CHAPTER 8

9.5K 183 5
                                    

Xianeign'sPOV

"Ayos na kaya sya?" Dinig kong tanong ni Ellie.

"N-nagaalala nako sakanya." Si Dessery naman ang narinig ko.

"Dalhin na kaya natin sya sa ospital? N-natatakot nako." Dagdag pa ni Laarni.

"Ano ba. Kumalma kayo, nagpapahinga lang sya, at malamang magigising na nyan." Si Weighn naman ang narinig ko.

Dahan dahan naman akong dumilat, pag dilat ko ay nakita ko ang mga mukha nila na nagaalala.

"T-teka. A-akala ko ba aalis tayo? Bakit Nakahiga lang ako dito?" Agad na tanong ko sakanilang apat. Nagkatinginan naman silang apat.

"Hindi mo ba alam Xia? Hinimatay ka kanina!" Si Dessery naman ang sumagot.

"H-hah. Pano? Ano bang nangyare??"

"Hindi mo ba natatandaan? Nakita ka namin malapit sa banyo!" Si Laarni naman, at natigilan ako. "Teka, ayos ka na ba? Sabihin mo kung ano pang masakit sayo."

"H-hindi kaya, kaya nahimatay ako dahil buntis ako?" Paiyak na sabi ko sakanila at pareho naman silang nagulat.

"Anong buntis! Nababaliw ka na ba talaga Xia?" Sigaw ni Elli sakin.

"E-ehh. Baka buntis ako. Tapos totoo yung sinabi ni Weighn na ang tatay ng anak ko ay demonyo! Pano kung may buntot anak ko? Mapagkakamalan syang unggoy! Tas pano pag naging single parent ako dahil hindi ako panagutan ng tatay nya? Waaahhh! Nakakaiyak! Ayoko na. Ayoko na talaga!" Sigaw ko ng malakas. Naiiyak nako.

"Ang Oa mo Xia. Wala pang isang araw nangyari yon tapos mabubuntis ka na? Malay mo panaginip lang talaga yon. Kumalma ka." Natatawang sabi ni Weighn. Napanguso naman ako.

'Panong hindi ako kakabahan? E, may men in black na nagsabi sakin kanina na ginahasa nya ko.. Pero teka? Nasan na pala yon? Sayang. Hindi ko na-try budburan sya ng holywater.'

"Hahahaha! You're making us laugh again Xia." Si Laarni naman.

"H-hehe. M-malay ko kasi sa ganyan." Napapakamot sa ulong sabi ko.

"Gunggong ka kase." Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Kaya naman napatingin ako sa pinto at nakita ko nga yung lalaking men in black. Hindi ko na sya pinansin at umirap nalang sakanya.

"Oh. Anyway. Bumili na kami ng mga gamit natin para bukas. First day of class na. Hindi ka namin naisama dahil nga sa nahimatay ka." Si Laarni naman.

"Iniwan nyo'ko mag-isa dito?!!" Gulat na tanong ko. Baka kase pagsamantalahan ako ng Men In Black na yan! Hindi porket gwapo sya no!

"Ahh. No. Iniwan ka namin kay Weighn. We don't leave you naman if wala kang kasama." Si Laarni parin. At nakahinga ako ng maluwag.

"Hayy. Salamat naman. Ano na palang oras??" Tanong ko naman.

"7:30 pm." Sagot ni Dessery kaya naman Nagulat ako.

"Ang tagal ko naman na natulog?" Gulat na tanong ko.

"Mmm. Tulog mantika ka nga e." Si Ellie naman.

"Ayy. Pasensya na at hindi ko pa kayo nasamahan." Nahihiyang sabi ko ngumiti naman sila.

"Wala yon, Xia. Magkakaibigan tayo. Kaya dapat tulungan tayo diba?" Nakangiting sabi ni Weighn.

"O-oo nga. Pero kase mukhang sumosobra na ko." Nahihiyang sabi ko sakanila.

"Ang drama ah. Hahaha! Hindi kaya. Masaya naman tayong lahat Pag nagtutulungan tayo diba?" Si Dess naman.

"O-oo nga kase. P-pero.." Hindi kona naituloy ang sinasabi ko dahil nagsalita na si Laarni.

"Uyy. Akala ko ba astig ka? Walang magdadrama dito." Natatawang sabi nya. Sabay baling sa tatlo naming kaibigan. "Hayaan na muna natin si Xia dito. Maghanda na tayo ng pagkain." Dagdag nya pa at nagsitanguan naman ang mga kaibigan namin. Isa-isa silang nagpaalam sakin at umalis na.

"Haaayy. Ang dami ko palang tulog. Baka di na'ko makatulog nyan. Tsk." Naiiling na sabi ko.
Tatayo na sana ako paalis ng kama ay biglang may nagsalita.

"Ayos ka lang ba?" Malumanay na sabi neto.

"Mas ayos pa sa ayos, Men in black." Seryosong sabi ko sakanya. Sabay tingin kung nasan sya.

"A-anong men in black?" Nagtatakang tanong nya.

"Eh, purong itim yung suot mo e." Sagot ko.

"Whatever." Sagot nya naman at dahan dahang lumapit sakin.

"Hindi ko alam kung bat nangyari saken to." Pagsasalita nya. "Gusto ko nang makawala. Pero pano?" Nangingiti ngunit bakas ang kalungkutan na sabi nya.

"B-bakit mo sinasabi sakin yan?" Seryosong tanong ko.

"Para may mapaglabasan ako?" Nakangiting sabi nya. "Sa ilang buwan ko na kasing ganito ay wala akong nakakausap dahil nga walang nakakakita sakin."

"A-ahh. Ganun ba." Matipid na sabi ko.

"Gusto kong makilala kung sino talaga ako." Malungkot na sabi nya at tumitig sakin. Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko.

"A-ano ngayon kung gusto mong malaman?" Tanong ko habang nakikipaglaban ng titigan sakanya. Nabigo naman ako kaya iniiwas ko na ang tingin ko.

"Nakikiusap ako." Mahinang sabi nya. "Nakikiusap ako na tulungan mokong makawala sa sumpa na'to. Na makawala kung ano man ako. Pakiusap." Mahihimigan ang pagsusumamo sa boses nya. Kaya don,

Nagsimula na'kong matigilan.

Parang binabambo ng malakas ang Puso ko..

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon