Chapter 12: Chismis

153 4 3
                                        

Alam mo yung paulit-ulit?

Ako  yun eh..

Kasora na ha!

Kanina pa kaya ako type ng type di matapos! >___<

----------------------------------------------------------------

Shane’s POV

“Alam mo na ba ang latest chismis?”

“Ano naman yun? Di ka talaga nagpapahuli sa chismis ha..”

“Alam niyo ba.. Balitang-balita ngayon  na taken na daw si Papa Mark Adrian Montiero ng varsity teamng school?”

“HUWAT? SI MR. 17 IS ALREADY TAKEN?! OH NO!”

Nakuha ng mga babaeng nagchichismisan sa canteen ang atensyon ko..

“And who’s the lucky girl?”

“Ahm.. That witch who hug him last halloween party?”

“WHAT?! NO WAY! THAT UGLY WITCH?! EEEEEEEEW!”

Maka-eeeeew te wagas?

Tabihan kaya kita nang magkaalaman ang tunay na maganda??

“Kaya ng kumilos na ang brigada ni Jasmin ng I-8 para imbestigahan ang nakakwindang na chismis na itey..”

“Jasmin? That girl who’s super duper patay na patay kay Papa Adrian..”

“Yup.. And alam mo naman yun.. Maraming galamay.. Siguradong malalaman din natin ang lucky girl na yan at kung that so ugly eeew girl nga ang gf niya..”

Delikado pala kami..

Lalo naman ako..

Paano na pagkumalat ang chismis at makarating kay papa?

Paano na to??

“Hindi maari.. Ako ang kanyang unang pag-ibig.. ako ang unang pinangukaan kaya ako ang dapat pakasalan!” sigaw ni Bea na gumaganap bilang Prinsesa Loenora.

“Itigil ang kaguluhan.. Marapat lamang na isangguni natin ito sa mahal na arsobispo..” sabi naman ni Ivan na gumaganap na Hating Fernando..

Nagpapraktis na kami ng Ibong Adarna para sa gaganaping play on December..

Nakaktuwa nga at matatapos na namin kahit malayu-layo pa naman ang presentation..

“Ayon sa aking nakita at narinig.. Marapat lamang na si Prinsesa Leonora ang pakasalan ng mahal na Prinsipe Juan dahi—“

“Hindi ako makakpayag.. Ako ang dapat niyang pakasalan!” sigaw ko na gumaganap bilang Prinsesa Maria Blanca..

Ilang eksena pa ang ginawa namin hanggang sa matapos kami..

Sabay-sabay din kaming nagbow..

“Yehey! Natapos din..” sigaw ni Ivan..

“More energy..” sabi ni Sir Peralta..

Advisory namin..

“Sir malayo pa naman eh.. Ma-eenhance pa yan..”

“Aaaah.. Ma-eenhance pa.. Siguraduhin niyo lang kung hindi, hindi ko na kayo bibigyan ng piece para magplay..”

Hala siya..

“SIIIIIIIIIIR!” reklamo naming lahat..

Lalo naman ako..

Sa pagpe-play na nga lang ako nagiging masaya..

Ipagkakait oa ni Sir. >____<

“Kaya ayusin niyo.. Di porket maaga niyo na tapos yan..”

“YES SIR!” sigaw namin saka nag-uwian na..

Pero tulad ng dati..

Dumadaan muna ako sa likod ng school bago umuwe..

Dito kami madalas magkita ni Ian...

At umaasa ako na magkita kami ngayon araw..

“Bulaga!”

Napaigtad ako nang may gumulat sakin..

Mukha ni Ian ang nakita ko...

Mababakas sa mukha niya ang ngiti..

Saya na makita ulit ako??

Pinilit kong ngumiti din..

“Oh.. Bakit naman ganyan ang mukha ng honey babes ko?”

Napatungo ako..

“Ako na mismo ang gumawa ng paraan para pag-usapan nila tayo..”

“Sssssssssssh..”

Naramdaman ko ang malabot na daliri niya sa labi ko..

“Dont worry.. Hindi nila malalaman..”

May sumilay na ngiti sa labi niya..

Napakunot naman ang noo ko..

“Basta.. Magtiwala ka lang..” sabi niya at niyakap ako ng mahigpit..

You & I

 Could be like Sonny & Cher

 Honey & Bears

 And You & I

 Could be like Aladdin & Jasmine

 Lets make it happen

Muli akong na-LSS sa kantang yan..

Hahahaha..

[>INFATUATED CHICK<]

I BELIEVE (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon