CHAPTER 9

8.5K 160 3
                                    

Zach'sPOV

Ilang sigundo na ang lumipas at nanatili kaming tahimik pareho. Walang salitang lumalabas sa aming mga labi.

"P-pasensya na sa pakikipag usap sayo." Pagbabasag ko sa katahimikan.

"W-wala yon." Mahinang sabi nya.

"Magpahinga ka na at sumama para kumain sa mga kaibigan mo. Aalis nako." Pagpapaalam ko sakanya. Hindi naman sya nagsalita at dahan dahan naman akong lumakad patagos na sana ng pinto.

Ng patagos na'ko ay bigla syang nagsalita.

"Hindi mo muna ba hihintayin ang sagot ko at aalis ka nalang?" Mahina ngunit dinig kong sabi nya.

"Bakit? Papayag ka'ba?" Tanong ko habang nakatalikod sakanya.

"Oo. Papayag na'ko. Babalik ka sa dati at tutulungan kita." Mahina padin ngunit mahihimigan ang pagkaseryoso sakanyang boses.

Agad naman akong natigilan at napangiti sakanya.

"Maraming salamat." Sinserong sabi ko at humarap na sakanya.

"Walang anuman at, makakaasa ka." Nakangiti din nyang sabi at tumayo.

Napatango naman ako sakanya at lumakad na patagos sa pinto.

'Salamat, maraming salamat.'

Xianeign'sPOV

Nang umalis sya ay napangiti pa'ko ng onti. Hindi ko alam kung bakit napapa-payag nya'ko. Pero ang alam ko lang ay gusto ko talaga syang tulungan.

"Haayy. Bat nga ba ako napapayag nun? Ayy. Bahala na nga. Basta kung matutulungan ko sya, edi matutulungan. Hindi naman problema yun e." Pagkakausap ko sa sarili ko. "Ay. Wag na nga akong mag-isip. Sumasakit lang ulo ko." Nakangiwing sabi ko. Sabay tayo at lakad papunta sa kusina namin.

"Oh. Nandito na pala si Xia e." Bungad ni Dessery habang naghahanda ng pagkain.

"Buti naman. Pupuntahan na sana kita e. Kanina kapa walang kain." Sabi ni Ellie sabay upo sa upuan don. Ngiti nalang ang isinagot ko.

"Asan na si Weighn tsaka si Laarni?" Nagtatakang tanong ko.

"Ahh. Si Weighn nagpunta sa banyo. Si Laarni naman ay tinawagan ng Daddy nya sa telepono." Sagot naman ni Dess na tapos ng mag-ayos ng kakainan namin.

"Ahh. Ganun ba? Osige. Hintayin nalang natin sya at kumain na tayo." Napapatangong sabi ko sabay upo.

Ilang saglit lang ay dumating na si Weighn kasabay si Laarni. Kaya naman kumain na kami.

"Bakit nga pala tumawag erpats mo Laarni?" Nagtatakang tanong ko.

"Ahh. Wala. Kinakamusta nya lang tayo. At tinanong na din kung handa na tayong mag-aral bukas." Nakangiting sagot nya at napatango nalang ako.

Ang tatay ni Laarni ang dahilan kung bakit nakapasok kami sa paaralan na yon, dahil sya ay isang stock holder dun. isang sikat na paaralan ang Sumaethei University. Pang mayaman at prestihilyoso iyon kaya naman mahirap talagang makapasok dun. Lalo na ako.

Mayaman kasi ang mga magulang nilang Apat. Kaya di problema ang pagpasok sa mamahaling paaralan gaya ng S.U Samantalang ako naman ay hindi. Hindi naman kami sobrang mahirap pero hindi namin kayang magbayad ng malaking tuition para lang dito. At kaya din kami lumipat dito na lima ay walang Senior high saamin. Grade 11 palang kami. At tamang tama na pasukin namin ang Sumaethei University dahil dito lang ang may kurso na HUMSS.

"Excited na'ko para bukas. Ayiiee. Kayo ba excited na din?" Kinikilig na sabi ni Laarni.

"Oo. Hehehe. Sana magkaboyfriend ako ng basketball player sa school na yan. Hihihi." Nakangiti namang sabi ni Dess. Kaya naman napatungo nalang ako.

"Basketball player ang gusto mo? Para ano? Para makashoot ng 3points sa kweba mo?" Natatawang sabi ni Weighn kaya naman nagulat kami.

"H-hoy! Anong 3points tsaka shoot ka jan!? Virgin pa'ko no, kaya gusto ko lang magkajowa ng basketball player, para sumikat ako." Mataray na sabi ni Dess sabay irap.

"Hahaha. Pwede ka ding magboyfriend ng Basketball player don." Natatawang sabi ni Laarni. "Ang kaso lang eh, hindi ka sisikat. Dahil hindi sikat ang mga lalaking basketbolista don. Hahaha! Babae ang mga sikat na basketball player don." Mahabang paliwanag ni Laarni. Napanguso naman agad si Dess.

"Akala ko pa naman..." Dismayadong sabi ni Dess dahilan kung bakit kami natawa.

"Edi magjowa ka ng babae don Dess. Hahaha. At tignan nalang natin kung di ka sisikat." Panggagatong naman ni Ellie.

"Hahaha. Ano ba kayo. Lalaki nanaman pinag-uusapan nyo." Pagsaway ko sakanila at napatingin naman sila sakin.

"Teka. Bat hindi nalang kaya ikaw ang sumali ng basketball Xianeign?!" Nakangiting sabi ni Dess dahilan para magulat ako.

"Tapos ano Dess?! Ako yung shoshotain mo?! Ayoko nga! Hindi tayo talo no!" Pasigaw na sabi ko. Nagkatinginan naman silang lahat at sabay na..

"HAHAHAHAHAHAHAHA!"

Tumawa ng malakas.

Napafacepalm nalang ako sakanila dahil hindi ko maintindihan kung anong nakakatawa sa sinabi ko.

"Grabe! Hanep ka talaga Xia! Hindi naman yun yung ibig kong sabihin e." Natatawang sabi ni Dess kaya naman Napakamot ako ng ulo.

"E-ehh. Ano bang ibig sabihin mo?" Napapahiyang sabi ko.

"Ang sabi ko ay bagay kang maging basketball player dahil matangkad ka 5'9 ang height mo diba? at tama sa katawan mo yon."

"Ahh. G-ganon ba. Linawan mo kase e. Hehehe." Napapahiya pa ding sabi ko.

"Hahaha. Intindihin mo kase yung sinasabi ko e." Natatawang sabi nya.

"Oo na nga. Sorry na. Hehehehe."

"So ano. Sasali ka ba Xia?" Nakangiting sabi nya.

"Ewan. Hindi ko alam." Napapatangong sabi ko.

'BASKETBALL? Hmmmm.'

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon