Epilogue

1.3K 41 34
                                    

Epilogue:

Masakit makitang hawak ng iba ang taong mahal mo, pero mas masakit ang malaman na mahal siya ng taong mahal mo na hindi mo nagawang gawin noong nasasa'yo pa ang taong hawak na ngayon ng iba.

"What should I do now, Dad?" Nanghihina na tanong nito sa kanyang ama na dinalaw siya sa opisina.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa imbitasyon ni Eli na ipinadala sa ama niya.

"Move on. I'm sorry, Davien. Siguro kung naging mabuti akong ihemplo sa'yo noon. Hindi ka sana magiging katulad ko. Alam nating laging sa huli ang pagsisisi pero pwede ko pa naman sanang mapigilan ang kinamulatan mo noon sa akin kung naging isa akong mabuting ama sa'yo." Puno ng pagsisising pag amin ng kanyang ama.

"Wala na 'yon sa akin, Dad. Hayaan na natin. I'm a changed man now. Ang mahalaga, nagbago ka at nagbago ako." Pagpapagaan naman ng loob niya dito.

"Makakahanap ka din ng babaeng magmamahal sa'yo and this time you should take care and love her more than she loves you. Iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal na hindi mo naparamdam noon kay Eli. Hindi ko noon nagawang magmahal kahit pa sa iyong ina kaya sana magawa mo." Seryosong saad ng ama na ngumiti ng bahagya.

Napangiti na lamang si Davien sa kanyang ama.

Ang mahalaga para sa kanya ngayon ay ang natitirang mahahalagang tao sa buhay niya at iyon ang kanyang ama na bumabawi pa rin hanggang ngayon sa mga pagkukulang nito noong bata pa siya.

'Sana nga maging masaya ka, Eli. Masaya sa piling ng iba.'

Sambit nito sa kanyang isipan saka napabuntong hininga.

Maybe some things are not really meant to happen dahil may isang hindi nagawang pahalagahan ang isang bagay sa buhay nila.

And for Davien's case, it's the love he doesn't value for someone na gusto lang naman magmahal at mahalin.

After few hours of thinking. He decided to go even if it hurts.

Kabado siya nang makarating sa simbahan. Madaming tao. Pink, white, and red ang mga kulay ng dekorasyon sa paligid.

Sa pinakadulo siya naupo. Kabado pa rin at hindi mapakali. Hindi niya alam paano haharapin o babatiin si Eli after the ceremony. He actually wants to witness how happy Eli.

After few minutes nagsimula na ng seremonya ng kasal. Pumasok na ang entourage. Nasa altar na ang groom. Kahit nasa dulo siya ay nakikita niya ang groom. Hindi naman ganoon kalayo ang altar ng simbahan.

Tumutugtog ang paburitong kanta ni Eli. Naalala ni Davien. Alam niyang paburito ito ng dalaga. Forevermore.

Napalingon lahat sa papasok na bride ang mga tao sa loob ng simbahan. Napangiti si Davien nang makitang katabi ni Eli ang ama. Alam niya kasing hiwalay ang mga magulang nito. Masaya siyang makitang kasama nito ang ama sa araw ng kasal. Napunta kay Eli ang mga mata niya. Napakaganda ni Eli. Malaki ang pinagbago. Kitang-kita niyang masaya si Eli. Mas masaya noong kasama pa niya ito.

Nakarating si Eli sa altar. Nagmano ang groom nito sa ama at ina ni Eli. Nagsimula na ang seremomyas. Sa pagdalo ni Davien, parang unti-unting binibiyak ang puso niya lalo na nang marinig niya ang wedding vows ni Eli.

"Hindi ka man ang unang lalaking minahal ko, ikaw naman ang taong nanatili sa buhay ko. Tinanggap mo ang nakaraan ko ng walang pagdadalawang isip. You never take me for granted since the day you confessed your love for me. Kasama kita through my ups and downs. You never leave me. So, I promise to love you forever, I promise to always let you hold my hand, I promise to cook adobo for you as long as you want, I promise to fix your tie every day, I promise not to get mad when you replied late anymore since we'll be living together," Natawa si Eli at ang groom. Natawa din ang mga bisita saka tinuloy ang mga pangako niya, "But seriously, I promise to continue to pray for your happiness and success in life, mahal ko. I'll try to be more patient promise." She ended smiling. Mga ngiting walang bakas ng nakaraan. Parang hindi nasaktan.

Bumalik ang mga ala-ala ni Davien kasama si Eli. Bawat pagloloko niya at pagsisinungaling sa dalaga bumalik lahat. Hindi na niya kinaya pang tapusin ang kasal. Hindi na siya makahinga sa simbahan. Lumabas siya. Nagdrive. Turned off his phone. Cried.

Ito ba ang sinasabi nilang karma? o resulta ng mga nagawa niya sa dalaga?

Never niya naisip na mapupunta siya sa ganitong sitwasyon. Never niya naisip na darating sa point na masasaktan siya ng sobra dahil sa isang babae. Galing pa sa babaeng hindi niya trinato ng tama. Never niya naisip noon na aattend siya ng kasal ng taong pinakamamahal niya. Kasal na hindi siya ang kasama.

Bigla na lamang nandilim ang paligid. Wala ng makita ang binata. Malakas na busina ang huling narinig niya.

Nanonood ng TV news ang ama ni Davien nang maagaw ng pansin nito ang isang balita. Kinabahan agad ito bago pa man makita o marinig kung sino ang laman ng mga sasakyang nagsalpukan. Tanda ng ama nito ang kulay, porma at plate number ng sasakyan ng binata.

"Sh*t! Davien!" Biglang sambit ng ama saka napatayo. Nagmadaling kinuha ang susi ng kanyang kotse at nagmaneho patungo sa hospital na nasa balita. Kung saan naroroon ang kanyang anak. Alam niyang nag attend ito ng kasal ni Eli.

Nabalitaan rin ito ni Jayson kaya nataranta rin itong sumugod sa hospital kasama ang asawa. Lahat sila nag-aalala. Nasa coma ang binata nang maabutan nila.

"Pasensya na po. Kailangan nating maghintay na magising ng pasyente. We already did some tests. We will monitor him." Ang sabi ng doctor nito.

Pinalipat ito ng ama sa isang pribadong hospital para mas mamonitor ang kalagayan ng binata. Naghanap naman agad ng magaling na doctor ang ama.

They are all praying now. 'Yon ang pinakamakakatulong ngayon.

Magigising pa kaya ang binata? Malalaman pa kaya nila ang nangyari talaga dito? Anong mangyayari kapag nagising na ito? Mababago ba ng aksidente ang sakit na nadarama nito? Mawawala ba ang sakit o mananatili habang buhay?

- The End ❤❤❤

*******

Epilogue Posted: October 7, 2017

Thank you Lord for another story na nagawa kong matapos! ♥

Dedicated to apalin40 - Thanks for the votes. And to Bimbim24 - Thanks for the follow and for adding It Started In A Vacation to your reading list. God bless. ♥

The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon