Sa twing tayo'y nasasaktan tsaka tayo nagiging makata..
right? mwahahahaha..
back to school? back to being bitter na naman ba?
y kasi we keep on keeping them so special..
even though we know that they never treat us back the way we do.
charot...
bat nagiging bitter na ulit si author..
ayoko ng ganito..
dumadami lalo UD ko.. nyahahhahaha.. XDDD
----------------------------------------------------
Shane's POV
"Jason De Vera.."
*clap clap clap clap
"Graduation na.. Ang bilis ng panahon no?" naulingan kong sabi ni Bea..
Tumango lang ako..
Pinapanood namin ang practice ng graduation ng grade six..
Parang kelan lang kami pa ang rumarampa jan.
Ngayon mag-iintay pa kami ng tatlong taon pa para magmartsa ulit..
"Sige una na ako ha.." paalam sakin ni Bea.
Huminga ao ng malalim..
Ilang weeks na lang.. Baksyon na..
Iniisip ko.. Paano na kaya pagnagbakasyon?
Hindi na kami masyadong magkikita ni Ian..
Sa cam at text na lang.. :(
Kinuha ko na ang gamit ko.. Tumambay lang naman ako saglit para panuorin yung maggagraduation..
Nakakamiss tuloy..
Pumunta na ako sa parking para magpahatid pauwi kay Kuya Macky..
Pero nagulat ako ng iba ang sumalubong sakin..
"Gud afternoon po Ms. Shane.. Akin na po yang gamit nyo.." Salubong sakin ni Mang Ernesto..
Nakabalik na pala siya..
Nasanay na kasi ako na si Kuya Macky ang naghahatid-sundo sakin..
nanibago lang siguro ako..
Ang tahimik tuloy habang pauwi kami..
Kung si Kuya Macky ang kasama ko nagjajaming pa kami nun dito sa loob ng kotse..
Napatingin na lang ako sa bintana..
Ilang saglit pa nasa bahay na kami..
"Arf arf arf.. Hehehe.."
Agad na sumalubong sakin si chuwie at choco..
Hahaha ang kulet ng pangalan ng aso namin no..
"Hi mga baby ko.. bat ang babaho niyo? Di ba kayo pinaliguan ni Kuya macky niyo?"
"Ma'am Shane.. Wala na po si Macky.. Umuwi na po siya ng probinsya para mag-aral.. Eh marami naman po akong ginagawa kaya hindi ko mapaliguan.." sabi ni Manang Ising na katulong namin sa bahay..
Nabigla naman ako sa narinig..
Wala na si Kuya Macky?
"Ah.. Chuwie at Choco tara na papaliguan ko na kayo.." at hinila na ni manang Ising yung mga aso..
I dont know pero nakaramdam ako ng lungkot..
Wala na si Kuya..
Ang tinuturing kong parang tunay na kuya na laging anjan para pangitiin ako..
Ewan ko ba kung bakit ako dinala ng mga paa ko pabalik sa kotse,,
Nagsalang ako ng isang cd
"Sanay malaman mo na iniibig na kita
Kalangitan ay nakita ko sa iyong mga mata
At ikaw na nga ang nais ko sinta
Ikaw ang kailangan ng tulad kong nagiisa"
Ang isa sa mga mamimiss ko kay Kuya Macky ang pagkahilig niya sa rap..
Ngayong wala na siya.. Hindi na ako magiging updated sa rap.. :(
"Ang tangi kong hiling sana ay sakin ka nalang
Hindi ko matiis na makitang sinasaktan ka lang
Lumingon ka lang nandito lang ako para sayo
Nangangarap balang araw mahalin mo rin ako"
Hindi ko alam pero nilukob ako ng lungkot..
Hinalungkat ko pa ang lalagyan ni Kuya Macky ng mga cd ng rap songs..
"Ang tangi kong hiling sana ay sakin ka nalang
Hindi ko matiis na makitang sinasaktan ka lang
Lumingon ka lang nandito lang ako para sayo
Nangangarap balang araw mahalin mo rin ako"
At sa pag hahalungkat kong iyon may nakita akong sulat..
To: Ms Shane
Kumabog ang dibdib ko ng makita yun..
Kinuha ko at binuksan..
Shane,
Sa mga sandaling ito nakaalis na ako.. Pupunta na ako ng Bicol at doon mag-aaral.. Pasensya kana kung hindi ako nakapagpaalam sayo ng pormal.. Aaminin ko hindi ko talaga gustong magpaalam sayo ng pormal.. Kasi ayokong makitang malungkot ka.. Lalo na ang umiiyak.. hindi ko alam kung ano ang naging parte ko sa buhay mo.. Basta ako.. Para sakin Naging espesyal ka.. Sobra.. Higit pa sa isang kapatid.. Nakakahiya mang aminin pero nagkagusto ako sayo.. Pero ano lang naman ba ako.. Isang hamak na anak ng driver niyo.. Pero tandaan mo sana na kahit sa sandaling panahon nating nagkasama naging masaya ako.. Napasaya mo ako.. At masayang alalahanin na kahit sandali ng buhay ko napasaya ko ang babaeng naging espesyal para sakin.. Kahit alam ko na may mas magpapasaya pa sayo kesa sa mga maliliit na bagay nja ginagawa ko para sayo.. Sana maging masaya ka sa piling niya.. Sana hindi ka niya paiyakin,, Sana.. Sana wag mong kalimutan ang mga taong nagmamahal sayo kung sakaling iwan ka man niya.. Ingat ka.. Mamimiss ko ang baby girl ko..
Kuya Macky
TT________________TT
"Ang tangi kong hiling sana ay sakin ka nalang
Hindi ko matiis na makitang sinasaktan ka lang
Lumingon ka lang nandito lang ako para sayo
Nangangarap balang araw mahalin mo rin ako"
"Kuya Macky.." TT__TT
Maraming naituro sakin si Kuya..
Kaya ngayong wala na siya..
Parang ang hirap naman..
------------------------------------------------
Gusto ko ulit maging updated sa rap!!!!!!!!
naadik kasi ako sa kpop kaya di na nakakapakinig ng rap eh..
sino rapper dito??
hehehe..
[>INFATUATED CHICK<]
