Nakanganga ko siyang tinignan. Agad akong napatingin sa likod na kung saan na roon si Janella. Nakatingin rin siya kay Calum na nakakunot ang noo."Pano nangyare yon?" mahinang bulong niya sabay tingin sakin. "Wow ha. Himala, nag aral siya.."
"Very good Mr. Harrison! Palakpakan natin si Calum everyone!" sabi ni Miss at pumalakpak dahil sa sobrang kagalakan.
"Yabang!" ani Janella sa likod. Ngumiwi ako.
"Now.. for your report tomorrow, gusto kong bumuo kayo ng tatlong miyembre, each group may ibibigay akong report.." ani miss "Mag hanap muna kayo ng mga ka miyembro nyo, I will give you 5 minutes."
Agad akong hinawan ni Janella sa balikat. May humawak sa kamay ko pag tingin ko sa harap ay si Calum ang may hawak hawak nito.
"Please.." nag puppy eyes siya sakin. "Partner tayo.."
"Layas! Partner ko siya." bigla akong niyakap ni Janella sa leeg. "Mag hanap ka ng ka member mo!"
"Pwede namang tatlo ah! edi tayo tayo nalang!"
"Ayaw ka naming kasama!" si Janella
"Kapal ng mukha mo! ayaw din kitang kasama! lalo na yang bunganga mo! parang pwet ng manok!"
"H-hoy! ay aba, kupal ka ah!"
"Erice.. please, accept me.." bumaling siya sakin at nag mamakaawa. Napabuntong hininga nalang ako at tumango.
Agad siyang tumayo at nag tatatalon.
"Yes!"
"Hoy Erice! bat mo tinanggap yan?" naiinis na tanong ni Janella
"Hayaan mo na, kawawa naman walang ka grupo." sabi ko
huminahon siya at tumango. "crush mo?" tanong niya. Agad akong napailing at tumingin ngayon kay Calum na nakangiting nakaharap sa white board.
"Hindi 'no."
"Sus.. kunwari hindi tapos yun pala.."
hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang mag salita si miss."Time's up!" aniya at pumunta sa harapan. "May grupo na kayo?" tanong ni miss sa lahat. Agad naman kaming nag si-tanguan. "Very good, ang unang mag rereport ang grupo ni Mr. Harrison." ani miss, mag poprotesta na sana ako ngunit naunahan ako ni Calum sa pag sasalita.
"Yes miss!" masayang aniya at tumingin sakin. Bigla siyang kumindat.
"Yuck.." ani Janella sa likod.
"Your report for tomorrow is all about the Drugs to improve memory."
"Yes miss!" ani Calum
"Bat ang pabibo niyan ngayon ha, Erice?" tanong ni Janella sa likod. Nag kibit balikat ako. "nakakairita na siya ah."
Di nag tagal ay nag dismissal na rin. Inayos ko ang gamit ko.
"Rice, ang ganda mo sa uniform mo." biglang sabi ni Janella sa likod ko kaya napatingin ako sakanya. "Bagay." nginitian nya ko ng matamis.
"Salamat." nahihiyang sabi ko
"Maganda naman talaga si Erice, ikaw lang talaga yung panget Janella.." biglaang sabi ni Calum sa gilid. Agad namang napatingin si Janella sakanya na tila nanlilisik ang mga mata.
"Wag ka ngang feeling close! The last time I checked si kuya yung tropa mo hindi ako!"
Napangisi nalang si Calum at tinantanan na si Janella.
"San tayo gagawa ng report ngayon?" tanong ko
"Sa bahay namin!" sabay na sabi ni Janella at Calum. Napatingin ako sa kanila ng naguguluhan.
"Sa bahay namin Erice." si Janella
"Sa bahay namin, period." si Calum
"Ang epal mo, alam mo yon? kanina ka pa! Kami yung talagang mag partner eh! Sumisipsip ka lang alam mo yon?" naiinis na sabi ni Janella kay Calum.
"Okay, fine!" naiinis na sabi ni Calum. "Sa susunod na report don naman sa bahay namin."
"Tss.. Kung may susunod pa." ani Janella. "Tara na Erice." atsaka hinatak ako palabas ng classroom.
"Wait!" sigaw ni Calum at agad ring sumunod samin.
"Si Calum ba yon? Why is he following them?" narinig namin ni Janella ang mga bulung bulungan habang nag lalakad kami.
"Can you stop your idol? he's so annoying!" ani Janella at nag patuloy sa pag lakad sumunod ako sakanya hanggang sa makarating kami sa entrance ng school kung saan nag aabang ang sasakyan nila.
"I said wait! Hindi mo ba ako maintindihan Janella?" naiinis na sabi ni Calum kay Janella. Mukhang hingal na hingal pa siya.
"Alam mo, ikaw na nga itong sipsip tapos may gana ka pang mag reklamo! Gawin mo nalang kaya mag isa yung report?!"
Biglang dumating sa harapan yung kotse nila Janella kaya agad siyang pumasok. Sinenyasan niya ko na pumasok sa back seat samantalang siya naman ang nasa front seat.
Sinara niya kagad ang pinto pag kapasok naming dalawa. Binaba niya ang bintana sa front seat atsaka kinausap si Calum.
"You have your own car right? Doon ka nalang sumakay. Baka matulak pa kita pababa pag dito ka sumakay sa kotse namin." ani Janella at ngumiwi bago isarado ang binta. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Calum habang umiigting ang panga.
Bigla niya sinapa yung gulong ng kotse nila Janella kaya binuksan ulit niya ang binta sa harapan.
"Don't waste your time! Pag nahuli ka ng 5 minutes sorry nalang cuz hindi ka na namin papa-pasukin sa bahay! Even though na friends kayo ng kuya ko.. Still, I am the princess of my house, kaya.." nag kibit balikat si Janella at sinara ulit yung binta. Wala ng nagawa si Calum kundi pumunta sa parking lot ng school para kunin ang sasakyan nita. Sinenyasan naman ni Janella ang driver na paandarin na ang sasakyan.
"You're so mean.." tanging na sabi ko. "You have feelings for him?" tanong ko. Agad naman siyang umiling na tila nandidiri.
"You asked me that again.. Stop it, kinikilabutan ako." tanging nasabi niya.
Patay! Bigla kong naalala na kakanta pala ako sa Restobar mamaya!
Agad kong nilabas yung cellphone ko upang mag tipa ng mensahe kay ate Jenica.
To: Ate Jenica
Hello ate, pwede bang bukas nalang ako pumunta diyan? something urgent happen.
I'm kind of annoyed to myself. Bakit ba kasi nakalimutan ko na kumakanta pala ako after school? Ano nalang kaya ang sasabihin nila Madame pag nalaman nilang ganito pala ako mag trabaho..
Pero sige na nga last na 'to, babawi nalang ako bukas.
*Don't mind my typos and wrong grammar, I don't have enough time to edit it! Sorry for the super duper slow update =)*
BINABASA MO ANG
The Imperfect Hearts (ON-GOING)
General Fiction"Si Erice Advincula ay isang mahirap na babae lamang. Isang masipag at mapag mahal na anak. Sa di inaasahang pangyayari ay bigla nalang mag babago ang takbo ng kaniyang buhay. " -The imperfect hearts_ by: CHAERRYBLOSSOM. ALL RIGHTS RESERVED 2018