C14: The Downfall
After four years, successful businessman na si Davien. Naging maayos na rin ang pakikitungo nito sa kanyang ama.
"How about Jenny? Siya ang nag iisang anak ni Mr. Chui." His father suggested to date with on valentines day.
"No, Thanks. Hindi ko kailangan ng date, Dad." Pagtanggi niya.
"Wala ka pa bang balak mag settle down anak? You're not getting any younger anymore."
"I know, Dad. Pero wala pa talaga akong balak."
"Wala kang balak o may hinihintay ka?" Panunukso ng kanyang ama.
"Sino naman?"
"Your first love."
"Should I considered it as my first love?"
"Ano ba sa tingin mo?"
"I don't know, but she became important to me and will always be important."
"Don't worry. Kapag nagkita kayong muli, it's a chance that you shouldn't waste anymore." Nakangiting saad ng kanyang ama saka tinapik-tapik ang balikat ni Davien.
Dahil sa napag-usapan si Eli. Naisip niyang magbukas ng facebook account na matagal na niya g hindi binubuksan. Doon niya lang napansing naka-unblocked na siya sa dalaga. Na-excite siyang makita ang mga pinagbago ni Eli kahit sa mga litrato ang nito. Napakalaki ng kanyang ngiting pinuntahan ang account ng dalaga.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang masilayan ang mga ngiti ng dalaga sa pictures nito pero unti-unting nawala ang kanyang napakalaking ngiti sa mga labi nang makakita siya ng pictures ni Eli with a guy named Keirron Lagdameo. Nakarandam siya ng selos at pagkainis sa lalaking katabi at kasama nito sa mga litrato. Mukhang close na close ang dawala. Pinuntahan niya ang account ng lalaki at parang gumuho ang mundo niya nang makita niyang engaged ito kay Eli at doon niya napagtanto kung gaano pala niya kamahal ang dalagang sinayang at pinakawalan niya.
Bumalik siya sa account ni Eli at doon niya nakumpirmang engaged na nga ito dahil sa sing-sing at sa relationship status ng dalaga.
Ang dating binabaliwala niya lang pero nilalambing pa rin siya, hawak na ng iba at iba na ang nilalambing. Iba na ang minamahal at sa iba na sumasaya.
Masakit pala talagang makita ang mahal mong may mahal ng iba pero mas masakit makitang engaged na sila.
May pag-asa pa kaya siya?
-
"Zup, dude?" Bungad ni Jayson.
"Hindi na yata ako makakahanap ng katulad ni Eli sa buhay ko, dude." He ranted.
"Huh? Hindi ka na talaga makakahanap dahil nag-iisa lang si Eli. Tyaka anong nangyari sa'yo't bigla mong naalala si Eli? Nagkita na kayo?" Pagtataka ni Jayson.
Dinalaw niya ang inaanak niyang anak ni Jayson sa bahay nito kaya nakapag-usap sila. Happily married na ang kaibigan samantalang siya ay naghihintay na pala sa wala.
"She's already engaged." Mahinang sabi ni Davien.
"Sh*t! Seriously?" Gulat na sambit ni Jayson.
"Yeah."
"Mahal mo pa rin 'no?" Biglang tanong ni Jayson.
"Mahal ko pa rin? So, alam mo talagang mahal ko si Eli?"
"Oo. Kaibigan kita. Kilala kita. Hindi magiging mahalaga ang isang tao kung hindi mo mahal. Nasaktan ka noong naghiwalay kayo pero hindi mo lang naamin sa sarili mong mahal mo talaga 'yung tao."
"Mahirap pala."
"Pero pasalamat pa rin akong nagbago ka para sa sarili mo hindi para sa kung sino, dude. You really changed into a real man. Responsible ka na ngayon at hindi na kung saan-saang kama pumupunta."
"G*g*!" Natatawang sambit ni Davien saka sinuntok sa balikat ang kaibigan.
-
Kahit nasasaktan ay pinagpatuloy ng binatang pagmasdan ang mga litrato sa fb ni Eli.
'It's now or never. I have to apologize.'
Huminga ng malalim ang binata bago nagsimulang mag-type para subukang magpadala ng mensahe sa dalaga.
***
Hi,
Gusto ko sanang sabihin ito personally, but I don't think your boyfriend will let me talk to you kaya dito na lamang.
Long time no talk. Alam kong masaya ka na. Masaya ka na sa piling ng iba. You deserve it. I'm sorry for everything, Eli. For being the bad guy, for not seeing your value, for not making you feel worth it, and for taking you for granted. I'm really sorry. Hindi mo alam kung gaano ako nagsisising pinakawalan kita't nasaktan ng sobra. Niloko kita, nagsinungaling ako at nagpanggap pero alam mo ang nakakaloko? The fact that I'm not aware about my feelings for you until I realized how much I love you. Masyado akong nagpadala sa mga bagay na pansamantala lamang.
Don't feel obligated to reply on my message. I will understand why. I just want to let you know that I love you. And I will always love you. Hindi ko sinasabi ito para mahalin mo ulit o sirain ang relasyon mo ngayon pero sinasabi ko ito because I didn't get the chance to say how much I love you noong tayo pa.
Thank you for loving me and for accepting me when I can't even love and accept myself. Sana mas maging masaya ka ngayon. Take care of yourself.
***
'Sh*t! Naiyak ba talaga ako?!'
He sent it and logged out from facebook. Wala na siyang balak na makita o malaman pa kung nabasa nga ito ng dalaga o hindi.
-
"Mukhang matamlay ka yata." Pansin ng ama ni Davien dito.
"Wala lang po akong ganang kumain." Sagot ni Davien dito.
"Nabalitaan ko ang tungkol kay Eli. Actually, she sent an invitation for us." Diretsong sabi ng ama nito.
"Ikaw na lang ang pumunta." Walang ganang sabi ni Davien saka tumayo sa pagkakaupo sa dinning area, "I can't go to work right now.' Dugtong pa ng binata saka pumasok sa kwarto niya.
Napailing at napabuntonghininga na lamang ang ama nito.
Totoong nasasaktan ang binata. Sising-sisi siya sa mga nagawa niyang mali noon kay Eli. Hindi siya makapaniwalang nagawa niya ito sa babaeng ang ginawa lang ay ang mahalin siya't pahalagahan.
-
"I think you should go, dude."
"G*g*! Nang-aasar ka ba talaga?!"
"Malay mo naman mapigilan mo pa." Natatawang sagot ni Jayson, "Tyaka mas g*g* ka, dude! 'Wag ako. Alam kong gusto mo siyang makita in person. It's your chance. Sa kasal niya nga lang." He added.
"Edi sinaktan ko lalo sarili ko!"
"At least, this time hinaharap mo ang sakit. Hindi 'yong tinatakbuhan mo dati kaya siguro nakulong ka sa pagmamahal mo sa kanya na hindi mo napansin." Komento ni Jayson.
Nasa opisina sila ni Davien. Napadaan lang si Jayson para sa birthday gift ni Davien sa anak niya na hindi naibigay.
"Umalis ka na nga. Marami pa akong gagawin."
"Sige. Lunurin mo ang sarili mo sa pagtatrabaho. Mukhang effective way 'yan ng pag-mo-move on mo." Patawa-tawang pang-aasar ni Jayson dito bago lumabas ng opisina ng kaibigan.
-
C14 Posted: Octover 6, 2017
Dedicated to RosanaPianoCabuquid and alonamarino - Thanks for the votes and for reading my stories. Hihi. God bless.
-
C14 Edited: July 11, 2021
BINABASA MO ANG
The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)
General FictionThe Playboy's Worst Downfall (BOOK 1) Written By: invisiblegirlinpink - A cliche story of a typical playboy Davien Wilder fall to an ordinary loner girl Elizabeth 'Eli' Zilva who gave him a dose of his own medicine. - Started: September 6, 2017 End...