Sixteen

11 0 0
                                    


Nagising ako ng maramdamang may nakatingin sakin. Agad kong minulat ang aking mata at tinignan si Calum na prenteng nakatayo sa gilid ko habang seryosong nakatitig sakin.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko atsaka dahan dahang bumangon para makaupo.

"Kamusta pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong niya.

Naloko rin pala siya ni Janella.

"Ayos naman." masarap naman ang tulog ko. Napangisi ako bigla na ikinataka niya kaya agad akong naseryoso.

"Hahatid na kita sainyo." aniya

"Huh? B-bakit anong oras na ba?" kabadong tanong ko.

Tumingin siya sa relo niya at binalik ang titig sakin.

"Uwian na."

No! Hindi pwede! Bakit hindi ako ginising ng nurse? isang oras lang ang balak kong tulog bakit inabot ako ng uwian?

"Seryoso ka?" kabadong tanong ko.

Jusko, sana niloloko lang ako ng isang 'to!

"Oo." simpleng sabi niya na ikinaguho ng mundo ko.

Na skip ko ang mga lessons!

Hinilamos ko sa aking mukha ang aking palad.

Leche naman Erice! Scholar ka dito at hindi isang mayaman na estudyante!

"Wala naman kaming ginawa, don't worry. Busy ang mga subject teachers natin para bukas." napaangat ako ng tingin sakanya at ngumiti ng malaki.

"Talaga?" masayang tanong ko.

Buti naman!

Tumango siya at inilahad sakin ang kamay.

"Get up, ihahatid kita sa bahay niyo." Hinawakan ko ang kamay niya bilang pag alalay. Bigla akong napahinto ng maramdaman ang elektrisidad na gumapang sa kamay ko. Hindi ko nalang ito pinansin at tuluyan nalang umalis sa higaan.

"Wag na, kaya kong umuwi ng mag isa." may trabaho pa ko ngayong gabi.

"Pano kung may mangyaring masama sayo habang umuuwi? Ihahatid na kita." Aniya

Hinanap ko sa baba ng higaan ang aking sapatos at sinuot.

"Ayos lang talaga, baka may kailangan ka pang gawin.. Makakaistobo lang ako pag hinatid mo pa ko."

"Yun nga yung gusto ko eh.. Yong iniistorbo mo ko."

Napatingin ako sa kanya.

"Ano?" tanong ko, ngunit umiling lang siya at ngumisi.

"Bilisan mo na, di ka pa nakaka-kain ng lunch diba?" tanong niya.

Nag lakad na kami palabas ng Room at nag pasalamat sa nurse bago tuluyang lumabas.

Tumango ako sakanya at nag simula ng mag lakad.

"Kumain ka muna."

"Ayoko, busog naman ako."

"Kaya sumasakit yang ulo mo eh."

"Ayos lang talaga ako, atsaka kailangan ko pa munang makita si Janella."

"Binilin ka sa'kin ni Janella." simpleng sabi niya habang nag lalakad kami. Gulat naman akong napatingin sakanya.

"Hindi ako naniniwala." sabi ko at ngumisi.

Ngumisi naman siya ng malaki. "Kakain ka muna bago kita ihatid."

Hindi na ako umangal sa kakulitan niya, pinipilit niya akong kumain muna bago ihatid sa bahay, kahit anong tanggi ko ay nag pupumilit pa rin siya kaya hinayaan ko nalang.

Binalot kami ng tinginan habang nag lalakad sa exit ng school papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse niya. May mga nag bubulung bulungan habang nakikita kami ngunit Hindi ko nalang ito pinansin.

Pumasok kami sa mamahalin niyang kotse. Woah, Audi 'to huh?

"Sa mall na tayo kumain." aniya at pinag buksan ako ng pinto, agad naman akong pumasok sa loob at nag pasalamat. Sinara niya ito at umikot papunta sa driver's seat. Sumisipol sipol pa siya na parang sobrang saya.

Nang makapasok na siya ay nag suot kagad siya ng seat belt, ginaya ko ito at tumingin sa labas pag katapos.

"Pupunta ka sa Acquaintance Party, diba?" tanong niya habang iniistart ang makina.

Umiling ako at tumingin sakanya. "Hindi ako pupunta."

Agad siyang napatingin sakin na may halong pag tataka. "Why?" inumpisahan niya ng mag maneho palabas ng school habang tumitingin tingin sa side mirror ng sasakyan.

"Wala akong susuotin atsaka marami pa akong kailangang gawin bukas." simpleng sabi ko at tumingin ulit sa bintana.

"Tulad ng ano?" kuryosong tanong niya.

Ngumisi ako. "labas kana don."

----

Nang makarating kami sa mall ay puro tanong siya kung saan daw ba kami kakaing dalawa. Hindi naman ako makapag desisyon kung saan dahil maraming pag pipilian ang narito.

Wingstop kagad ang pumasok sa isip ko ng makita ko ito.

Tumingin siya sakin, tinuro ko ang wingstop.

"Dito nalang." saad ko. Tumango naman siya.

"Alright."

Sabay kaming nag tungo roon at nag hanap ng lamesa, wala gaanong tao kaya nakahanap kami kaagad. Umupo kami at nag tawag na siya ng waiter. Agad naman itong pumunta upang kunin ang order namin.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag at tinignan kung magkano ang laman neto. Laking gulat ko nalang ng makitang 200 pesos nalang ang laman nito! Holy cow, pang inumin ko lang ata 'to ah? Pano na yan?

Nag simula ng tumingin si Calum sa menu habang inaantay ng lalaking waiter ang order niya. Simple akong napatingin sakanya nag kukunwaring ayos lang ang lahat ngunit ang totoo ay wala na akong perang pang kain. Pag kumain ako ngayon ay baka mag lakad na ko pauwi mamaya. Medyo malayo pa naman ang bahay namin.

Ang hirap maging mahirap peste!

"Anong gusto mo Erice?" tanong niya na ikinakaba ko.

Ngumisi ako para maiwasan ang matinding kaba.

"Tubig nalang." ngumiti ako ng pilit.

Napakunot ang noo niya sa kalituhan.
"Ano?" tanong niya ulit, tila hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Tubig lang ako, diba nga busog pa ko?" ngumiti ulit ako.

Isang napaka lakas na tunog ang kumawala sa tiyan ko kaya agad akong napapikit sa hiya. Dinig na dinig ng dalawa kong tenga ang hagalpak ng walang hiyang si Calum at hagikhik ng waiter sa gilid.

"Di pala gutom ah?" pang aasar niya at ngumisi sakin.

Alam mo? walang hiya ka talaga. Ang sarap mong sakalin bigla.

"Boss, dalawang order ng buffalo wings na original flavor and chilli, dalawang order din ng cheesy fries, dalawang Ice tea na rin pala, atsaka yung pinaka masarap niyong dessert, dalawa rin... Para naman mabusog ng sobra sobra ang mahal ko."

Tinitigan ko sya ng sobrang talim.

Malandi siyang humagikhik sa harap ko.

Inulit ng waiter ang order namin bago umalis.

"Mahal ko? Really? Oh don't make me stab you to death." I glared at him

"I would love that." aniya at nakapalumbaba akong tinignan.

"Don't fool me Calum, I know you enough."

"You don't know me yet baby, I'll make you mine soon."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa di maipaliwanag na kadahilanan. Nag iwas nalang ako ng tingin atsaka tahimik na nag hintay ng order. This feeling is ridiculous.

The Imperfect Hearts (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon