C3: Apology
Habang break time sa school ay naisipan ni Davien na puntahan ang madalas na tambayan ni Eli na ilang linggo na niyang napapansin tuwing break time o kaya naman ay free time nito. Nagiging stalker na ito kung iisipin. Gwapong stalker nga daw siya.
Ito ay sa ilalim ng isa sa pinakamalaki at matanda na puno sa kanilang paaralan. Ilang araw na rin niyang pinag-iisipan na puntahan ito doon para gumawa ng paraan na mapansin siya nito.
"Hi." Mahinang bungad na bati niya rito.
Nakaupo ang dalaga sa maliliit na damo kaya napaangat ang ulo nito para makita si Davien na nagsalita.
"Naistorbo ba kita?" Tanong ng binata dito pero umiling ang dalaga, "So, pwede ba akong tumabi? Makikiupo lang din."
"Ba't dito?" Bored na tanong ng dalaga.
"Hindi ba pwede dito?"
"Pwede naman pero bakit sa dinami-rami ng parte ng paaralan na ito. Dito mo ba gustong makiupo?" Walang emosyong tanong ng dalaga.
"Gusto ko lang subukang maupo dito." Natatawang dahilan ng binata na kaunti na lang ay mapipikon na ito. Nagpipigil lamang.
"Sige." Tipid na sagot ng dalaga saka tumayo at pinagpag ang pwetan ng palda nito kaya nagtaka si Davien.
"Saan ka pupunta?" Angat na tanong niya.
"Ano sa tingin mo? 'Di ba't gusto mong subukang maupo dito?" Seryosong tanong ng dalaga dito na nagpakunot sa kanyang noo.
"Ang pakipot mo masyado 'no?" Nagpipigil ng pagkapikon na sabi ng binata dito.
Tatalikuran na sana ito ng dalaga dahil alam niyang hindi na maganda ang nagiging usapan nila at kahit na-offend pa siya sa sinabi ng binata, wala din naman siyang magagawa. Pero agad na nahagip ng kamay ni Davien ang braso ng dalaga.
"Bitawan mo ako." Madidiin pero walang makitang emosyong sabi ng dalaga.
"Hindi. Sagutin mo muna ako. Ba't ba masyado kang pakipot? Akala mo naman maraming nagkakagusto sa'yo. Pasalamat ka pa nga, pinagtyagaan pa kita kahit ilang beses ko ng natapakan ang pride ko!" Seryosong sabi ng binata saka ngumisi sa dalaga, "Ano bang gusto mo? Ipagsigawan ko na gusto kita para lang bumigay k--"
Malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata kaya nagulat ito at napabitaw sa pagkakakapit sa braso ng dalaga saka lang nakaalis si Eli na naiiyak sa mga narinig mula sa binata.
Ilang segundo ang lumipas bago natauhan ang binata sa mga binitawang salita dito. Sanay siyang makasakit ng tao through words pero iba ang pakiramdam niya dito.
"Sh*t!" Biglang sambit ni Davien saka ginulo ang sariling buhok out of frustrations bago bumalik ng classroom nila ni Jayson.
-
"Wrong move, dude! Wrong move." Pailing-iling na komento ni Jayson kay Davien nang maikwento nito ang nangyari.
"I know." Pabuntonghiningang saad nito.
"So, ano? Suko na ba?" Jayson asked.
"Wala ka naman makukuha sa akin kapag sumuko ako 'di ba?" Tamad na tanong nito sa kaibigan.
"Oo, pero seryoso? Sumusuko ka na nga?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Jayson. Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ni Davien at tiningnang mabuti ang mukha ng kaibigan niyang badtrip ang mukha.
"Sayang ng kotse mo, dude. Bigay mo na lang kasi sa akin." Panghihinayang nito.
"No way!" Agad na sagot ni Jayson saka ito binitawan sa balikat.
"P*t*ng*n*! Masyado talaga siyang pakipot, dude. Kaya siguro walang nanliligaw. Ni wala ngang kaibigan 'yon." Komento ni Davien.
"Alam mo? Ang dapat mong gawin ay mag-sorry sa nasabi mo para hindi ka namomroblema ngayon. Tyaka kung may balak ka man na ituloy ito, kailangan mo talagang mag-sorry sa tao. Kahit naman napagtripan lang natin siya, mali pa rin ang nagawa mo." Paalala ng kaibigan. Nakokonsensya din naman si Jayson dahil siya ang pasimuno ng lahat.
-
Ilang araw na pinag-isipan ni Davien kung mag-sosorry nga siya sa dalaga o hindi at kung papaano naman siya mag-sosorry dito. Sa ilang araw niyang pag-iisip ay ilang araw din siyang kinakain ng konsensya. Kailangan niyang tapakan ang pride niya.
'Ba't ba kasi bigla akong tinubuan ng konsensya?!'
Frustrated nitong ginulo ang buhok at napagdesisyunan ng mag-sosorry na siya dito nang matapos na ang nararandamaan niyang konsensysa. 'Di rin naman siya nito pinatulog eh. Mukhang kailangan talaga niyang gawin kung hindi baka tuluyan na siyang kainin ng konsensyang ngayon niya lang nadama sa buong buhay niya.
"P*t*ng*n*! Kabado ka ba, dude?!" Gulat na pansin ni Jayson sa kaibigan na ilang beses napahinga ng malalim dahil bumibwelo para mag-sorry kay Eli.
"Siraulo! 'Di ko rin talaga maintindihan kung bakit ko ito gagawin! T*ng*n*!" He said sighing.
"Ganyan pala ang nagagawa ng kotse ko sa'yo." Natatawang komento ni Jayson dito. Worth it naman kasing paghirapan ng lumang kotse ng kaibigan.
"G*g*!" Iritadong sagot ni Davien dito saka tumayo at lumabas ng classroom nila para hintayin sa labas si Eli ng classroom nito.
Pinagtakahan naman ng mga kababaihang nakakakilala sa binata si Davien dahil sa paghihintay nito sa labas ng classroom ng dalaga. Huling lumabas ng classroom si Eli at naka-earphone na agad ito handa ng baliwalain ang nangyayari sa mundo.
Bago pa man makalabas ng classroom ay agad ng humarang si Davien. Nagulat naman si Eli saka tiningnan lamang ang binatang nakaharang. Maingat na inalis ng binata ang isang earphone na nakalagay sa tenga ng dalaga saka tumitig sa mga mata nito.
"I'm sorry, Eli. Sorry sa nasabi ko. Alam kong nabastos kita." Mahinang sabi ng binata dito saka lang umiwas ng tingin sa mga mata ng dalaga. Tumango lamang ang dalaga saka hinawi si Davien para makadaan siya na nagpadala naman ang binata pero sumunod siya sa dalaga. Ibinalik ng dalaga ang tinanggal ni Davien na earphone saka nagpatuloy sa paglalakad, "Eli, wait." Nilingon siya nito habang naglalakad sila pero bumalik lang sa harapan ang tingin ng dalaga na parang hinayaan ang binata kung may sasabihin pa o wala na, "Gusto ko lang bumawi. Pwede ba tay--" Naputol ang sasabihin nito.
"Hindi na kailangan. Sige. Una na ako. Marami pa akong gagawin." Walang tingin-tingin na sabi agad ng dalaga dito. 'Di man lang siya pinatapos magsalita tapos iniwan pa siya dahil sa bilis maglakad nito. Parang nagmamadali pa.
-
C3 Posted: September 20, 2017
Dedicated to unasinarlyn and nolrose - Thanks for the votes in my stories. Sana mabasa niyo din ang iba ko pang stories. Hihi. God bless. ♥
-
C3 Edited: July 11, 2021
BINABASA MO ANG
The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)
General FictionThe Playboy's Worst Downfall (BOOK 1) Written By: invisiblegirlinpink - A cliche story of a typical playboy Davien Wilder fall to an ordinary loner girl Elizabeth 'Eli' Zilva who gave him a dose of his own medicine. - Started: September 6, 2017 End...