Nag lalakad na kami ngayon ni Janella sa hallway papunta sa cafeteria. Bawat nadadaanan naming Room ay sinasabi niya kung ano iyon.
"Eto naman yung library ng campus.." May malaking pinto ito at mahaba ang sukat. "Actually ito ang pinaka main library dito, meron din kasing library sa kabilang building pero ito ang pinaka malaki." Dagdag pa niya.
Napatango naman ako. "Lagi siguro akong nandito, mahilig ako mag basa eh." Totoong sabi ko.
Nilagpasan na namin ng lakad yung library dahil hindi naman namin makikita ang loob nito dahil walang salamin mula sa labas.
"Talaga? Ay sayang hindi ako mahilig mag basa eh. Nakaka bored kaya."
"Hindi ah. Nakaka wala kaya siya ng stress atsaka marami ka pang matututunan."
"Sabagay marami ka ngang matututunan don, pero nakaka bored parin hays." Natawa ako sa sinabi niya.
May mga nakakasalubong kaming estudyante na nakatingin saming dalawa. Halos karamihan ay babae.
May glass door akong nakita at kita mula rito ang buong cafeteria. Ang laki, may mahahabang upuan at lamesa, meron namang mga pabilog, at may mga sofa rin dito. May mga nag bebenta ng milk tea, waffles, kanin at ulam, name it.
And on each level there are tables and chairs, and to put it into perspective, the more popular you are, the higher you sit. Ito ang napansin ko ngayon dito.
"Tara mag milk tea tayo saka waffles." Hinila na ako ni Janella ngayon papunta sa nag titinda ng waffles, wala na akong nagawa kundi ang mag pahila na rin. "Blueberry and cheese, pa add ako ng cheese cream, and.. Ano sayo?" Tanong niya naman sa'kin.
"Yong hazelnut nalang."
"And isang hazelnut. Balikan namin." Hinila niya naman ako papunta sa milk tea area.
"Anong flavor ang gusto mo?" Hindi pa masyadong puno yung counter kaya agad kaming nakarating sa unahan.
"Yong original flavor nalang."
"Okaaay, isang strawberry and original. Paki bilisan, I'm already thirsty." Maarteng aniya sa babaeng nasa cashier. Napangiwi naman ako dahil don. Tinignan ko yunh babaeng nasa cashier at nakataas ang kilay niya ngayon kay Janella. Mukhang mag kaaway sila. Napairap si Janella sabay sabing.
"What? Excuse me, I'm your costumer here. You need to do your job." Tinarayan niya ulit yung babae, wala ng nagawa ang babae kundi sundin si Janella.
"Here's your order ma'am." Mariin na sabi ng babaeng cashier ng i served na samin yung order.
"Thank you!" Sarcastic na sagot ni Janella. "Let's go." Hinawakan niya ako sa braso atsaka hinila ulit pabalik dun sa waffles.
Kinuha namin iyon atsaka nag hanap na ng upuan na pwedeng upuan. Doon kami pumwesto sa gilid, sa may mga sofa.
"Thank you Janella." Sinserong sabi ko. Napangiti naman siya at agad na umupo, ganoon din ako.
"Welcome. Bawi ka nalang sakin." Tumawa siya at tinusok ang kaniyang milk tea. Sumimsim siya roon at kumain ng kaniyang waffles.
"Pag katapos natin kumain pwede naba tayong umuwi?" Tanong ko, diko kasi alam kung may gagawin pa kami or uuwi na.
"Sabi ni Ms. Garbo pwede na daw tayong umuwi." Aniya habang ngumunguya ng waffles niya. Ganon rin ang aking ginawa atsaka tinusok ang aking milk tea ng straw.
••••
Pag katapos namin kumain ay agad kaming pumunta sa classroom upang makuha ang gamit namin at maka uwi na. Nag presinta si Janella na ihahatid niya daw ako pauwi kaso tumanggi ako.
"Hindi na Janella, may dadaanan pa kasi ako eh. Salamat nalang." Ngumiti ako sakanya. Nasa waiting area kami ngayon, hinihintay ang sasakyan nila janella na susundo sakanya. Hihintayin ko muna siyang makasakay sa sasakyan nila bago ako pumunta sa pupuntahan ko.
"Sigurado ka? Pwede ka naman namin ihatid eh. Wala yun sa'kin."
"Okay lang talaga ako." Ngumiti ako sakanya. "Atsaka nalibre mo na ako kanina eh, abusado na tawag sakin pag nag pahatid pa ko sayo." Tumawa ako ng mahina
Mahina niya akong hinampas sa braso
"Wala yun 'no! Baka kasi may mang yaring masama sayo sa daan eh." Pag aalala niya
"Wag ka ng mag alala, marunong naman ako mangarate eh." Pag bibiro ko, ngunit seryoso niya akong tinignan. "Okay lang talaga ako." Sabi ko pinisil ko ng mahina ang kaniyang pisngi.
"You sure?" Tumango ako atsaka ngumiti.
"Thank you sa food ah."
"Always welcome."
Di nag tagal ay dumating na rin ang sundo niyang fortuner. Nag Paalam na kami sa isa't isa.
Nilabas ko ang de-key-pad kong cellphone para itext si Ate Jennica na papunta na ako sa restobar na sinasabi niya. Balak kong sumide line doon bilang taga kanta
To: Ate Jennica
Papunta na po ako ate, saan po ba banda iyon?
Sinend ko iyon ngunit hindi pumasok, hudyat na wala na akong load.
Habang nag lalakad ako sa street na tatahakin ko ay may nakita akong maliit na tindahan sa gilid ng kalsada. Nag papaload sila. Dali dali naman akong pumunta roon para mag pa load.
"Ate, paload po." Sabi ko sa medyo matandang nag titinda.
"Paki sulat nalang dito neng." Nilahad niya sa harapan ko yung notebook na sulatan ng mga numero pag nag papaload. Agad ko namang sinulat ang numero ko.
"20 lang po." Inabot ko sakanya ang bayad ko. Aalis na dapat ako ng may makita akong isang lalaki na nakatalikod patagilid, tila may inaabangang sasakyan sa daan. May hawak hawak rin siyang sigarilyo, at napansin ko ring mag kapareha kami ng pinapasukan na eskwelahan.
Tsk, di manlang nahiya. Habang naka school uniform nag sisigarilyo? Napailing iling nalang ako at bumuntong hininga.
Nang dumating na ang load ko ay agad kong tinext si Ate Jennica.
Nag reply naman kaagad siya.
From: Ate Jennica
Smakay k ng traysikel, tpos sbihin mo ibaba k sa the Jack's restobar,,
Medyo napakunot ang noo ko sa reply ni ate, kulang kulang kasi sa words. Pero ang sabi niya ay sumakay daw ako ng tricycle at ibaba sa Jack's Restobar kung nasaan iyon.
Sakto namang may humintong tricycle sa harap ko kaya agaran ko itong pinara.
"Manong, sa may Jack's Restobar lang po."
Sumakay na ako sa loob at nag simula na si manong na mag paandar. Titignan ko sana yung lalaking naninigarilyo pero ibang daan ang tinahak namin ni manong kaya hindi ko nakita ang mukha niya..
BINABASA MO ANG
The Imperfect Hearts (ON-GOING)
General Fiction"Si Erice Advincula ay isang mahirap na babae lamang. Isang masipag at mapag mahal na anak. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang mag babago ang takbo ng kaniyang buhay. " -The imperfect hearts_ by: CHAERRYBLOSSOM. ALL RIGHTS RESERVED 2018