Di pa man ako nagsisimula masakit na likod ko.. >___<
-------------------------------------------------------------
Shane's POV
Aliw na aliw ako habang nagpeperform..
Sa bawat kumpas at galaw ko..
Pakiramdam ko hawak ko ang kaligayahan ko..
Masigabong palakpakan ang narinig ko pagkatapos naming magperform..
At tulad ng dati nakangiti na naman akong baba ng entablado..
Mula elementary ako ay nahilig na ako sa teatro..
Nagsimula yun nung mapanuod ko ang stage play ng 'Phantom of the Opera'
Mula noon sabi ko..
sana isang araw.. Gampanan ko ang karakter ni Christine sa Phantom of the Opera..
"Yes.. Sucess tayo.."
"Oo nga.. Hindi tayo ibabasak ni Sir.."
Takutan kase sa room ibabasak daw kami ng teacher namin sa english kapag hindi naging successful ang play namin.. Gawim ba namang practical test ang play na yun eh.. ewan ko na lang kung hindi ka mawindang..
"Pumunta na kayo sa canteen.. Mamaya na kayo magpalit.. Para hindi na kayo matagalan sa pagpila mamaya.. Baka anong oras pa kayo makakain.." sabi nung teacher namin..
Natural I heard some complains..
Pero sakin no big deal..
So what kung nakasaya ako?
Pumila na ako sa canteen..
I heard some murmurs.. di ko lang maintindihan kung paninira na naman ba yan o compliment..
Well wala na naman akong pakialam..
Pero nagulat ako nang makita ang isang lalaking nakatingin sakin..
Para akong matutunaw nung mga sandaling yun kaya nag-iwas tingin ako sa kanya..
Kumabog ang dibdib ko nung mga sandaling yun..
Kainis naman kasi si Ian.. Bakit ganun siya kung tumingin??
Bigla naman akong nahiya sa itsura ko..
Nauna ako sa pila kesa sa kanya..
Nasa bandang likuran pa siya..
Kumuha na ako nang pagkain ko at dali-daling nagbayad sa counter..
Kakaba-kaba akong naglakad..
Lalo pa at dadaan ako sa kanya..
"Shane..."
Nagulat pa ako nang tawagin niya ang pangalan ko..
Pero tinuloy-tuloy ko lang ang paglalakad..
Alam niya namang hindi dapat malaman ng kahit sino ang relasyon namin..
Kaya dapat ni miski magkakilala di dapat namin ipahalata!
Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng room sa sobrang kaba..
------------------------------------------------------
Adrian's POV
"Adrian may problema ba?"\
Nagulat ako sa tanong na yun ni Carlo..
"Ha? Bakit naman?"
"Halata kasing badtrip yang mukha mo eh.."
"Ah... Wala to.."
Bumalik ako sa pagkain..
"Wag mo sanang mamasamain ha.. Pero.. May relasyon ba kayo ng anak ng director?"
Natigilan ako sa pagsubo nang banggitin niya ang bagay na yun..
Naalala ko ang sabi sakin ni Shane na wala dapat makaalam sa relasyon namin..
I felt so under dahil sinusunod ko siya..
Tangna.. Pero ewan ko ba kung bakit ko nasisikmura estado namin..
"Nakita namin kayo ni Charles na magkayakap sa court nung isang araw.."
Lalo akong natigilan..
"Anong alam ni Charles?"
"Ewan.. Pero base naman sa nakita namin mukha namang may relasyon kayo.."
Napa higpit ang hawak ko sa tinidor na hawak ko..
"May pinagsabihan ka na ba?"
"Ako wala.. Si Charles ewan ko.."
Lalo akong namomroblema..
Yun pang si Charles.. Eh loko yung lalaking yun..
"Wag mo na sanang sabihin sa iba.." pakiusap ko kay Carlo..
Bwiset..
"Oy mga kumpare!"
*UGH!
Muntik na akong mabilaukan! >___<
"Pahinge ha.." sabi ni Charles saka tumusok ng beef steak sa pagkain ko...
"Psssh.."
"Sayo din para fair kay Montiero.." kumuha din siya ng pagkain kay Carlo..
Tsk.. Buraot talaga..
"Hi girls.." pacute pa nitong si Charles sa mga babae sa kabilang mesa..
Play boy talaga.. =_____=
Tumayo na siya at nakipaglandian doon sa mga babae..
"Mukhang di niya na naaalala.. Mas priority niya mga babae niya eh.." sabi ni Carlo..
Sana nga..
Tumayo na si Carlo..
Tsk inunahan pa ako..
Tinapik niya ako sa likod..
"Goodluck.. Best wishes.."
Best wishes agad?
Pssssh.. Masyado naman akong namomroblema sa babaeng yun..
Kung kaya ko lang hiwalayan eh..
Pero bakit nga ba hindi??
Hindi ko rin alam...
Bahala na.. Siguro pagtagal din naman.. Magiging madali na sakin ang lahat..
Sana..
-------------------------------------------
jdvhkgufudfg!
wa wenta..
[>INFATUATED CHICK<]