CHAPTER 10

8K 160 10
                                    

Xianeign'sPOV

KINABUKASAN alas sais palang ng umaga ay nagising na kami. Pagkatapos kase nameng kumain kagabi ay onting usap lang ang naganap dahil pagod na sila Laarni. 7:30 ang pasok namin ngayon kaya naman naghahanda na kami.

"Handa naba kayo?" Nangingiting sabi ni Ellie.

"Mmm. New boyfriend, here I come!" Sigaw naman ni Dess.

"Yeah. We will come!" Pagsang-ayon naman ni Laarni.

"Siguradong madaming multo don. Hahaha" Postibong sabi ni Weighn dahilan para magulat ako.

'Hindi ko pa nakikita yung multong yon ah. Nasan na kaya sya?'

"Uuyy. Xia. Ikaw ba excited na?"

'Natulog kaya sya? Okaya Magpapatulong paba sya sakin? Hayyy. Bahala na.'

"Xia. Nakikinig ka ba samin?"

'Haayy. Blaaahh blaahh blaaahh~ bakit ko ba sya iniisip? Edi kung hindi, wag! Bahal----'

"ANO BA SUMAGOT KA XIA!" Malakas na sabi ni Deess dahilan para masira ang iniisip ko!

"Ahh--ehhh." Nai-sagot ko nalang.

"Masyadong malalim ang iniisip mo ano ba yon?" Mataray na sabi nya.

"Ahh. Wala. E-excited lang ako para mamaya." Pagpapalusot ko. Kumurba naman ang kilay nya na para bang hindi naniniwala sakin. Kaya naman Nagsalita na si Weighn.

"Magtatanong ka sakanya. Pero dika maniniwala? May saltik ka?" Pambabara ni Weighn sakanya.

"E-ehh. Kasi nama--Ay! Bahala nga kayo. Tara na. 7 na o! 7:30 ang klase!" Pagtataray nya uli at tumayo. Nagsi-tayo na kami dahil tama nga sya.

Maya maya pa.

Nasa harap na kami ng iskwelahan at doon, nakaramdam ako ng hiya. Ang ikli ng palda dito at longsleve ang blouse. Mahaba din dapat ang medjas, parang sa mga Japanese lang.

Napakalaki ng iskwelahan na'to. Sa harap ay may nakasulat na "SUMAETHEI UNIVERSITY" at napakalaki ng gate na kulay Itim.

Napabuntong hininga pa'ko dahil ito ang kauna-unahan kong pagpasok sa pribadong iskwelahan.

Binuksan nanaman ng guard ang Gate kaya naman bumungad saamin ang maraming estudyante na nakatingin saamin.

"A-ang daming istudyante." Bulong ni Ellie kay Dess at Laarni na nasa likuran naming dalawa ni Weighn.

"At mukang nakatingin pa satin." Dagdag pa ni Dess.

Hindi naman kami nagsalitang tatlo at lumakad nalang. Bago ka kase makadating sa mismong room buildings ay lalakad ka pa sa Mini Forest kung saan pinagigitnaan ang malaking hallway. At sa ilalim ng mga puno ay may tag-iisang bench na kung saan pwedeng umupo ang mga estudyante.

Narinig naman namin ang bulongbulangan ng mga nadadaanan namin.

"Mukha silang bago dito." Anang isang babae.

"Oo nga e. Tignan mo yung babaeng nasa unahan." Sagot naman ng isa at napakunot ang noo ko.

"Oh, anong nangyare?" Nagtatakang sagot ng isa.

"Ang tangkad nya. Pwede syang maging isang basketball player." Sagot ng isa pa. Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Sana sumali sya no?"

"Oo nga. Para may chansa naman tayong manalo."

"Mukhang sisikat ka dito Xia ah." Natatawang sabi ni Weighn at napangiwi nalang ako.

"Hahaha. Ganyan talaga pag maganda ka Weighn. Kahit ayaw mong sumikat e, sisikat ka talaga. Hahahahaha" malakas na sabi ko habang pumamewang na.

"Ang hambog mo talaga Xianeign." Natatawang sabi nya at diko nalang sya pinansin. Nang nasa stage na kame para sa orientation ay nagpaalam ako sakanila para magpunta sa banyo.

Pagpasok ko sa cubicle ay umihi kaagad ako at naghugas ng kamay.

Nang makalabas ako ay luminga linga pa'ko sa paligid. Tumingin ako sa malayo at nakakita ako ng nakakulay na itim na lalaki kaya naman naningkit ang mga mata ko.

"Hmmm. Baka sya yon ah." Nakangusong sabi ko. Sabay lakad papunta kung nasaan ang lalaki.

Nang makumpirma ko na sya nga yon ay tumaas ang kilay ko.

May tinitignan kasi sya doon at mukhang abandonado ang room.

Nang malapit nako ay nakita kong sya yun at seryoso ang tingin nya sa room ay pumunta ako sa harap nya.

"Sinong tinitignapn mo jan?" Mataray na sabi ko habang nakataas ang kilay. Halatang nagulat naman sya at sumenyas sakin na manahimik.

"Wag kang maooingay at magtago ka." Sagot nya.

"Ano nga---?" Hindi ko na naituloy dahil nabigla ako sa nakita ko.

MAY LALAKING DUGUAN NA PINAGIGITNAAN NG TATLONG LALAKI.

Aalis na sana ako pero bigla akong nakita nung isa kaya naman linapitan nya'ko.

"Tumakbo kana." Nagpapanic na sabi ni multo. Pero hindi ako umalis at hinintay na dumating ang lalaki. Nakita ko ang uniporme at paniguradong dito din sila nagaaral.

"Anong ginagawa mo dito?" Maangas na tanong ng lalaki.

"Mmm. Ano ba ang palagay mo na ginagawa ko dito?" Mas maangas na tanong ko.

"Hey. Wag ka ngang sumagot ng ganyan jan!" Bulyaw sakin ni Multo. Pero hindi ko parin sya pinansin.

"A-abat. Sumasagot ka ng ganyan sakin ah!" Sigaw ng lalaki sakin at napatingin naman samin ang mga kasama nya. "Kilala mo ba'ko ha?!" Dagdag nya pa.

"Hindi e. Sulit ba na kilalanin ka?" Nakangiting sabi ko.

"A-abat! Halika dito at katuruan ka din namin ng leksyon!" Galit na sabi ng lalaki sakin at hinila ako papunta sa room. Nagpatangay nalang ako.

Nang nasa loob na kami ay tinulak nyako ng malakas pero hindi naman ako natumba.

"Hoy! Anong balak mo?! Tumakbo kana, baka may mangyari pang masama sayo!" Sigaw nanaman ng multo pero ngumiti lang ako.

Napatingin naman ang mga lalaki samin pati na rin ang lalaking duguan.

Pinagpagan ko din ang parte kung san ako hinawakan ng lalaki.

"Nakakatakot na. Baka magka-virus pa'ko." Nakatungong sabi ko habang nagpapagpag pa din.

"Talagang sinusubukan moko?" Nanggagalaiting sabi ng lalaki at sinugod ako sabay hawak ng madiin sa dalawang braso ko. Mas matangkad sya sakin kaya naman tumingala ako sakanya at tinignang muli ang lalaking duguan. Saka ako nagsalita.

"Anong ginawa nyo jan? Alam nyo bang masamang manakit ng kapwa?" Mahinahong sabi ko at natawa lang sila.

"Hahahaha. Hindi namin alam ang salitang yan at wag kang makealam kung ayaw mong madamay." Sabi naman ng lalaking nakahawak sa braso ko. Tinignan ko naman ang kamay nya at tinanggal ng walang kahirap-hirap.

"Sinabi nang baka magka-virus ako e. Wag mokong hahawakan."

"Ang lakas ng loob mong babae ka at sinasagot mo ng ganyan ang boss namin!" Sigaw ng mataba at pinaka maliit sakanila. Pero di ko sya pinansin at humarap sa sinasabi nyang "boss"

"Masama yang ginawa nyo. Hintayin nyo'ko jan at isusumbong ko kayo sa teacher." Mahinahong sabi ko kaya naman mas lalo silang natawa. "Mga gunggong ba kayo? Pinagsasabihan ko kayo. Hindi ako nakikipagtawanan. Mga timang." Naiinis na sabi ko at napahinto sila at napatingin sakin. "Ano napatingin kayo? Crush n'yo ba--"

'PAAAAAAKKKKKKK!'

hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil nasampal nako ng lalaking nasa harap ko.

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon