CHAPTER 15

6.2K 165 8
                                    

Xianeign'sPOV

Naka-nganga akong nakatingin sakanila habang pinagkukumpara ang mukha nila. Wala akong makita na pagkakamukha nila!

"K-kapatid mo ang..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita agad si Zoren.

"Siya si Yuanie Zorana Pinradab, Xianeign. Sya ang nag-iisa kong kapatid, ang ate ko." Nakangiting sabi nya.

'ang ate ko'

'Ang ate ko'

'Ang ate ko'

Nagpaulit-ulit sa utak ko yan at napatingin ako dun sa babaeng Nakatitig na sakin at naka-crossarm pa.

'Ang yabang neto a? I-headbutt ko kaya para mangisay? Kumalma ka Xianeign, hindi magandang patulan ng tulad mong Ms.Perfect ang gaya nyang gurang.'

"Kapatid ng gurang na yan si Yuan Zoren na crush mo. Kaya maging mabait ka sakanya." Bulong ko sa sarili ko at napatango pa.

"Sinong tinatawag mong gurang?" Mayabang na sabi nung ate nya. Napatingin naman ako sa apat kong kaibigan na parang sasabog na sa pula dahil pinipigilan ang tawa.

"A-anong gurang? Wala po akong tinatawag na gurang!" Sigaw ko sabay tumayo ng diretso. Tumaas naman ang kilay nya. Lumapit naman ako sakanya at hinawakan ko ang kamay nya.

"Ako po si Xianeign Michi, ang Ms.Perfect sa basketball, ate" nakangiting sabi ko sakanya habang nakahawak sa kamay nya. Tumaas lang ang kilay nya habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sakanya. Ngumiti naman ako ng matamis. "Nice meeting you, ate ko." Nakangiting sabi ko. Inalis nya naman ang kamay nya at humawak may kinuha sya sa bag nya! Nanlaki ang mata ko nung makita ko kung ano yun!

'Isang Alcohol!'

Pinagmasdan ko sya habang hawak nya ang alcohol at mas nabigla ako ng makita kong ibinuhos nya yon sa kamay nyang hinawakan ko.

"Baka magka-allergy ako neto. May germs yung humawak sakin e." Kalmadong sabi nya kaya naman nainis ako.

"Gurang ka talaga." Mahinahong sabi ko habang nakatingin nasakanya. "May germs pala ah. Hintayin mo'ko" inis na sabi ko sabay lapit sakanya. "Ang lakas ng loob mong sagutin ng ganyan ang isang genius na gaya ko ah." Palapit na'ko sakanya ng dumating ang apat para pigilan ako. Nakahawak si Elli at Dess sa magkabilang braso ko samantalang si Laarni naman ay sa bewang ko.

"A-ahh. A-ate. P-pasensya na po kayo sa kaibigan namin. Dalawang beses kase syang nahimatay kahapon kaya naman masama ang pakiramdam nya. Pasensya na po talaga." Si Weighn naman ang nakikiusap. Tumango pa sya pero agad tumakbo samin.

"Hoy Weighn! Anong dalawa? Isang beses lang yon! Atsaka bat nagso-sorry ka sa--Uhmm! Uhmmm!" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil tinakpan ni Weighn ang bibig ko.

"Mauna na kami!" Sigaw naman ni Weighn. Tumango namam si Zoren. "Sibat na tayo." Dagdag pa ni Weighn sabay umakay din sakin patakbo.

Nang malapit na kami sa room ay saka palang nila ako binitawan.

"Hoy! Bakit nyo'ko pinigilan don?" Inis na sabi ko at napabuntong hininga naman si Weighn.

"Baka magkainitan pa kayo." Malumanay na sabi nya.

"Makakatikim sakin yon e! Nakakainis. Ako pa talagang Ms. Perfect na genius ang binangga nya! Ha!" Inis na sigaw ko, pinagtitignan na kami pero wala akong paki.

"Kasalanan mo kaya! Sinabihan mo ng gurang e." Si Dess naman ang nagsalita.

"Nakakainis! Pano naging ate ni Yuan Zoren yon? Ang layoo!" Inis pa din na sabi ko pero hindi sila nagsalita, nanunukso ang mga tingin nila sakin kaya naman nagtaka ako.

Fell Inlove With The Demon Who Raped MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon