C7: Go With The Flow

772 31 2
                                    

C7: Go With The Flow

"Wala ngang nangyari sa amin!" Tanggi ni Davien sa pang-aasar at panunuksong tingin ni Jayson sa kanya. Hindi ito naniniwala.

"Maniwala. Walang babaeng nakatabi mo na hindi ka naka-score." Patawa-tawang kumento ng kaibigan nito.

"G*g*! Bahala ka." He said out of frustrations.

"Pero nahalikan mo."

"Iba naman 'yon. Nagulat din akong ginawa ko 'yon tyaka nag sorry naman ako." Nangingiting sabi naman ni Davien.

"Ul*l!"

"Tumahimik ka nga! Mamaya may makarinig sa'yo tapos kumalat na may nangyari sa amin kahit wala naman talaga. Kawawa siya."

"Kawawa?" 'Di makapaniwalang tanong ni Jayson saka tiningnan ng mabuti ang kaibigan na nakatutok sa cellphone, "Kailan ka pa naawa sa babae, dude?"

Tumawa lang ito saka tinulak papalayo si Jayson mula sa pagkakalapit sa kanya.

"Tinawanan lang ako nito. 'Di maalis-alis ang mga mata sa cellphone ah. Don't f*ck*ng tell me si Eli 'yan!" Natatawang puna pa ni Jayson dito.

"Shut the f*ck up, dude." Nangingiting sabi nito sa kaibigan.

"G*g* ka talaga, dude! Tigilan mo nga muna 'yang cellphone mo. Sagutin mo mga tanong ko." Sabi ni Jayson saka humarap mismo kay Davien na busy pa rin sa cellphone kaya kinuha ni Jayson.

"F*ck! Give my back my phone!" Biglang sambit naman ni Davien dito.

"Nag eenjoy ka talaga sa ginagawa mo 'no?" Paninigurado ni Jayson.

"F*ck! Of course!" Agad na sagot nito saka inagaw kay Jayson ang cellphone niya kung saan katext niya doon si Eli na nangingiting mag-isa sa classroom nila.

-

"Hi." Nakangiting bati ni Davien kay Eli nang makalabas na ito sa classroom.

Ngumiti lang ang dalaga dito saka kinuha ng binata ang bag niyang dala na kahit ayaw ni Eli na ipadala ay dinadala nito. Iba ang epekto ng mga ngiti ng dalaga sa kanya. Nbubuo ang araw niya kapag nakikita niya itong nakakiti.

"Anong gusto mong meryenda?"

"Ipagluluto mo ba ulit ako?" Nakangingiting tanong ng binata dito habang naglalakad sila papunta sa parking area ng paaralan.

"Kung gusto mo para 'di mo ako laging nililibre. Nakakahiya kaya."

"No worries."

Nakatulog si Eli sa habang nasa byahe sila ni Davien kaya nang makadaan sila sa isang fastfood chain ay nagpa-take out na lamang ang binata para sa kanila.

Nang makarating sa apartment ng dalaga ay hindi muna ito ginising ng binata. Pinagmasdan niya muna ang dalaga na para bang isa sa pinakamagandang babaeng napagmasdan niya sa buong buhay niya.

"Hala! Nandito na pala tayo! 'Di mo naman ako ginising!" Gulat na sambit ng dalaga nang magising siya. Natawa lamang ang binata saka napailing-iling sa reaksyon ng dalaga.

Pababa na sana ang dalaga nang pigilan siya ni Davien gamit ang paghawak sa kamay niya kaya binalingan niya ito ng tingin na may pagtataka.

"Wait!" Agad na sabi ng binata dito na nagingiti ang mga labi kasama ang mga mata.

"Bakit?" Tanong na biglang tawa naman ng dalaga dito.

"Pwede bang maging tayo na?" Seryosong nakatingin ang binata sa mga mata ng dalagang inatake na ng kaba.

"Huh?"

"I mean kung pwede lang naman pero kung hindi pa. It's fine with me." Malumanay na paliwanag ng binata dito.

Dahan-dahang ngumiti ang dalaga dito saka biglang hinalikan ng dalaga ang pisngi ng binata na nagulat kaya 'di na nakapag-react agad nang bumaba na ng kotse ang dalaga.

'Sh*t! What does it mean?'

Pagkauwi na pagkauwi ni Davien ay agad niyang tinawagan ang kaibigabg si Jayson at parang puno ito ng excitement na ibinalita dito ang nangyari. Hindi naman siya ganoon ka makwento pero ang mga ganitong pangyayaring kinasasabikan niyang ikwento ang madalas niyang maikwento sa kaibigan.

"Edi kayo na nga?" Gulat na tanong ng kaibigan nito.

"Hindi ako sigurado, dude. Gano'n na ba ang meaning no'n?" Tanong nito sa kaibigan.

"Woah! Ikaw ang expert sa pambobola at pagpapasakay sa mga babae ah. I can't believe na hindi mo malagyan ng meaning ang simpleng sitwasyon mo ngayon." Patawa-tawang pang-aasar ni Jayson dito.

"G*g*!" Sabi na lamang ni Davien dito saka tinapos ang tawag. Hindi talaga siya sigurado sa sagot ng dalaga sa kanya pero masaya siya. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nadarama.

-

Sa kalagitnaan ng gabi habang mahimbing na natutulog si Eli sa kanyang apartment may biglang sunod-sunod na kumatok sa kanyang pintuan kaya bigla siyang nagising at inaantok na bumangon.

"Sino po sila?" Humihikab na tanong ng dalaga dito saka binuksan ang unang lock ng kanyang pintuan kung saan masisilip kung sino ang tao sa labas.

Agad na nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang si Davien ang tao sa labas kaya binuksan niya agad ang kanyang pintuan.

"Anong nangyari?" Gulat na tanong niya dito na para bang nagising ang kanyang inaantok na diwa dahil sa nakita, "Pasok ka muna. Amoy alak ka pa." Puna niya dito.

Agad na naupo si Davien saka akmang aalis ang dalaga para kunan ito ng tubig pero agad na hinawakan siya ng binata kaya napigilan siya nito.

"Dito ka lang." Mahinang sabi ng binata saka niya ito tinabihan.

Hinawakan ng dalaga ang magkabilang pisngi ng binata saka pinagmasdan ang pumutok na labi ng binata.

"Napaaway ka ba?" Pag-aalala ng dalaga.

"My Dad punched me." Mahinang sagot ng binata saka umiwas ng tingin sa dalaga.

"Sandali. Kukunin ko lang ang first aid kit ko sa kwarto." Tarantang sabi ng dalaga pero hindi ito pinaalis ng binata. Hinila siya ng binata at yinakap.

"Let me stay here for a while." Bulong ng binata.

"Matutulog ka dito?" She asked saka kumurap-kurap.

"Yes. Can I sleep here again?"

"S-sige." Sagot na lamang ng dalaga. Bakit ba siya nauutal?

Katulad noong una nilang pagtatabi sa maliit na kama ng dalaga na naging tahimik, this time kumportable na ang binatang makatulog na tabi ang dalaga. She let him hugged her from behind. Buti na lamang may baon laging pamalit ang binata sa bag nito kaya nakapagpalit siya. Masama ang loob nito sa ama. Si Eli ang naging hingahan sa mga oras na ito at mukhang mapapadalas na ito.

Kinakabahan naman ang dalaga ngayon sa pagtatabi nila. Nahihirapan siyang huminga ng maayos. Pinapakalma niya ang puso niyanh napakabilis ng tibok. Dama din niyang kabado ang binata. Malalim ang paghinga nito na naririnig niya dahil sa lapit nila sa isa't-isa.

-

C7 Posted: September 30, 2017

Dedicated to dec061985 and lailaidthehappyname - Thanks for the votes and for reading my stories! ♥

-

C7 Edited: July 11, 2021

The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon