C11: Annoyed
Seven months na silang in a relationship at seven months na ring tini-take for granted ni Davien si Eli. Parang si Eli lang ang madalas na mag effort sa relasyon nila ngayon. Si Eli nga lang ang nagmamahal.
"Dude, hindi ka ba natatakot sa karma? Alam mo naman ang pinagdaanan ko sa karma na 'yan." Sabi ni Jayson kay Davien.
"Dude, I'm always safe." Kampanteng sagot ni Davien habang abala sa pakikipagtext sa nilalandi niyang half American, half Filipina na nakilala niya sa isang bar na pinuntahan niya noong nakaraang gabi.
"Ganyan din ako dati kakampante." Kumento ni Jayson.
"Don't worry about me."
"Nag-aalala ako para kay Eli. Ako ang may kasalanan nito eh. Kinakain na ako ng konsensya ko, Dude. Kailangan niyang malaman ang tungkol sa plano ko na tinanggap mo."
"No! Hindi ka dapat makonsensya dahil ako ang may gustong ituloy ito!" Sagot niya dito.
"Pero naaawa ako sa kanya. Hindi ka ba naaawa?" Seryosong tanong ni Jayson. Nagsisisi na kasi siya na bakit dinamay pa niya si Eli sa kalokohan ng kaibigan. Magagalit girlfriend niya kapag nalaman ito.
"Naaawa."
"Pero hindi sapat para tigilan mo ang nakasanayan mo."
"Dude, tama na. Ayoko ng pag-usapan 'yan." Seryosong baling ni Davien dito.
Napailing-iling na lamang si Jayson ininom ang beer in can niya.
-
Habang tumatagal ay nagiging clingy na si Eli. Matampuhin at selosa.
"Ba't 'di mo ako tinext kagabi?" May pagtatampo tanong ni Eli sa nobyo.
"Nakatulog na kasi ako." Laging may dahilan ang binata sa lahat ng pagtatampo ni Eli, "Sorry." Lagi namang tinatanggap ng dalaga ang sorry nito. Marupok siya sa binata.
"Ba't may lipstick ang kwelyo mo?" Nakasimangot na tanong ni Eli na may pagdududa.
"Sh*t! May lasing kasing babae kagabi sa bar kung saan nagpasundo si Jayson dahil lasing siya. Nag-away kasi sila ng girlfriend niya. Natumba 'yung babae at nasalo ko. Baka napahid ng kwelyo ko lipstick niya." Dahilan nito. Napabuntong hininga naman ang dalaga na nagdududa pa rin, " 'Wag ka ng magselos. Nagseselos ka nanaman." Malambing na sabi nito sa nobya. Mali pala ang nadampot niyang damit sa kama nang magbihis siya. Hindi niya na rin napansin ang amoy dahil hindi naman mabaho mga damit niya kahit nasuot na niya.
Yumakap na lamang ang dalaga dito saka nakahinga ng maluwag ang binata. Nasa sasakyan kasi sila na hindi pa pinaandar ng binata dahil naglambingan muna sila.
-
Magkatabi na sila sa kama ng dalaga nag-uusap bago matulog.
"Sorry ah? Ang selosa ko kasi lately." Mahinang sabi ni Eli habang nakayakap sa binata.
"It's okay. I understand. Nasasanay na din naman ako." Natatawang sagot ni Davien.
"Sorry din sa pamba-block ko sa'yo kapag nag-aaway tayo dahil sa pagseselos ko. Ang gagandanaman kasi ng mga naging babae mo. Nagpo-post pa sa timeline mo sa fb." Nakasimangot na dahilan nito sa kanya.
"Sanay na nga ako sa ugali mong 'yan. In-na-unblocked mo din naman kapag lumalamig na ang ulo mo." Kumento niya dito.
"Mahal na mahal kita, Davien." She genuinely said. Pure and innocent.
"I do, too." Mahinang sabi ng binata.
Actually, madalas mainis ang binata sa pagiging selosa at matampuhin ng dalaga pero hindi niya lang ito pinahahalata. Tinutulungan na lamang niya kapag hindi sila magkaintindihan sa chat at text.
Kapag inaaway siya ng dalaga sa tuwing may monthly period ito ay hinahanyaan niya lamang. Ito din naman ang madalas na mag-sorry sa huli at kahit ilang buwan pa lamang sila ay nasasanay na ang binata sa galaw ng dalaga.
He likes Eli pero hindi niya alam kung mahal niya ba ito dahil nagagawa pa rin niyang lokohin ito sa kabila ng ipinapakita at ipinaparamdam nitong pagmamahal sa kanya.
"Matulog na tayo." Sabi ng dalaga saka humalik sa pisngi ng binata, "Good night." Bulong ng dalaga saka yumakap sa binata.
"Good night, Eli." Malambing na bulong ng binata dito.
'Naaawa lang ba talaga ako kaya hindi ko siya mapakawalan o dahil sa kanya ko lang naramdaman ang pagmamahal na hindi ko naranasan sa mismong mga magulang ko? Lalo na sa sarili kong ama.'
Madalas itanong ng binata sa sarili niya. He is frustrated. He is always frustrated from the fact na hindi niya talaga malaman kung anong nararamdaman niya para sa dalaga.
-
"Blocked ka nanaman?" Natatawang pang-aasar ni Jayson kay Davien.
"Parang 'di mo nararanasan ah. Kapag ikaw na ba-blocked parang gusto mo ng manira ng gamit eh!" Pang-aasar naman ni Davien dito.
"Ikaw wala lang. 'Yon ang pinagkaiba natin, dude. I value my woman." Pagmamalaki ni Jayson.
"Under ka kasi masyado!"
Normal na lamang ang ganitong insultuhan nila sa isa't-isa dahil madalas na nila itong nababanggit na pang-aasar.
"Kapag na-under ka. Who you ka sa akin!" Natatawang sabi ni Jayson.
"Ul*l! Never!" Ngisi niya dito.
Pagkatapos ng dalawang subject biglang nagtanong si Jayson.
"Nagtext na ba?" Usyoso nito sa kaibigan.
Tiningnan naman ni Davien ang cellphone niya.
"Hindi pa. Maya-maya pa 'yan magtitext ng sorry." Walang ganang sagot ni Davien.
"Hindi mo kasi sinusuyo. G*g* ka talaga." Patawa-tawang kumento ni Jayson.
"Nakakatamad eh. Hindi din naman niya ako matiis." He said proudly. Para bang forever na hindi siya matitiis ng dalaga. Napakakampante nito.
"Pero siya natitiis mo." Pang aasar ng kaibigan.
"Ganoon talaga." Nangingising sabi ni Davien.
Katulad ng inaasahan ni Davien ay hindi nga nanaman siya natiis ng dalaga. Nagtext ito ng sorry. As always may kasalanan man ito o wala.
Nasa bahay ng dalaga si Davien ngayon, tumatambay muna bago umuwi. Sinusuyo ang matampuhing nobya. Wala siyang pamalit ngayon na dala para doon matulog tyaka may ka-date siya sa kama mamayang gabi kasama ang half American, half Filipina na si Veronica.
"Uwi na ako." Pagpapaalam ni Davien kay Eli. Hinalikan niya muna sa mga labi ang dalaga.
"Ingat ka. Text mo 'ko kapag nakauwi ka na." Nakangiting sabi ni Eli.
"Opo." Nakangiting sagot ng binata.
Excited na umuwi ng bahay si Davien para maghanda sa pagkikita nila ni Veronica habang walang kamalay-malay si Eli na girlfriend niya.
Bakit nakakaya ng konsensya niya ito? May konsensya ba talaga siya? o baka manhid na siya?
-
C11 Posted: October 5, 2017
Dedicated biehp_azir - Hello. ♥
-
C11 Edited: July 11, 2021
BINABASA MO ANG
The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)
General FictionThe Playboy's Worst Downfall (BOOK 1) Written By: invisiblegirlinpink - A cliche story of a typical playboy Davien Wilder fall to an ordinary loner girl Elizabeth 'Eli' Zilva who gave him a dose of his own medicine. - Started: September 6, 2017 End...