CHAPTER 17

5.6K 142 47
                                    

Xianeign'sPOV

"Talaga?! Sige nga saan oh?!" Nakangiti ding tanong ko.

"Basta! Sumama ka muna sakin." Dagdag na sabi nya sabay lakad. Wala naman akong nagawa kundi sumama nalang sakanya.

Tatlong kanto lang ang layo ng ospital dito saamin. Magkatapat lang din naman yung hospital tsaka yung iskwelahan. Kaya naman naglakad nalang ako papunta sa bahay. malapit lang naman nga kase. Tatlong kanto na nga lang diba?

"Teka. Bakit nga pala galing ka sa ospital? Anong ginawa mo?" Nagtatakang sabi nya.

"Naaalala mo ba yung iniligtas ko kanina?" Tanong ko at tumango naman sya. "Ayon, pinapunta kase ako ng P.E teacher e. Ayoko sana pero mapilit. May-ari pala ng iskwelahan yung nabugbog kanina." Sagot ko.

"Oh, really? Pero bakit naman binugbog sya? Aren't they afraid of what they doing? That's the owner of the school! Saan sila nakakuha ng guts para ganunin yon?" Maarteng sabi nya. Pa-ingles ingles pa. Psh. Kala mo naman..

"Nye, nye, nye. Magsama kayong dalawa. Puro kayo ingles. Nasa pilipinas kayo tas ingles pa? Nak ka nang." Inis na sabi ko sabay linagpasan sya.

"Hey! Kanina nakangiti ka palang tas ngayon naiinis ka na! May disorder ka ba sa utak ha? Baka nawalan ka ng tornilyo? Ano sumagot ka!" Dagdag na sabi nya hindi ko nalang sya pinansin dahil nakatingin pala sakin yung nakahintong magbabalot. Nagtataka siguro at iniisip nya na baliw ako. Psh.

Isinenyas ko nalang sakanya yung nagbabalot at napatango naman sya.

"Uhmm. Sabagay, multo pa din naman ako. Pero hindi na maipagtatakang baliw ka. Kanina nakangiti. Tas ngayon parang nawalan ng boyfriend." Nakasimangot na din na sabi nya.

"Hayy. Bahala ka jan." Sagot ko at tuluyan na syang hindi kinausap.

Nandito na kame ngayon sa kanto papunta sa bahay namin. Sakto namang walang tao kaya kinausap ako ni Multo.

"Sundan moko. May pupuntahan tayo." Nakatingin sakin na sabi nya at tumango naman ako. Kumaliwa kami sa isang kanto at may pababa na hagdan kung saan tumambad sakin ang isang malawak na damuhan at nagiisang malaking puno.

Lumakad ako sa papunta sa puno at naupo sa lilim ng mga sanga neto. Ganun din naman si Multo habang nakangiti pa. Nakangiti din naman ako na pinagmamasdan ang tanawin. Ang ganda. Hindi ko alam na may ganito pala dito. Tanging nakikita ko lang ay malawak na damuhan na sumasayaw sa ihip ng hangin. At mga bituin sa langit at maaliwalas na buwan na nagsisilbing ilaw.

"Ang ganda dito, meron palang ganitong lugar dito. Ngayon ko lang nakita." Nakangiting sabi ko.

"Ang ganda nga no? Lagi akong nandito tuwing gabi at magmamadaling araw, hinihintay ko kasi ang Sunrise." Nakangiting sabi nya habang nakatingin din sa tanawin. Napatingin naman ako sakanya. "Hinihintay kong dumating yung pagbabago ng anyo ko tuwing magmamadaling araw. Wala naman kase akong magawa kundi maghintay nalang e." Mahihimigan ang lungkot sa boses nya kaya naman nakaramdam ako ng awa sakanya. "Alam mo yung para kang nasa kawalan?" Natatawa kunwaring sabi nya. "Ni wala kang makausap. Humihinga ka pero walang nakakakita sayo, gusto mo ng makakausap, mapagsasabihan ng mararamdaman pero wala. Dahil nga walang nakakakita sayo. A-ang hirap a-at ang s-sakit lang." Nangangaralgal ng boses na sabi nya. Mas lalo naman akong nakaramdam ng awa sakanya.

"A-ayos lang yan. N-nandito na naman ako. Tutulungan kitang bumalik ang alaala mo." Malumanay na sabi ko at ngumiti naman sya sakin.

"Kaya naman nagpapasalamat ako at dumating ka sa buhay ko, salamat kase alam kong tutuparin mo yung pangako mo na tutulungan moko, patawarin mo din sana ako dahil nagawa kitang pagsamantalahan at g-gahasain. Patawarin mo talaga ako." Nakayukong sabi nya at napabuntong hininga naman ako.

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon