i'm.... <//////3
bakita kaya?? :((
----------------------------
Shane's POV
"Nababaliw kana ba??"
O____O ganyan ang mukha ni Carlo nang sabihin ko sakanya ang plano ko..
Oo alam ko.. At siguro nga nababaliw na ata ako..
"Lalo mo lang pinapahamak ang sarili mo? At saan ka naman hahanap ng basta na lang magbibigay ng sperm cell ha?"
"E di sa mga sperm bank.."
"At paano mo namaang masasabing safe yun ha?"
"Natural pag-aaralan at kikilatisin ko din naman yung may-ari.."
"Psssh.." tinalikuran ako ni Carlo..
I know it's the craziest idea ever.. pero..
"Please.. Carlo.."
-----------------------------------------
He stop the car malapit sa isang ospital..
"Salamat ha.."
Pero wala akong narinig na anumang tugon mula sakanya..
"Bakit mo ba kailangang gawin pa to Shane?"
"Ayokong maikasala kay Seyoung.." diretsahang sagot ko sakanya..
"At sa tingin mo aayawan ka na niya kapag nalaman niyang buntis ka at hindi siya ang ama? Hindi mo man lang ba naisip na mas madadalian siya dahil may pwede niyang gawing pananagutan yung bata sayo??"
natigilan ako..
Bakit ba hindi ko agad naisip yun??
ang tanga ko pala..
Salamat at may isang Carlong nagparealize sakin pero..
Napapikit ako sa mas lalong malaking problema..
Ano pa bang magagawa ko para mabura yang Seyoung na yan sa buhay ko??
I just felt someone hold my hand..
"Wag mong pilitin ang sarili mo.. Just tell them.. Wag mo nang idaan pa sa isang desisyon na alam mong magdadala lang sayo ng panibagong problema.. There's always the easiest way to let you free.."
tama si Carlo..
Bakit ko nga ba kailangan pang pahirapan pa ang sarili ko kung alam ko namang pwedeng-pwede kong sabihin sa mga magulang ko ang totoo..
Na hindi naman talaga kami ni Seyoung..
Na wala kaming relasyon.. Na hindi siya ang mahal ko kundi si..
Napatingin ako kay Carlo..
Hindi parin niya binibitawan ang kamay ko..
I remember what's the reason why we still have each other now..
Because we promised to each other to be together forever..
And it's been a 20 years ago..
Pero hanggang ngayon hindi ko alam kung may kasiguradunhan ang pangakong iyon..
At lalo na ang tunay na kadahilanan kung bakit nandito parin siya sa tabi ko..
-----------------------------------------
isa-isa kong tinipa ang keys ng piano..
intro palang parang may humaplos na sa puso ko..
Parang kung anong meron sa kanta na nagpabigat sa dibdib ko..
May lungkot..
May kakulangan..
parang may hinahanap-hanap akong hindi ko mahanap..
"I believe na ikaw lang at ako.. Kung kaya't tayo ay pinagtagpo.." hindi ko malaman kung bakit basta na lang akong napangiti..
"I believe na kapalaran mo ay ako..at sana ay ganun din ang puso mo.. Noong una ay hindi mo ko gusto.. kaibigan lang ang turing mo paano na ako.."
parang bumigata ang lahat sakin..
Hindi ko kayang ituloy pa ang pagtipa..
"Araw-araw naghihintay.. Hawak lamang ang sinabi mong mahal mo rin ako.."
Napamukat ako nang may kumanta sa tabi ko..
"Tama na sakin ang minsa'y.. Binigyan mo nang pag-asa.."
"Mama?"
Ngumiti siya sa akin..
"Basta't mahal kita.. Ikaw lang at ako.. Ang magsasabi ng I love you.."
Isang matamis na ngiti ang binigay sakin ni mama..
"Ma.." ulit ko sa may malumaynay na tono..
Tumitig siya sa mata ko.. "Umiiyak ka ba anak?"
Hindi ko na napaigilang mapayakap kay mama..
"Mama.." hindi ko na rin napigilan ang emosyong bumalot sakin.. ANg kalungkutan..
Hindi ko alam kung bakit at paano..
Basta ang alam ko.. Nasasaktan ako.. Nalulungkot ako..
"Bakit.. Anong problema??"
But I shouldn't waste time..
Alam kong si mama lang ang makakaintindi sakin..
"Ma.." bumitaw ako sakanya..
Tinitigan niya ako nang maigi na parang nagtatanong..
"Ma ayokong makasal kay Seyoung.."
--------------------------------------------------------
alabya! XDDD
[>INFATUATED CHICK<]
