Binuksan ni Janella ang pinto at tumamba sa 'amin yung mga classmates naming nag dadaldalan, nag ku-kwentuhan, nag tatawanan at nag kakamustahan.
Buti naman
"Tara don tayo sa gilid ng window." Pag aaya sa'kin ni Janella, hinatak niya ang braso ko papunta doon sa gilid ng bintana na kung saan kitang kita mo ang kabilang department ng buong campus. At ang napaka laking field nito. Hindi tirik ang araw sa parteng ito dahil nahaharangan ng kabilang department ang sinag ng araw.
Maaliwas tignan ang buong classroom, malaki at sobrang linis. May isang mahabang white board. Sa gilid nito ang nakatayong malaking aircon na ngayon ay nakabukas kaya malamig. Ang mga upuan na may sari sariling lamesa, at ang malaking teacher's table sa gilid.
Naupo ako doon. Katabi ko ang bintana. Sa likod ko naman naupo si Janella, katabi rin ng bintana. Nilagay ko ang bag na dala dala ko sa upuan, wala naman itong ganong laman kaya hindi mabigat.
"You fine here?" Ngumiti ako atsaka tumango. "Good." Aniya
Naupo na rin siya sa likod ko. Ako lang ata ang nag iisang naka civilian ngayon dito, lahat sila ay naka uniform na. Ginala ko ang aking mga mata at nakita kong nakatingin ang halos karamihan ngayon sa'kin.
Agad akong nag iwas ng tingin at tinuon nalang ang buong atensyon sa katabi kong bintana. Kitang kita ko ang pag lalakad ng mga estudyante sa field.
Kinalabit ako ni Janella galing sa likuran, agad naman akong napalingon sakanya. Nasa lamesa niya ang IPhone 7 niya. "Are you okay?" Nag aalalang tanong niya. Napansin niya sigurong hindi ako komportable na pinag titinginan ako ng mga tao.
"Yes," sagot ko. I smiled at her pretending that I'm really okay.
"You sure?"
Tumango ulit ako, "well, pag may ginawa sila sayo, sabihin mo lang sa'kin. Akong bahala sayo" she said then winked at me.
Napatawa ako ng mahina
"Si Harrison.."
"Oh my, ang pogi pogi pa rin niya!"
"Ang hot niya... Shit,"
Nakarinig ako ng mga tilian kaya napabaling kaagad ang tingin ko sa pinto ng buong classroom na kung saan ay nasa likod..
May pumasok na isang lalaki,
His black hair jaggedly framing his defined features, his narrowed nose, almond eyes, long eyelashes, plump lips, perfect eyebrows and his goddamn jawline, who suits him very well. Damn!
Mukha siyang greek god na nag landing sa mundong 'to. Matangkad siya at moreno. Bagay na bagay sa mukha niya ang kulay ng kaniyang balat. May naririnig akong hagikhikan at tilian sa buong classroom.
Nag lalakad na siya ngayon papunta sa katabi kong lamesa na kung saan ay bakante. Napatingin naman siya sa'kin na nakangisi. Agad naman akong nag iwas ng tingin.
Hindi ako kinakabahan nung pumasok kaming dalawa ni Janella dito, pero ngayon... Bakit ako kinakabahan? Nakakainis, ano nanamang nangyayari sakin?
Huminga ako ng malalim atsaka pumikit nalamang.
Biglang nag flash back sa'kin yong itsura ng katabi ko.
Ang gwapo gwapo niya, words are not enough to describe him.
Tama lang ang hubog ng kaniyang katawan, malinis at maayos siya manamit, mukhang mayaman. Well, lahat naman ng nag aaral dito ay mayaman eh. Ako lang yung hindi he-he.
Naramdaman kong napaupo na siya sa katabi kong lamesa, naamoy ko kagad ang pabango niyang panlalaki na hindi masakit sa ilong. May pagka mint ang pabango niya na ang sarap sarap amoyin.
Narinig kong napabukas ang pinto sa likuran kaya napatingin rin ako doon. Iniluwa nito ang isang babaeng morena, medyo magulo ang kaniyang maiksing buhok na hanggang balikat niya lang, medyo matangkad siya at maganda. Mapula din yong labi niya ngayon.
Nag lakad siya papunta sa unahang hilera ng mga bakanteng upuan, lahat ng tao sa classroom ay bumalik na sa normal, may kanya kanya na silang mga mundo ngayon samantalang naka yuko naman ngayon si Janella tila natutulog.
Dumaan yong babae sa gilid nung lalaking katabi ko, at halos malaglag ang panga ko ng makitang hinaplos nung katabi ko yung binti ng babae nung dumaan ito sa gilid niya, nakita kong napangisi yung lalaki at namula naman yung pisngi ng babae atsaka dumiretso ulit ng lakad. Pinabayaan lang nung babae ang lantarang panghihipo sakanya nung katabi ko.
Biglang lumingon sa gawi ko yung katabi ko kaya agad akong tumingala sa kisame na kunwari tinitignan yung tatak ng ilaw na naka sabit don.
Nang maramdaman kong hindi na siya nakatingin sa'kin ay bumaling nalang ako ng tingin ngayon sa labas ng binta.
Nang tumagal ay pa simple kong ginala ang paningin ko sa classroom. Halos karamihan sakanila ay busy sa cellphone nila. Narinig ko naman ang mumunting hilik ni Janella sa likuran ko, lilingon na dapat ako sakanya ng maabutan kong nakatingin sakin yung katabi ko, seryoso siyang nakatingin sakin.. Bigla akong kinabahan.
Bigla namang bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin roon, isang babae na nasa mid-30's ang pumasok. Naka eye glasses siya. Naka ayos rin ang buhok niya na parang isang terror teacher. Yung mga mata niya din ang sungit tignan.
Agad kong kinalabit si Janella. "Nandito na yung teacher.." Agad naman siyang napamulat ng mata na tila inaantok pa.
••••
After ng introduction na ginawa ay pina kain muna kami ng Adviser namin, Oo si Ms. Ruth Velligas ang aming adviser. Ang sungit niya, laging nakataas ang kilay niya na animo laging iritado.
Nakatingin ako ngayon sa labas, walang balak kumain. Busog pa naman ako eh. Atsaka sigurado akong ang mamahal ng mga pagkain dito 'no. Sa bahay nalang ako kakain.
Bigla akong kinakabit ni Janella kaya agad akong napalingon sakanya.
"Kain tayo?" Pag aaya niya, umiling naman kaagad ako.
"Ikaw nalang, busog pa ako eh."
"Libre kita."
"Ayoko, haha, nakakahiya."
"Sus! Libre ko na nga eh! Tayo na." Pinatayo niya ako. Wala na akong nagawa kundi ang tumayo na rin. Agad niyang pinulupot ang kaniyang braso sa braso ko.
"Ano bang gusto mong kainin? Treat ko! Promise.." Nag promise sign pa siya,
Umiling ako. "Sasamahan nalang kita."
Nag pout naman siya, papalabas na kami ngayon ng Room. "Di nalang ako kakain."
"Eh di huwag ka kumain." Sabi ko ng natatawa
"Ang sama mo! Sige na please? Basta ililibre kita sa ayaw at sa gusto mo!" Aniya. Napangiti nalang ako
![](https://img.wattpad.com/cover/122119351-288-k537799.jpg)
BINABASA MO ANG
The Imperfect Hearts (ON-GOING)
General Fiction"Si Erice Advincula ay isang mahirap na babae lamang. Isang masipag at mapag mahal na anak. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang mag babago ang takbo ng kaniyang buhay. " -The imperfect hearts_ by: CHAERRYBLOSSOM. ALL RIGHTS RESERVED 2018