CHAPTER 11

7.4K 156 8
                                    

Zach'sPOV

NABIGLA ako ng sampalin ng lalaki si Xianeign kaya naman nagpanic ako.

"A-ano ba Xianeign! Bat kase sumasagot ka ng ganyan?! Tignan mo, nasampal kapa! Ano ayos ka lang ba?!" Nagaalalang sabi ko pero hindi nya'ko pinapansin. Wala akong magawa para tulungan sya. Nakakainis!

Nabigla nalang ako ng..

"Wuuhh. May kumagat na lamok sakin." Mahinang sabi nya pero halata namang pinaririnig nya sa mga lalaki.

'Is she out of her mind?'

"Ano? Lamok? Hahaha. Sabihin mo sakin, masakit ba ang sampal ko?" Nakangising sabi ng lalaki. Gusto ko syang sapakin damn!

'How dare him to slap a girl! Bakla ba sya?'

"Hey. Xianeign. Are you okay?" Tanong ko uli pero tumingin lang sya sakin at ngumiti. Pero agad din nyang iniwas at tumingala sa lalaking nanampal sakanya.

"Nakakakiliti yung kagat ng lamok sakin. Biruin mo parang namula pa pisngi ko." Nakangiting sabi nya at mas nainis naman ang lalaki.

"Baliw ka ba?! Baka mapikon sayo yan mabugbog ka pa!" Naiinis na sabi ko.

"A-ano kamo?! Lamok? Tinatawag mo bakong lamok?!" Nanggagalaiting sabi ng lalaki.

"Ang galing naman ng lamok na nasa harap ko." Malumanay na sabi nya pa din. "Nakakapagsalita at..." Huminto sya sa pagsasalita at pinunasan ang mukha nya. "Natatalsikan ako ng laway." Nakangiti nya pang sabi dahilan para mamula sa galit ang kaharap nya.

"Damn. Xianeign. Listen to me. Wag mo silang aasarin dahil baka mapahamak ka!" Naiinis na sabi ko.

"Masyado mong binabastos ang boss namin ah!" Nagagalit na sabi ng lalaking kasama ng mataba. Susugod na sana sya pero natigil sya ng tumawa si Xianeign. Tawa na hindi natatawa, kundi.

NANG-IINIS. Parang yung ginagawa nya sakin nung inamin kong multo ako.

"Hahahaha." Tawa nya. "Wow. Ang galing pati langaw nagsasalita din. Hehehe. May kasama pa syang isang langaw din. At napakalusog na langaw." Dagdag nya pa at tumingin sa mataba. Kaya naman mas lalo pa silang nainis.

'Ang lakas talagang mang-alaska ng babaeng to!'

"Walang hiya kang babae ka. Akala mo porket babae ka hindi ka namin papatulan ah." Sabi naman ng "boss" daw nila na kaharap ni Xianeign.

"Haayyy. Nagsasalita nanaman ang lamok." Parang dismayado nya pang sabi at tumalikod.

Gulat naman lahat kami sa ginawa nya. Lalo naman ang "boss" kuno nila.

Pahakbang na sana si Xianeign ng biglang sisipain sana sya nung boss, pero..

MADALI NYANG HINAWAKAN ANG PAA NITO SAKA NYA SINIPA NG MABILIS SA PRECIOUS THING NETO!

"Oooppsss. Sorry. Hindi ko sinasadya. Hehehe. Mukhang nai-scrumbled ko ata ang two eggs mo. Hihihi. Ang bad ko talaga minsan." Kunwaring naaawa pa na sabi nya saka takip ng bibig.

"Are you really out of your mind?! Umalis ka na!" Sigaw ko pa. Pero hindi nanaman sya nakinig.

"Aba talagang sinusubukan mo--" hindi nya na naituloy dahil sinipa na sya sa ulo ni Xianeign!

Nabigla naman ako! ANG LAKAS NYA! NAPATULOG NYA YUNG LALAKI!

"Ayan! Matulog ka muna. Ang daldal mo e. Napapangitan ako sayo." Nakangusong sabi nya habang tinatapik pa yung lalaki. Halos mapanganga nalang ako sa nakikita ko. Para lang syang nakikipaglaro sa ginagawa nya.

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon