C5: Mission Accomplished
Pagpasok na pagpasok ni Davien at nabungaran ang ama. Walang galang na kinausap agad nito ang ama.
"Dad, please! Give me back my car!" Inis na pagpipilit ni Davien sa kanyang ama na nakaupo ngayon.
"No. Not until you decided to stop being stubborn and playing around!" Seryosong may diin na mang sabi ng kanyang ama saka tumayo. Napailing-iling pa ito sa kanya.
'Ba't 'di pa kasi mamatay ang matandang 'to eh!'
Iniwan siya ng kanyang ama sa sala saka niya ibinagsak ang katawan sa sofa at ginulo ang buhok niya. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan ang isa nitong paburitong babaeng naikakama na si Jayka. Sakto namang free ang babae ngayon kaya't hinayaan siya nitong puntahan ito sa condo kung saan gagawa sila ng milagro.
Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan ng unit ni Jayka ay agad na nagdampi ang kanilang mga labi saka mabilis na nagtanggal ng mga damit sa kanilang katawan.
Bilang lang ang paburito niyang babae at binabalik-balikan niya na na-i-enjoy naman niya. Sa lahat ng babae niya simula noong una niyang maranasan ang kamunduhan ay naging always safe and protected na siya para everybody happy and at the end of the day walang mabubuong bata at hindi siya magkakasakit ng bata.
Ayaw niya din namang makabuo ng bata sa isang pagkakamali katulad ng kanyang ama kung saan naging isa siyang bunga ng pagkakamali na ayaw na niyang mangyaring muli. Natuto na siya.
Sanay na din ang mga babae niyang binabalik-balikan niya sa 'f*ck and go' policy niya kaya hindi ang mga ito nagrereklamo. May iba din naman siyang naikama na nahulog ang loob sa kanya pero una pa lang ay nilinaw na niyang hindi niya habol ang makipagrelasyon kahit subok pa 'yan. Lumayo sila kung nasasaktan na sila sa turing ni Davien sa kanila o hindi sila satisfied sa kung anong mayroon sila na hinahayaan lang ng binata dahil para sa kanya ay walang sinuman ang babaeng dumaan sa kanya na maging isang kawalan sa buhay niya.
-
"P*ny*t*! Hindi talaga binabalik ang kotse ko ng matanda eh. Bahala siya sa buhay niya! Mamamatay din siya." Walang ganang sabi ni Davien kay Jayson na kasalukuyang busy sa pagtitext sa kinababaliwan nitong babae, "Baka kung hindi madaan sa santong dasalan si Eli, idadaan ko na lang sa santong paspasan." Nakangising sabi pa nito.
"Ikaw bahala. Tumahimik ka muna, dude." Walang lingon-lingong sabi ni Jayson dito.
"Ganyan ka kaseryoso kay Riona? Pati akong buong buhay mo kasama ako kinakalimutan mo para sa taong ilang buwan mo pa lang nakikilala?" Nagtatampo pero may pang-aasar na sabi ni Davien sa kaibigan.
"G*g*! Puntahan mo na nga si Eli, bago pa mahuli ang lahat." Pangungumbinsi ng kaibigan.
"Ul*l! Hindi ako mahuhuli. Ako pa nga yata mauuna eh." Nakangiting sabi nito. Double meaning ito.
"G*g* ka talaga, dude! Basta wala sa usapan ang maka-score ka ah. Ang sabi ko maligawan mo lang. No more, no less." Natatawang sabi ni Jayson dito.
Natawa na lang din si Davien saka lumabas ng classroom nila dahil may 15 minutes pa silang break pagkaalis ng professor nila.
-
"Eli!" Tawag ni Davien sa dalaga pero dahil naka-earphone nanaman ang dalaga ay hindi talaga nito narinig kaya minabuting habulin ng binata hanggang sa maabutan niya ito at masabayan sa paglalakad, "Eli!"
"Huh?" Baling nito sa kanya saka inalis ang isang earphone na nakalagay sa tenga, "Bakit?" Walang ganang tanong ng dalaga dito habang pinagtitinginan nanaman sila ng mga estudyanteng nagtataka ang mga mata.
"Paano ba kita mapapaniwalang seryoso ako sa'yo?" Mahinang tanong ng binata dito nang mapatigil sila sa paglalakad.
"Kailangan mo lang naman akong tigilan." She suggested.
"Hindi ko kaya."
'Hindi ko kaya dahil wala akong kotse.'
"Bakit?"
'Dahil makukuha ko lang ang kotse kay Jayson kung maliligawan kita.'
"Dahil gustong-gusto kita." Dahilan nito.
Gustong-gusto niyang makuha ang kotseng kailangan na kailangan niya dahil nakakapagod ang araw-araw na pagko-commute kahit pa malapit lang ang bahay nila dahil malayo ang mga lugar na pinupuntahan niya lalo na kapag naghahanap siya ng maikakama. Pinapang-porma kasi niya ang kanyang kotse.
"Hindi na ako natatawa sa joke mo, Davien. Parang ilang buwan ka na rin nagkakaganyan na hindi ko maintindihan kung bakit ako pa? Sa dami ng babaeng may gusto talaga sa'yo at hindi ka mahihirapan." Seryosong saad ng dalaga. Out of frustrations nasabi niya 'yon.
Biglang hinawakan ni Davien ang isang kamay ng dalaga saka tumitig sa mga mata nito.
"Please, Eli. Liligawan kita sa ayaw mo't sa gusto." Pagpupumilit ng binata.
'Makuha ko lang ang kotse saka lang kita titigilan.'
Napabuntong hininga ang dalaga saka nagsalita.
"Bahala ka nga." Labas sa ilong na sabi na lamang ng dalaga saka ibinalik ang isang earphone na inalis niya sa tenga niya.
Napangisi naman agad ang binata sa narinig. It means, pwede na dahil nasasa kanya ang desisyong ligawan ang dalaga.
-
Magkasama ang magkaibigan.
"Ano, dude? Saan na ang susi ng isa sa pinakamamahal mong sasakyan?" Nakangising sabi ni Davien sa kaibigang nagulat sa ikwenento nito sa kanya.
"F*ck! Seriously, dude?! Nagpaligaw? Kailangan ko munang makita kayong magkasama. Patunay man lang." Hindi makapaniwalang saad ng kaibigan.
"Sure." Agad na sagot ni Davien.
Tuluyan na ngang nakuha ni Davien ang kotseng kanyang inaasam-asam kay Jayson na namomroblema dahil sa nabawas niyang sasakyan buti na lamang ay luma na ito pero hindi halata dahil alagang-alaga niya ang lahat ng sasakyan na mayroon siya.
Napatunayan ni Davien kay Jayson na nililigawan niya nga ito. Hinayaan ni Eli na ihatid siya ni Davien sa tinitirahan niyang apartment. Sapat na para maniwala nga si Jayson sa kaibigan.
-
C5 Posted: September 21, 2017
Dedicated to Mcnorlyn - Thanks for reading An Arranged To Last and for the votes. Sana mabasa mo din ang iba ko pang stories. ♥
-
C5 Edited: July 11, 2021
BINABASA MO ANG
The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)
Ficción GeneralThe Playboy's Worst Downfall (BOOK 1) Written By: invisiblegirlinpink - A cliche story of a typical playboy Davien Wilder fall to an ordinary loner girl Elizabeth 'Eli' Zilva who gave him a dose of his own medicine. - Started: September 6, 2017 End...