"Ang bilis mo naman!" aniya ng makitang malapit ko ng maubos ang buffalo wings ko sa lamesa.Kasalanan ko bang gutom na gutom ako?
Nakatingin siya sakin habang kumakain ng fries. Bigla akong nakaramdam ng ilang.
Bat ba ganito siya? Tsk, palibhasa playboy eh.
"Tigilan mo na nga yang kakatingin mo, kumain ka nalang." sabi ko at tinitigan ang isang wings ng manok sa aking plato.
"Why? kumakain naman ako?" nag angat ako ng tingin sakanya at nakita ang kaniyang mapag larong ngisi sa labi.
"Look at your food, not me. Hindi ako pagkain." tinitigan ko sya ng matalim.
Humalakhak siya na tila nakakatawa ang sinabi ko sakanya. "I will eat you soon eventually."
Sa sobrang gulat ko sa sinabi niya ay bigla ko siyang nahagisan ng isang buto ng manok na kinakain ko. Tumama ito sakanya pisngi. Wala siyang ibang ginawa kundi tumawa ng tumawa, samantala'y ako nag pupuyos sa inis at galit.
"Pervert!"
"Chill!" aniya habang tumatawa.
"Tigil tigilan mo ko sa kabaslastugan mo Calum ha? Masasakal na talaga kita."
"Uh, choke me to death baby, I love that!"
"Argh!" gigil ko siyang tinuro habang hawak hawak ang maliit na hita ng manok. "Stop calling me baby! You're disgusting, kilabutan ka nga."
"Why baby? You have any problem with that?" pang aasar pa niya lalo.
Sinamaan ko sya ng tingin. "Isang isa ka nalang."
Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay, nag papahiwatig nang 'I will stop na'
Nag lakad lakad kami sa buong mall, nag papababa ng kinain. Holy spirit, busog na busog ako!
"Nabusog ka ba?" tanong niyang kakasabi ko lang sa aking isipan.
"Oo!" masayang sabi ko, "thank you pala." nginitian ko sya ng malaki na ikinatulala niya.
"Y-you're welcome."
Ngumisi ako at nag thumbs up, ayos pala 'tong kasama eh! Lagi akong busog!
"Hindi ka talaga pupunta bukas?" tanong niya, alam ko na kagad na tungkol ito sa Acquaintance Party na gaganapin bukas ng gabi sa school.
Tumango ako, buo na ang desisyon ko na hindi pupunta. Ano ba kasing gagawin ko dun? Titignan ang mga schoolmates and classmates kong nag sasayawan at kung ano ano pa? I'd rather to stay home instead.
Tumango nalang din siya at iniba ang topic. Nag makita kong malapit ng lumubog ang araw ay nag pasya na akong umuwi. Pilit na sinasabi ni Calum na ihahatid niya daw ako sa bahay dahil iyon ang naging usapan namin sa clinic pag mag tungo rito. Panay tanggi nalang ako sakanya, pupunta pa kasi ako sa Restobar. Ayokong malaman niya kung saan ako nag tatrabaho. Natatakot ako na baka may makaalam nito maski si Janella. Mas gusto ko muna 'tong ilihim sakanila at sa pamilya ko.
"Ihahatid na nga kasi kita sabi." aniya habang nag lalakad kami sa parking lot ng mall sa basement kung nasaan ang kotse niya.
"Oo na, sige na. Fine." naiinis na sabi ko. "Basta hanggang kanto ka lang." aapila pa sana siya pero tinitigan ko na siya ng masama atsaka tinaasan ng kamo.
"Okay commander." aniya at ngumisi.
Sumakay kami sa sasakyan niya at nag simula na siyang mag maneho. 4th year High school palang siya pero parang isa na siyang beterano kung mag maneho. Sigurado akong walang pang lesensya ang isang 'to."May lesensya ka ba?" kuryosong tanong ko. Tumingin ako sakanya at nakitang tutok na tutok siya sa pag mamaneho.
"Wala." sabi niya at ngumisi.
"Buti hindi ka nahuhuli."
"Ako pa. Atsaka marami kaming koneksyon. Kahit mahuli man ako di parin ako makukulong."
Tsk, ang yabang talaga ng isang tao pag alam nilang maraming silang koneksyon at walang magagawa ang batas sakanila.
Tumingin ako sa binta at nag isip isip kung paano ako makakapunta sa Restobar ng hindi nalalaman ni Mama na nakauwi ako.
Biglang umilaw ang bumbilya sa aking utak ng may maisip. Aha! So ganito ang scenario. Pag baba ko sa kanto namin ay hihintayin ko si Calum na makaalis, pag nakaalis na siya, papara ako ng jeep o kaya tricycle patungo sa Restobar. Yun! Yun nalang ang gagawin ko.
Eh pano naman kung makasalubong ko si mama o kaya ang mga kapitbahay namin sa kanto? Ano nalang ang gagawin o sasabihin.
Oh! Sasabihin ko nalang na naiwan ko ang iba ko pang gamit sa school at kailangan kong balikan!
"Hey, anong iniisip mo?" pambabasag ni Calum sa katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Iniisip ko kung pano mo nalaman ang bahay namin." tamad na sagot ko at tumingin sakanya. Tumaas ang kilay ko ng makitang bigla siyang lumunok at namutla. "Malamang sinabi ko!" tumawa ako sa gilid niya na parang baliw. Nakita kong ngumisi siya ng pilit pero nanatili paring maputla. Teka nga, natatae ba ang isang 'to kaya namumutla?
"Ayos ka lang?" tanong ko
Ngumiti siya at tumingin sakin. "Yesssssssssssssss!"
"Easy there, yung laway mo tumatalsik." natatawang sinabi ko.
Biglang tumunog ang stereo ng kaniyang sasakyan at nag play ang kantang Fall for you
Sinabayan ko ito kagad at napatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Calum. Pag nakakarinig talaga ako ng kanta, lalo na pag alam ko iyon ay lagi kong sinasabayan.
"Because tonight will be the night that I will fall for you, over again so don't make me change my mind....-" Napatigil lang ako sa pagkanta ng mapansing nakatigil ang sasakyan ni Calum sa gilid ng high way.
Napatingin ako sakanya ng nakataas ang kilay. "Anyare?" pag tatanong ko.
Nakatingin lang siya sakin ng nakanganga.
"Laway mo oy." biro ko. "Bat ka huminto? Kainis naman 'to! Ang ganda na ng pag kanta ko eh!" kunwaring pag rereklamo ko.
Nag patuloy lang ang kanta kaya sinabayan ko ulit habang nakatitig sakanya.
Wala lang, ang sarap niya lang kantahan. Mukha siyang tangang namamanghang nakatingin sakin. Patuloy ko lang siyang kinakantahan habang nakatingin sakanya.
Bigla niyang hinawakan ang aking pisngi at iginaya sa kanyang mukha. Napapikit ako sa gulat!
Bigla niyang hinalikan ang noo ko pababa sa pisngi ko na mas lalo kong ikinagulat!
Hindi ko siyang magawang itulak o ano. Parang may pumipigil sakin na gawin iyon.
Tumama ang malambot niyang labi sa noo ko, pababa sa pisngi ko.. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, para siyang nag wawala sa kaloob looban ko..
His hot mint breath filled my cheek. Para akong hinihela ng kaniyang labi. Nanatili akong nakapikit hanggang sa may bumusina sa likod namin na ikinagising ng diwa ko. Agad akong nag mulat ng mata atsaka bumalik sa ikinakaupuan ko.
Paniguradong sobrang pula na ng pisngi ko ngayon! Ano ba yon? Anong nangyari?!
Puro mura ang kumawala sa sasakyan habang pinapaandar na niya ito. Tumagilid ako at humarap sa bintana. Hindi ko kayang makita niya na namumula ako, oh my gosh..
Sobrang awkward!!
BINABASA MO ANG
The Imperfect Hearts (ON-GOING)
General Fiction"Si Erice Advincula ay isang mahirap na babae lamang. Isang masipag at mapag mahal na anak. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang mag babago ang takbo ng kaniyang buhay. " -The imperfect hearts_ by: CHAERRYBLOSSOM. ALL RIGHTS RESERVED 2018