Seven

8 0 0
                                    

Wala na akong ibang ginawa kundi ang mag pahatak kay Janella nung hilahin niya ako patayo sa aking upuan.

"You don't need to do this Janella. I can starve myself all day. Kakain naman ako sa bahay eh." Sabi ko habang hila hila niya ako palabas ng classroom. Nag silabasan na ang mga kaklase namin kani kanina pa.

"I want to feed you 'kay? Bayaran mo nalang ako pag may trabaho kana." Seryosong aniya. Napatawa naman ako.

"Of course! We'll make fun once I'm successful. I promise that I'll pay all of my dept to you."

"You don't need to! Maliit na bagay lang ito sakin."

Nasa labas na kami ngayon ng classroom patungo sa cafeteria. May mga estudyanteng nag lalakad patungo rin doon.

"Hi Janella!" Bati ng isang kikay na babae kay Janella.

"Oh, Hello Yukie! How are you?"

"I'm doing good."

"Nice,"

"Good to see you Janella! Let's catch up sometimes?" Tanong ng babae

Napatango naman kagad si Janella. "Yeah, sure!"

"Good! Una na ako ah? See you around!" Aniya saka umalis na kagad. Napatingin naman sakin si Janella.

"She's Yukie, ka business partner ni Daddy yong dad niya." Sabi niya. Napatango naman ako. "She's kind." Sabi pa niya.

"I see that."

"Teka nga, ang fluent mo mag English ah? Mayaman siguro kayo?" Napatawa ako dahil don.

"Di por que fluent mag English mayaman na kagad?" Natatawang tanong ko sakanya.

"Oo naman?" Kunot noong tanong niya

"To be honest ay mahirap lang kami. I'm not kidding." Seryosong sabi ko sakanya. "Construction worker ang papa ko samantalang house wife naman ang mama ko. She's not working because of her heart disease" Sabi ko sakanya.

"I'm scholar here. As you see, I don't want to get involve to anyone here. Especially when it comes to trouble. Kailangan kong pangalagaan ang scholarship na ibinigay sa'kin. I have 2 siblings, nag aaral na din sila. Pag hindi ko pinag buti ang pag aaral ko ay baka di na ako makapag aral muli. Wala kaming perang pang tustos sa mga pangangailangan ko. Ulam at kanin nga hirap na hirap na kaming kitain, pang bayad pa kaya sa tuition at iba pang kailangan ko?"

"Oh." Tanging na sabi ni Janella. "I didn't know."

"You didn't know because you didn't asked." Natatawang sabi ko.

"Seriously I didn't know. I should talk to you mostly. Kundi pa tayo napunta sa mayaman na topic ay baka di ko sakin nasabi ang estado mo sa buhay." Malungko ang boses niya. "I'm sorry,"

"I'm fine with my life stage Janella. Hindi ko ikinakahiya ang pagiging mahirap. Alam mo, mas nakaka motivate nga iyon eh. Pag mahirap ka, mas lalo kang mangangarap at pag mas lalo kang nangangarap ay may tiyansa na umangat ka sa buhay. Pero syempre dapat hindi lang puro pangarap. Kailangan din ng nagawa. Kasi pano ka aangat sa buhay kung di ka gagawa ng paraan diba?"

"Ouch!" Tumawa siya. "Okay, okay, fine! Ako na itong si tamad!"

Tumawa rin ako. "Di ka naman tamad ah?"

"Sus! You can't fool me!"

"Hindi ah. Sadyang lagi kalang puyat kaya lagi ka nakakatulog sa klase."

Nakatingin ako sa kanya ngayon habang nag lalakad kami. Malapit na kami sa cafeteria. Pero bigla akong natalisod. Buti nalang at may biglang humawak sa braso kaya di ako nasubsob sa tiles!

"T-thank you Janella." Nag angat ako ng tingin kay Janella pero nakatingin sya sa may hawak hawak ng braso ko. Napag tanto kong di pala si Janella ang sumalo sa'kin. Nag angat ako ng tingin sa taong tumulong sakin.

"Be careful." Aniya at binitawan na ako atsaka nag lakad palayo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang boses niya. Gosh! Bakit ganito?

"Ugh! That friggin asshole! Alam kong may pinaplano nanaman yan eh." Narinig ko ang naiinis na bulong ni Janella sa gilid ko. "Hey, you okay?" Tanong niya. Napatango naman ako.

"C-classmate natin yun diba?" Tanong ko kay Janella.

Siya yung katabi ko eh. Pero di ko naman siya nakita sa classroom kanina. Ano kayang nangyare don?

"Hmm, oo. Stay away from him Erice. Sobrang landi ng lalaking yon." Aniya. Tumingin siya sakin. "You've been warned na huh?"

"Crush mo?" Panunukso ko sakanya

"Hindi 'no! Duh, ang landi landi nun eh! Andaming girlfriend! Kala mo kung sinong gwapo." Umirap siya. "Saka yuck! Baka may HIV na yun 'no!"

"Huy bunganga mo." Natatawang suway ko sakanya. Nasa cafeteria na kami ngayon. Kasalukuyang nag hahanap ng lamesa.

"Malay ko bang marami na palang nakama yun?" Sabi pa niya. "Tindig palang parang marami ng karanasan.. Tsk." Umirap ulit siya. Nakita kong nasa isang bilugang lamesa yung tumulong sakin kanina slash classmate ko slash katabi ko. Mukhang kasama niya mag lunch yung kaibigan niyang lalaki na may kaakbay na babae, gayon din siya.

"See? Pati kuya ko dinamay sa mga kaharutan niya!" Naiinis na sabi ni Janella. Napakunot naman ang noo ko dahil don. "Kuya ko yong katabi ni Calum." Dagdag niya

Namamangha kong tinignan ang kuya ni Janella. He's tall and handsome. Medyo maputi siya, matangos ang ilong, malalim na mata, at medyo may kapakalan ang kaniyang kilay. Tinignan ko si Janella. They looked so alike. May malalim na mata si Janella. Mahabang pilik mata. Matangos na ilong. Tama lang ang kaniyang puti, at tama lang din ang kaniyang kilay, di gaya sa kuya niya. Pero mapag hahalataan mo nga talagang mag kapatid sila.

"His name is Chenver."

Nice name.

"Chenver the asshat." Dagdag niya na ikina tawa ko.

"Grabe ka sa kuya mo! Tara na nga kumain na tayo!" Pag aaya ko

"Ay wow! Kala ko ba you can starve yourself all day? Anyare ngayon te?"

"I can starve myself all day but you drag me here!"

Tumawa siya  "okay, fine! Let's go!" Tumayo siya. Tumayo na rin ako

Nag lalakad kami papunta sa bilihan ng waffles ng biglabg mag salita ang kuya ni Janella ng mapadaan kami sa lamesa nila.

"Hey sis! Sino yang kasama mo? Care to introduce me to her?" Napabaling ako ng tingin sakanya, nakangisi siya ngayon habang nakatingin sa'kin.

"Kuya.. Pwede ba." Umirap si Janella.

"What? Gusto ko lang namang makilala siya. Is that bad?"

"Fine! She's Erice, my classmate and my friend. "

Biglang nag lahad ng kamay yung kuya ni Janella sakin. Di ko alam kung tatanggapin ko ba or hindi.

"Chenver," aniya. Tinanggap ko na ang kamay niya, paniguradong nangalay siya nung di ko ito tinanggap kanina.

"Erice." He smiled wider

"Whatta beautiful name, like you."

Ngumiwi ako, at tinanggal na ang kamay niya sakin.

"You sucks dude." Napatingin kagad ako sa classmate kong kanina pa nakatingin samin. Tumatawa siya ngayon, at mukhang wala na sa tabi niya yung babaeng akbay akbay niya kanina.

"Fuck you dude, get a life." Pambawing sabi ni Chenver.

"May you excuse us?" Pataray na tanong ni Janella sa kuya niya. Napatango naman ito at ngumisi

"Sure my dear evil sister!" Ani Chenver napairap naman si Janella "nice meeting you Erice!" Huling sabi ni Chenver. Di na ko nakasagot sakanya dahil bigla nalang akong hinatak ni Janella paalis dun.

The Imperfect Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon