CHAPTER 19: Zheyna Vs. Xianeign2

4.6K 126 42
                                    

3rd Person's POV

Kinuha ni Xianeign sa ere ang bola bago pa sya maabutan nung Zheyna. Nagulat ang lahat sa lakas nyang tumalon at halos mapanganga na.

"A-ang galing nya. Mas mataas pa syang tumalon kay Zheyna. Sa lagay nun ay dating captain na siya. Manlalaro na ba yang Xia na yan?" Namamanghang sabi ni Rinka.

"H-hindi sya naglalaro ng basketball. Ni hindi nga sya marunong e." Nalilitong sabi ni Zoren.

"Oh? Ang galing naman nya." Nakangiting sabi ni Rinka.

"Oo nga. Hehehe. Hindi ako nagkamali na lapitan sya kahapon." Nakangiting sabi ni Zoren.

"Ikaw ba, hindi ka ba humahanga sakanya?" Nakangiting tanong ni Rinka kay Zorana.

"Hindi, bakit naman ako bibilib sakanya? Eh isa syang gunggong." Mataray na sabi ni Zorana dahilan para mapa-kamot ng ulo si Rinka at Zoren.

"Hindi ka'pa ba maka-moveon sa nangyari kahapon Ate?" Natatawang sabi ni Zoren sa ate.

"Pano ba naman makakamove-on yang si Zorana, eh ngayon lang may gumawa sakanya ng ganon? Sa tangkad ba naman nya, sinong hindi matatakot?" Natatawang buyo pa ni Rinka kay Zorana. At natawa pa sila ni Zoren.

"HA HA HA." Sarkastikong tawa neto. "At talagang natatawa pa kayo sa gunggong na yan? Manood na nga lang tayo. Puro kayo daldal." Napahagikgik nalang ang dalawa sa pagka-inis ng Captain. Pero nanood na din sila. Bakas sa mukha ni Zorana na namangha sya kay Xia. Kaya naman pinag-aaralan nya ang laro neto.

"Si Xia ba talaga gumawa nyan? Ang galing nya grabe!" Malakas na sigaw ni Ellie.

"Wala eh, si Xianeign yan. Walang nakakaalam kung anong iniisip nya." Tango tangong sabi naman ni Dess.

"Unbelievable sya. Grabee." Napapanga-ngang sabi naman ni Laarni.

"Are you really serious na hindi talaga sya naglalaro ng basketball? She's great... Ah, no! She's the greatest!" Malakas at nakangiting sabi ni Kaizer Biew kaya naman napangisi ang apat na babaeng kasama nya.

"Subukan mong sabihin kay Xia yan. Ewan ko lang kung hindi nya ipangalandakan sayo na henyo talaga sya. Lalaki ulo non lalo kung naririnig nya lahat ng namamangha sakanya dito, hambog yon e." Natatawang sabi naman ni Weighn dahilan para matawa lahat sila at maiwang takang taka si Kaizer Biew.

"H-huh? What do you mean?" Nagtatakang tanong neto.

"Wala, manood nalang tayo." Natatawang sabi ni Weign at tumingin sa court.

"Tss. I know when she heard all the people saying that she's great. She will say that she really is. Hahaha. Mahangin talaga. But she's really something." Nangingiting sabi ni Assy na nanood din sakanya.

Nang makatapak na sa sahig si Xia ay biglang pumito yung tomboy.

"*PRRRRRRRTTTT!* JUMPBALL VIOLATION!" sigaw neto.

"Anong pinipito mo jan ha Tomboy?" Inis na sabi ni Xia na may hawak ng bola.

"Bawal kunin ng player na kung sino mang nagja-jumpball ang bola. Patakaran yon pre." Sagot naman neto na hindi naapektuhan sa inis nya.

"Hayaan mo sya borgs. Tsaka wala naman syang pagpapasahan. Kaya ayos lang na kunin nya agad. At hindi naman sya makakatakas sa depensa ko." Nakangiting sabi ni Zheyna na nasa harap ni Xia, pumorma pa itong parang nagpapatintero. Nakatunganga naman si Xianeign kay Zoren kaya naman naagawan sya ng bola ni Zheyna. "Masyado kang wala sa focus." Ani neto na tulala pa rin kay Zoren na nakangiti na kay Xia ngayon.

"Ang gwapo mo Zoren mylabs." Bulong pa ni Xia.

Tumakbo naman si Zheyna papunta sa 3point area at nag-shoot.

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon