kong alam mo na kaya mo lang ginaganito si Erice dahil wala ka lang magawa, wala ka lang mapag tripan na ibang babae, gusto mo ng thrill dahil si Erice ay hindi easy to get gaya ng mga babae mo! Kaya kung nandito ka lang para paibigin 'tong bestfriend ko at iwan ay no thanks nalang! Lumayas kana dito sa bahay namin ngayon palang!" Galit na sabi ni Janella kaya agad akong umawat.

"Hoy.. nasa harap tayo ng pag kain." pag suway ko. Nakita kong mukhang na offend si Calum sa sinabi ni Janella.

"I'm sorry kung ganon ang tingin niyo sakin. Na man whore ako at hindi makuntento sa isa. Pero please Erice, let me prove to you that hindi kita lolokohin. I may not be true to my words but my feelings for you are true, and will stay no matter what." seryosong aniya.

Si Janella naman ngayon ang laglag panga. Tumingin ako kay Calum ng seryoso. Hindi ko alam ang sasabihan o gagawin ko.

Hindi pa ako sure. Ano ba kasi 'tong ginagawa niya? Totoo ba 'tong mga sinasabi niya? Hindi ko alam. Ang hirap alamin. Kakakilala palang namin sa isa't isa at imposible namang May gusto na kagad siya sakin ng ganon ka bilis.

"Kumain na tayo, nagugutom na ko." Tumawa ako ng peke.

"Ako din hehe, sige Erice kain kana." si Janella.

Sumandok ako ng pasta at inilagay sa aking plato. Sinulyapan ko si Calum na pumikit bigla ng mariin. Tila may nagawang kasalanan. Tumingin nalang ako sa pag kain ko at tahimik itong kinain.

We're not both sure, we had sparks, let it be turn into flames.

The Imperfect Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon