CHAPTER 16

5.2K 138 13
                                    

Xianeign'sPOV

Nang makita ko ang katawan nya ay nanlaki ang mga mata ko.

"Ang birhen kong mata!" Sigaw ko habang tinatakpan ang mata ko ng kamay.

"A-ahh. S-sorry. S-sorry. Pwede mo ng tanggalin yung kamay mo." Malumanay na sabi nya at agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa mata ko. "P-pasensya na talaga. A-akala ko kase yung pinsan ko yun. P-pasensya kana talaga." Nahihiyang sabi nya at tumango nalang ako at pilit na ngumiti.

"A-ayos lang." Sagot ko pa. Ngumiti naman sya.

"Maupo ka." Nakangiting sabi nya at tumango naman ako. Inilibot ko ang tingin ko sa kwartong to ng ospital habang naglalakad ako. Ang ganda at parang salas lang sya. Sa tapat din ng kama ng pasyente ay may sofa din, para siguro sa mga nagbabantay.

Nang maka-upo na ko sa sofa ay umupo din sya sa kama at nagsalita.

"A-ah. Kaya kita pinapunta d-dito para magpasalamat." Sinserong sabi nya at ngumiti naman ako.

"Kamusta na mga sugat mo? Ayos kana ba?" Usisa ko.

"Nako. Ayos na'ko." Nangingiting sabi nya. "Magpapahinga lang ako ng dalawang araw tas pwede na'kong mag-aral uli." Dagdag pa nya.

"Ahh. Maganda yun. Kaya dapat alagaan mo ang sarili mo." Nakangiting sabi ko sakanya kaya mas lalo pa syang napangiti. "Teka, bat nga pala binugbog ka nung mga lamok na yon?" Nagtatakang sabi ko. "Mukha ka namang mabait. Yung tipong hindi nakikipag-away, tsaka napag-alaman ko din na may-ari kayo ng Sumaethei University nayan. Kaya bakit tinirada ka ng mga yon?" Dagdag ko pa. Habang nakatitig sakanya. Ngayon ko lang nakita yung mukha nya. Kahit may galos at pasa. Itsurang gwapo talaga sya.

"Ahh." Mukhang nagdadalawang isip syang sabihin sakin kaya nagsalita uli ako.

"Ayos lang kung wag mo ng sabihin. Mukhang nag-aalangan ka e." Sabi ko sakanya at tumingin naman sya sakin na parang nahihiya.

"A-ahh. No. I'm sorry." Napapahiyang sabi nya. At muling nagsalita. "I was heading to our classroom when they saw me on parking lot. They--" hindi nya na naituloy ang sasabihin nya dahil nagsalita na'ko.

"Ano ba yan. Nasa pilipinas tayo. Magtagalog ka!" Reklamo ko at natawa naman sya.

"E-rmm." Ubo nya. "Papunta ako kanina sa Classroom. Nasa parking lot ako non ng biglang may tumawag sa pangalan ko, paglingon ko naman sa tumawag ay bigla nalang akong nahilo dahil sa naamoy ko, tapos nagising nalang ako sa isang sipa na natanggap ko dun sa leader nila. Hindi nako makagalaw nun hanggang sa mabugbog nako... At dumating ka. May gusto din kase sakin yung nililigawan ng leader at binusted sya. Kaya ako yung nadamay." Mahabang paliwanag nya.

"Ahh." Nasabi ko nalang. "Grabe naman yung mga lamok na yon. Para lang sa babae." Dagdag ko pa at sumang-ayon naman sya.

"Tsaka pilit din nila akong isinasali sa Judo Club nila. Eh ayoko talaga e." Sabi nya pa kaya naman nagtaka ako.

"Eh?" Nagtatakang sabi ko. "Ang bobo naman nila. Magsasali sila ng member tas bubugbugin nila? Mga mangmang." Inis na sabi ko kaya naman natawa sya.

"Hahaha. You're so very funny. And ang astig mo kanina." Salita nya.

"Hehehe. Astig ba yon? Hindi naman." Nakangiting sabi ko.

"Yes it is!" Sigaw na sabi nya. "Kaya nga i'm so very thankful because you saw me in that room. Kung hindi mo'ko nakita non baka nasa Lamayan na lahat ng tao sa school." Natatawang sabi nya. "Thanks for saving me, G.A." matamis ang ngiti nyang sabi, nagtaka naman ako.

"Anong G.A?" Nagtataka kong sabi.

"Guardian angel." Nakangiti nyang sabi.

"E-ehh? Guardian Angel?" Tanong ko.

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon