C2: Make Her Notice Him
"Dude, paparating na si Eli." Mahinang sabi ni Jayson na napapangisi kay Davien na naglalaro sa cellphone ng color switch. Kunot noong binalingan niya ang kaibigan saka inilagay sa bulsa ang cellphone.
Wala pa ang kanilang professor sa mga oras na ito.
"Let the challenge begin." Mahina at nakangising sabi ni Davien dito na para bang easy lang sa kanya. Tumayo siya at inabangan sa hallway ang pagdaan ni Eli na kasalukuyan ay naka-earphones at diretso ang tingin sa dinaraanan.
Dumukot ng limang piso ang binata sa kanyang bulsa para paglaruan sa kamay niya at sadyang ihulog ito nang mas malapit na si Eli sa lugar niya kaya naagaw nito ang pansin ng dalaga.
Napatingin ito sa limang pisong nahulog mismo sa harapan niya at walang emosyong napatingin din naman kay Davien na ngumiti sa dalaga saka lumapit para pulutin ang limang piso. Agad naman itong nilagpasan ng dalaga na hindi man lang ibinabalik ang mga ngiting ibinigay ng binata dito kaya na-badtrip ang binata. Papansin failed.
Natutuwa naman si Jayson sa panonood sa kaibigan at kay Eli. Nakikita niyang diterminado nga ang binata.
Malutong na napamura ng mahina si Davien dahil ito ang unang pagkakataong hindi nasuklian ang ibinigay niyang ngiti sa isang tao.
"Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Jayson kay Davien nang makapasok na ito't makabalik sa classroom nila. Nakasunod din kay ang kaibigan nito.
"P*t*! Deadma." Walang ganang sagot ni Davien saka bumalik sa paglalaro ng color switch. Bored siyang naglaro.
"Suko ka na ba agad?" Natatawang tanong ni Jayson dito.
"T*ng*n*! Kailan ba ako sumuko sa mga ganitong pakulo mo?" Nakangising sabi naman nito.
"Yeah. May iba ka pa bang plano?" Usyoso ng kaibigan nito.
"Of course. I have lots of plans. Simula pa lang tayo." Mayabang na sabi nito.
"Ang tanong, kung papa'no mo magagawa ang mga planong 'yan." Panghahamon ng kaibigan nito.
"Problema ko na 'yon, dude." Mayabang pa rin na saad nito. Naniniwala itong kayang-kaya niya ang pakulo ng kaibigan.
Sa dami ng plano ng binata hindi siya makapili ng effective. Pang one time, big time sana pero diterminado pa rin siya sa challenge na ito.
-
Simula noong araw na ngitian ni Davien ang dalaga, lagi na niya itong nginingitian at natanggap na niyang ni isang ngiti niya dito ay wala itong ibinabalik sa kanya. Nagawa na niya yata ang lahat ng pagpapapansin sa isang babae na lahat naman 'yon dati ay effective. Kay Eli lang walang epekto.
"Hi!" Nakangiting bati ni Davien kay Eli na nagulat pa sa pagbati ng binata sa kanya. Nagkaroon ang dalaga ng biglaang reaksyon na hindi nito madalas ipakita.
Ang gulat sa mukha ni Eli ay nawala at bumalik sa pagiging walang emosyon. Tiningnan lang niya si Davien.
"Naaalala mo pa ba ako? Classmates tayo nila Jayson noong fourth year high school tayo sa Christian Academy noon." Natatawang sabi ni Davien dito.
"Aah. Bakit?" Bored na reaksyon nito.
"So, kilala mo pa ako?" Ang mukhang nawawalan na ng pag-asa ni Davien ay nagkaroon ng pag-asang muli sa narinig n pagsagot ni Eli.
It's been 15 days since the challenge started bago siya nakapag-hi sa dalaga at sagutin. Sa wakas nasagot na siya nito, pero ibang sagot ang goal niya.
"Oo." Tipid na sagot ni Eli dito.
"That's good. Pwede ba kitang maimbitahan sa birthday ko?"
"Huh?"
"Gusto ko lang madagdagan ang mga bisita ko." Dahilan ng binata na mukhang hindi convincing sa dalaga.
"Kailan?" Tanong ng dalaga kahit wala siyang interes na pumunta.
"Next week na pero on Saturday pa ang celebration para walang pasok."
Nag-isip muna ang dalaga bago muling sumagot.
"Marami akong ginagawa tuwing Sabado. Pasensya na." Diretsong sagot ng dalaga, "..Alis na ako. Advance happy birthday, Davien Heston." Mahinang dugtong pa nito saka iniwan ang binatang napatanga sa pagbanggit ng pangalan niya ni Eli.
Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil kilala pa nga siya nito o maiinis dahil tinanggihan siya nito. Parang naghalo ang pakiramdam niya pero mas nananaig pa rin ang pag-asang ito na ang simula ng maayos na takbo ng mga plano niya.
-
"Babe! F*ck sh*t! You're so good." Sambit ni Davien nang makaraos sa kanyang tawag ng laman kasama ang bago niyang kasamang si Angela na nakilala niya sa isang party ng isa niyang kakilala. Friends of friends.
Nang makabalik ang kanyang lakas ay agad siyang bumangon at nagsuot na ng damit. It's already two in the morning at kailangan na niyang makauwi dahil may pasok pa siya bukas.
"Uuwi ka na? Where's your number?" Pagtataka ni Angela habang hawak ang kumot na nakatakip sa katawan niya.
Nakangising binalinagan ni Davien ito ng tingin habang nagsasapatos.
"See you when I see you, babe. I don't just give my number to anyone who's not one of my favorite in bed." Malumanay na sabi ni Davien dito na nakapagpagalit kay Angela.
"G*g*! P*t*ng*n* mo! Akala ko chismis lang ang naririnig ko tungkol sa'yo. Totoo pala! H*y*p!" Sigaw ni Angela dito saka pinagbabato siya ng mga unan.
Agad na umilag nang umilag si Davien na sinasangga ng kamay niya ang tapon ng unan saka nilapitan si Angela at hinawakan ang mga kamay nito.
" 'Wag kang aastang parang 'di ka nag-enjoy, Miss." Huling mga salitang binitawan ng binata dito saka umalis.
"F*ck y**, Wilder! P*ny*t*!" Habol na sigaw pa ni Angela dito na parang puputok na ang ulo sa pula at galit sa binata.
Maling naniwala siya sa sweetness ni Davien sa party ng isa nilang kaibigan na nagpakilala sa kanila. Ngayon ay naniniwala na nga siyang hindi dapat siya agad nagpadala sa kalokohan ng binata. Hindi din naman siya nagsisisi dahil natikman din naman niya ito. Isa sa mga goals ng katulad niyang klase ng babae.
Madalas ng mangyari ang ganitong eksena kay Davien kaya sanay na sanay na ang binata. Walang bago kaya same reactions everytime. For Davien, girls are just toys that he can do whatever he wants. Hindi ito naniniwala sa karma. Wala siyang pakialam sa karma kapag sinasabihan siya. Walang karm sa kanyang bokabularyo.
-
C2 Posted: September 19, 2017
(A/N: Itutuloy-tuloy ko na itong kwento. Hahaha. Mukhang mauuna pa itong matapos kaysa sa ibang nauna. Masyado kasing demanding ang characters dito eh. Anyway, enjoy reading!)
-
C2 Edited: July 11, 2021
BINABASA MO ANG
The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)
General FictionThe Playboy's Worst Downfall (BOOK 1) Written By: invisiblegirlinpink - A cliche story of a typical playboy Davien Wilder fall to an ordinary loner girl Elizabeth 'Eli' Zilva who gave him a dose of his own medicine. - Started: September 6, 2017 End...