CHAPTER 14

6.1K 121 10
                                    

Xianeign's POV

"Hi Miss. Sasali ka ba sa basketball club kaya ka nandito?" Nakangiting sabi sakin ng lalaking gwapo.

*Tugdug.tugdug*

Tinitigan ko syang mabuti, nakatingala ako dahil mas matangkad sya sakin. Maputi itong lalaking to at matangkad din na may pagka-singkit ang mata, malalim din ang dimples nya.
Ilang segundo akong natulala sakanya at natauhan lang ng bigla syang natawa.

"A-ahh-ehhh. S-sorry, ano nga ulit yung sinasabi mo?" Utal na sagot ko sakanya.

"Tinatanong ko lang kung sasali ka sa basketball club." Nakangiting sabi nya.

'Ang gwapo nya talaga! Yung dimples. Waahh. Lord. Bat ang perfect nya?!'

"Ahh. Hindi e." Sagot ko at parang nadismaya naman sya.

"Sayang." Malungkot na sabi nya. Pero agad din na ngumiti. "Ang pangalan ko ay Yuan Zoren Pinpradab. Senior highschool grade 11 nako. Ikaw?" Pagpapakilala nya habang ngumiti. Para naman akong ipinako sa kinakatayuan ko. Ang gwapo ng lalaking to.

"Xianeign Michi Gutierrez ang pangalan ko, grade 11 din." Nakangiting sabi ko. Nakipagkamay naman sya. Ang lambot ng kamay nya, yiiee.

"Sayang manager pa naman ako, i-sasali sana kita." Nakangiti ngunit dismayadong sabi nya.

"M-manager ka? Wow! Ang galing naman. Sayang, hindi kase ako mag-aartista. Hindi naman din ako maganda e." Nakangiwing sabi ko at nagtatakang mukha naman ang ini-harap nya sakin.

"A-artista? Hala hindi. Hindi ako manager ng artista." Nagtatakang sabi nya.

"Eh, sabi mo kukunin moko dahil manager ka e, hindi ba pag aartista yon?" Nagtataka kong tanong at natawa naman sya.

"Hahaha. Hindi manager ng artista kundi Manager ng Basketball." Nakangiting paliwanag nya at namula naman ako sa hiya.

"Ahh. Ganun ba? S-sorry hehe." Nahihiyang sabi ko.

"Ayos lang. Hahaha. Sana magbago ang isip mo at sumali ka sa basketball team namin." Nakangiting sabi nya at ngumiti din ako at napa-isip.

'Kung sasali ako sa basketball, pwede syang magkagusto sakin, panahon ko na'to para magka-shota. Ayiieee. Ang ganda mo talaga Xianeign. Ikaw na talaga ang Ms. Perfect. Hahaha'

"Oo. Sasali ako!" Nakangiting sabi ko at napangiti naman sya lalo.

"Talaga?!" Nagniningning sa matang sabi nya. Pumamewang naman ako at tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAHA! OO. sasali ako sa basketball, ako pa? Isa akong Ms. Perfect pag dating jan." Sagot ko sabay kindat pa. Natawa naman sya.

"Hahaha. Salamat ah? Magkita nalang tayo mamaya. Magtatanghalian na kasi ako e. Teka, gusto mo bang sumabay?" Nakangiting sabi nya.

'Ayiie. Nako naman Zoren. Mukhang nahuhulog kana kay Ms.Perfect ah.'

"Ano sasama ka?" Nakangiting sabi nya at napa-iling nalang ako.

"A-ahh. Hindi. K-kasabay ko kase yung mga kaibigan ko e." Nakangiting sabi ko at Napatango naman sya.

"Kung ganon ay mauuna na'ko. Salamat sa oras mo Xianeign. See you in one hour. Hehe." Sabi nya at kumaway pa.

"Bat 1hour?" Nagtatakang sabi ko.

"Try out kase." Nakangiting sabi nya at napatango naman ako. Sabagay, 3 hours and 30 mins nga pala vacant dito. "Sige na, mauna nako, ha, Xianeign? Babye!" Sabi nya at kumakaway palayo. Napangiti naman ako.

'Gusto ko na sya. HAHAHA.'

NANG hindi ko na makita si Zoren ay pumunta naman ako sa Room kung saan nandito sila Weighn.

"Oh, ayan na pala sya e." Nakangiting sabi ni Laarni.

"Oh, kamusta sa guidance?" Natatawang sabi ni Weighn at napasimangot naman ako. Sinuway naman sya ni Ellie at Dess kaya naman tumahimik sya. Palakad na kami papunta sa cafeteria ng magsalita uli ako.

"Sya nga pala. Sasali ako ng basketball." Nakangiting sabi ko at nagulat naman sila.

"Talaga?" Gulat na tanong ni Elli.

"Oo. Hahaha." Natatawang sabi ko.

"Bat naisipan mo naman yan?" Si Dess naman ang Nagsalita.

'Panahon ko na kase to para magka-syota. Bwahahahaha'

"Secret. Hehehe." Sagot ko sakanya at napairap naman sya.

"Sus. May pa-secret ka pang nalalaman jan." Sagot naman ni Laarni at napangisi ako.

"Manood nalang kayo ng try out okay? Pagtapos nating kumain." Nakangiting sabi ko at um-oo naman sila. Nanahimik naman kame pero habang lumalalad ay narinig namin ang bulungan ng dalawang babae.

"Uyy. Alam nyo ba si Yuan Zoren?" Kinikilig na sabi neto at napakunot naman ang noo ko.

"Oh, napano?" Sagot naman nung isa.

"Ang sabi kase sakin ni Zheyna Ibarra ay malapit na daw maging sila ni Zoren" sabi nung nauna at napahinto at nanlalaki naman ang mata ko.

"Ahh talaga? Ang galing naman." Sagot naman nung isa.

"At ang sabi pa sakin ni---" hindi na natapos ng babae ang sasabihin nya dahil sumigaw na'ko.

"Ano ba yan! Puro pag-ibig pinag-uusapan. Unang araw palang ng klase! Panira ng araw!" Sigaw ko at nagtaka naman silang napatinging sakin. "Tara na nga." Aya ko sakanilang apat at umalis na. Naiwan silang nagtataka pero sumunod na rin sakin.

Saglit lang kaming kumain at pumunta na agad sa Gym. Agad naman akong sinalubong ni Zoren kaya naman abot langit ang tuwa ko.

"Wala pa ang captain nyo kaya hintayin muna natin sya." Nakangiting sabi ni Zoren at napatango naman kami. "Ako nga pala si--"

Hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil pumasok ang napakatangkad na babae, mas matngkad sakin. Nakaitim syang jeans at puti namam ang V-neck nya. Nakasandals din sya.

Lumapit naman ako sakanya at sinuri sya. Nagtataka naman syang nakatingin sakin.

"Miss wala pong kinder dito. Kaya wala po kayong magsusundong bata dito." Nakaharap kong sabi sakanya. Napatungo naman sya sakin.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong nya at pumamewang naman ako.

"Hindi ba kaya ka nandito dahil magsusundo ka ng anak nyo? Naligaw kayo e. Dun pa sa dulo yung mga may anak na kinder.' Sabi ko at mas lalo syang nagtaka.

"Nababaliw ka na ba?" Inis na sabi nya. "Sino tong gunggong na'to?" Asar na tanong nya sa mga tao sa likod namin.

"Sinong gunggong na sinasabi mo?! Hoy gurang ako ata ang henyo sa basketball na si Xianegn Michi Gutie--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita uli sya.

"Sya ba ang tinutukoy mo, Yuan Zoren?" Tanong nya at linagpasan ako. Pero agad ko namang hinabol sya at hinarap uli sya.

"Hoy gurang! Wag mo ngang kinakausap si Zoren. May anak kana diba? Alis jan. Shuu. May asawa ka na't lahat kumakausap ka pa ng binata, aba hindi matatanggap ng isang perfect yan." Nakapamewang uli na sabi ko. Pero hindi nya ako pinansin at humarap sya kay Zoren.

"Sya ba Zoren?" Pag-uulit nya.

"Oo, Ate" nakangiting sabi ni Zoren at nabigla naman ako.

'ATE? ATE DAAAAWWW?!!'

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon