C13: Crushed
Hindi maintindihan ni Davien kung bakit ilang araw na ang nakakalipas hindi pa rin siya tinitext o chinachat ni Eli para mag sorry ng paulit-ulit na inaasahan nanaman niya.
Ni hindi dumadaan si Eli sa classroom nila, tipid siyang kausapin ni Jayson at hindi niya naaabutan ang dalaga sa classroom nito.
Dahil wala naman talaga siyang pakialam hinayaan niya lang na magdaan ang mga araw na hindi nanggugulo o nangungulit ang girlfriend niya, busy din naman siya sa thesis nila kaya hindi na niya maisip na suyuin pa ang dalaga na ni minsan hindi naman niya sinuyo.
'I just miss kissing her. Puntahan ko na nga lang siya sa apartment niya.'
After class ay nagbakasakali siyang nasa classroom pa si Eli.
"Umuwi na si Eli?" Tanong niya sa kaklase nito na tumango lang sa kanya saka niya lang pinuntahan ang dalaga sa apartment nito.
Kumatok siya ng ilang beses bago walang ganang hinarap ng dalaga na medyo nagulat pang makita ang binata.
"Bakit?"
Kumunot ang noo ng binata saka pumasok kahit hindi pa siya pinapapasok ng dalaga.
"Anong bakit? Dito ako matutulog ngayon." Sagot ng binata na para bang hindi lumipas ang mga araw na magka-away sila.
"Hindi pwede." Walang ganang saad ng dalaga.
"Bakit naman? Busy ka?"
"Oo. Magpupuyat ako para sa thesis namin. 'Di ba may thesis din kayo? Kung itong itatambay mo dito eh tinutulong mosa mga ka-grupo mo, mapapakinabangan mo pa." Kaswal na saad ng dalaga.
Lumapit ang binata kay Eli saka walang sabi-sabing sinakop ng mga labi nito ang mga labi ng dalaga. Walang ibang maramdaman si Eli kundi pagkuhi at sama ng loob kaya imbis na tumugon sa mga halik ng binata, hinayaan niya lang itong halikan siya.
"F*ck! Kiss me back!" Biglang sigaw ni Davien with frustrations written on his face then he kissed Eli again roughly.
Napangisi si Eli sa kanyang isipan.
'Ito ang gusto niya? Ito lang naman ang gusto niya sa akin.'
She kissed him back with tears running down on her face na naramdaman ng binata kaya napatigil ito saka nagulat sa pag-iyak ng dalaga. Napabuntong hininga ang binata saka yinakap si Eli.
"I missed you." Bulong ni Davien na hindi magawang paniwalaan ni Eli, "May problema ka ba?" Malambing na tanong ng binata nang punasan nito ang pisngi ng dalaga.
'Sinungaling ka!' Sigaw ng dalaga sa isipan habang nakatitig sa mga mata ni Davien na nagpapakita ng pag-aalala.
"Pagod lang ako. Gusto kong mapag-isa, Davien." Dahilan na lamang ng dalaga saka umiwas ng tingin.
"Masama ba ang pakiramdam mo?"
'Ang galing mo talagang magpanggap.' Komento ng dalaga sa kanyang isipan.
"Hindi. Gusto ko lang talagang mapag-isa."
"Anong ibigsabihin ng gusto mong mapag-isa?"
"Pwede bang maghiwalay na lang muna tayo?" Walang ganang tanong ng dalaga na masakit ang paglunok dahil sa pagpipigil ng pag-iyak niya.
"A-ano?" Kunot noong tanong ng binata na naguguluhan ang mukha, "Bakit?"
'Itanong mo sa sarili mo.' Bulong ng isipan ni Eli.
"Bakit kailangan mong makipaghiwalay?" Tanong pa nito.
"Dahil gusto kong magpahinga, Davien."
"That's a f*ck*ng b*llsh*t! Gusto mong makipaghiwalay? Hindi mo na kailangang magpahinga pa. Sige! Maghiwalay na tayo! P*t*ng*n*!" Galit na sambit ng binata saka padabog na umalis ng apartment ng dalaga at doon napahagulhol ang dalaga.
-
Imbis na malungkot dahil naghiwalay na sila ni Eli, nagsaya pa ito kasmaa ng iba't-ibang babae sa bar na suki siya.
'Hindi siya kawalan. Mas mabuti na ring naghiwalay kami para mawala na ang konsensya ko. P*ny*t*!'
Hindi din naman napunan ng mga kasama niyang babae ang walang kapantay na pagmamahal ni Eli sa kanya na hindi niya maitatangging hinahanap-hanap niya sa bawat paglipas ng mga araw.
Sumapit ang graduation nilang hindi na siya muling sinulyapan pang muli ni Eli. Inalis na rin ng dalaga ang in a relationship status nito sa fb at blinocked ang binata. Nagbago na rin ito ng cellphone number. Sinabihan na din niya si Jayson na hayaan na lamang siya sa desisyon niyang hindi na tanungin pa ng paliwanag si Davien.
Pagkatapos ng graduation nila ay agad na hinanap ni Davien si Eli na nakita naman niya agad.
"Congrats!" Kaswal na bati niya kay Eli.
"Thanks. Congrats din sa'yo!" Sabi ni Eli saka lumapit sa kanyang ina at umuwi.
Natuloy ang trabaho ng dalaga sa ibang bansa para sa ikauunlad ng kabuhayan nila ng kanyang ina at kapatid na pinag-aaral niya na sa kolehiyo.
-
Hindi maiwasan ng binata na maamin sa sariling namimiss niya si Eli. Lahat ng ginagawa ni Eli sa kanya. Ang luto, ang yakap, ang alaga, ang halik at lalong-lalo na ang pagmamahal nito sa kanya.
"Kumusta, dude? Balita ko tumutulong ka na kay Tito Homer sa business niyo." Bungad ni Jayson na kararating lang sa coffee shop.
"Oo. Alam mo naman, mamumulubi ako kung hindi ako susunod sa mga gusto ni Dad, lalo na ngayon." Natatawanag sagot niya.
"That's good. Ito nga pala ang wedding invitation namin. I want to settle down already with the woman I love. Alam mo naman ang hirap ko. Baka makawala pa." Kwento nito.
"Yeah. Congrats sa inyo!"
"May aaminin nga pala ako sa'yo, dude. May kasalanan ako sa'yo. Hindi ko na din naman ito matatago pa gaya ng gustong mangyari ni Eli."
"Eli? Paano napasok sa usapan si Eli?" Naguguluhang tanong ni Davien.
"Ayaw niyang malaman mo pang alam na niya ang tungkol sa plano natin noon. It's about the challenge." Pag amin nito sa kanya.
"Paano niya nalaman?"
"I told her. Sorry." Mahinang sagot ni Jayson dito.
"F*ck! Kung noon mo ito inamin baka nasapak kita! Nakialam ka pa kasi! Pero salamat pa rin, dude. Dahil ngayon ko lang naisip kung gaano siya kahalaga sa buhay ko kaya hindi ko siya mabitawan noon." Pag amini niya naman dito.
"But you still have the chance para humingi ng tawad."
"Oo naman. Gusto ko pa din namang makahingi ng tawad sa lahat ng mga nagawa kong mali, alam man niya o hindi." Seryosong sagot niya sa kaibigan.
Totoong nagseseryoso na siya sa buhay. Napagtanto niyang pagod na siyang makipaglaro.
-
C13 Posted: October 5, 2017
Dedicated to Bibuying - Thanks for adding my stories to your reading list. Sana mabasa at magustuhan.
-
C13 Edited: July 11, 2021
BINABASA MO ANG
The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)
General FictionThe Playboy's Worst Downfall (BOOK 1) Written By: invisiblegirlinpink - A cliche story of a typical playboy Davien Wilder fall to an ordinary loner girl Elizabeth 'Eli' Zilva who gave him a dose of his own medicine. - Started: September 6, 2017 End...