CHAPTER 7

10K 184 9
                                    

Zach'sPOV

"Kailangan kita, at ang katawan mo." Mahinang bulong ko sa tenga nya.

Saglit siyang matigilan at tumingin muli sakin. Nagtama ang aming mga mata.

"Ano? Wala kang masagot ngayon diba? Puro ka pamimilosopo kanina. Tas ngayon speechless ka. Ganyan na ba'ko kagwapo para sayo?" Sarkastikong sabi ko na may nakakalokong ngisi pa.

"U-umalis ka na." Mahinang sabi nya.

"Hindi. Hindi ako aalis. Kausapin moko, ng maayos." Seryosong sabi ko.

"A-ayoko. N-natatakot ako sayo." Aminadong sabi nya.

"Hindi ka dapat matakot, kailangan ko ang tulong mo." Seryoso ko pa ding sabi.

"Pagkatapos mong sabihing multo ka, pagkatapus mokong asarin! Magpapatulong ka sakin?! Wag na!" Inis na sabi nya sakin. "Gusto mo bang budburan kita ng asin?" Pagbabanta nya sakin. Napabuntong hininga pa ko.

"Sige lang. Palagay mo apektado ako non?" Natatawang sabi ko. Hindi naman sya nagsalita at dahan dahang tumayo.

"Edi kukuha ako ng luya. Pwede naman sa multo yon e." Seryosong sabi nya at akmang lalakad.

"What? Luya? Do you think affected ako don? Tsaka anong luya? Magsasalabat ka ba?" Natatawang sabi ko.

"Anak ng! Sige. Wag ng luya. Pero kaya ka bang patayin ng holywater? Okaya ng Rosario?" Tanong nya sakit.

"It's you to find out." Naiiling na sabi ko sakanya. Ng tumalikod sya at naglakad ay sinundan ko sya ng tingin, habang paalis sya at nakatitig ako sa likod nya. At inisip kung panong hindi sadya na napasok ako sa banyo kanina.

*FLASH BACK*

Nang umalis ako sa dating tinirhan ko kung nasan ang babae ay pumunta ako sa malaking puno na medjo malayo dito.

"Mukhang kinain mo din ang sinabi mo kay Pinuno ha? Zac." Mula sa likuran ko ay narinig ko ang boses ng lalaking pangalawa sa kinaiinisan ko.

"Hindi ko ginawa para sakanya yon, Luis." Malamig na sabi ko. Naglakad naman sya paharap sakin at ngumisi.

"Talaga ba Zach? Hahaha. Umanib ka nalang samin, paniguradong di kana mahihirapan, at masasarapan kapa."

"Wala nga dito ang pinuno mo. Pero kahit sino mang kaharap ko. Hindi ako papayag. Hinding hindi ako papayag na sumali sa demonyong tulad nyo." Seryosong sabi ko. "Mauna nako sayo. May importante pa kong gagawin bukod sa makipagusap sayo." Malumanay na sabi ko at lumakad palayo.

Iniisip ko padin ang babaeng nagalaw ko kanina. Maganda sya at mukhang matangkad pa. Makinis ang balat nya ngunit hindi sya masyadong maputi. Napabuntong hininga ako at napailing. Nakokonsensya ako sa ginawa ko. Pero kung hindi ko ginawa yon ay talagang mamamatay ako. Kaya naman wala akong magawa.

Ilang oras lang din ng pagiisip at pag lalakad ay Alas sais na ng umaga ngunit hindi parin nagbabago ang anyo ko. Napabuntong hininga nalang ako.

Habang naglalakad ay di ko na namalayan na may tao pala sa harap ko.

"A-anong klasing tao ka?" Bungad neto sakin, nakalimutan ko palang sabihin na tuwing nagbabago ang anyo ko ay may mga tao din na nakakakita sakin pero bihira lang.

Tinignan ko lang ito ng saglit at saka nagdiretso ng lakad. Nakakailang hakbang pa lang ay sinusundan nya ko. Kaya naman binilisan ko ang paghakbang ko.

"Isa ka bang halimaw? Totoo ba yan o mascot lang?" Tanong pa nito.

"Wala kang pake." Naiinis na sabi ko.

"Pwede kang ibenta sa perya ano? Mukhang malaki ang kikitain ko sayo." Natatawang sabi nya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo."

"Alam ko at.. Lagot ka sakin." Isang nakakatakot na ngisi ang ibinigay nya at may binunot pa sa bulsa. Ng makita ko yon ay nanlaki ang mga mata ko at dalidaling tumakbo.

Dahil may hawak na kutsilyo ang lalaki. Hindi ako natatakot sakanya. Dahil ang mas ikanatatakot ko ay baka anong magawa ko sakanya. Kaya naman nagpasya nako na tumakbo. Sa sobrang bilis ko ay di ko na namalayan kung san ako napunta.

Lakad dito,

Takbo doon.

Hanggang sa makaramdam nako ng pagod.

At namalayan ko nalang na nagbabago na ang anyo ko. Bumalik na'ko sa normal na itsura ko.

Tumingala ako sa araw at sumisikat na ito. Tinignan ko naman ang lugar kung nasan na ko ay bahagya pa kong nagulat, dahil nandito nako sa dati kong tinirhan. Saglit pa kong naglakad at napunta nako sa pader ng banyo. Hingal pa kong naglakad patagos sa Pader hanggang sa makapasok nako at mapatingin sa harap ng salamin.

At nabigla ako sa nakita ko.

'Y-yung babaeng n-nagalaw ko kanina!'

Saglit pa kaming nagkatitigan at nagsisigaw na sya.

*END OF FLASHBACK*

HABANG iniisip ko ang nangyari kanina ay nakalayo na pala ang babae sakin. Kaya naman lumakad ako papunta sakanya. Tatawagin ko na sana sya pero...

'BIGLA SIYANG HINIMATAY!'

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon