C4: Stop or Continue

842 34 1
                                    

C4: Stop or Continue

Ipinagpatuloy ni Davien ang pag ngiti kahit hindi bukal sa kalooban niyang ngumiti sa dalagang ni minsan 'di siya nginitian pero at least kinausap na siya nito.

"Good morning, Eli!" Bungad na bati ng binata dito na tumingin lang sa kanya saka pumasok ng classroom. Ganoon na ang gawain ni Davien tuwing umaga. Inaabangan niya itong makapasok sa classroom at makalabas din kahit para makapag bye lang dito bago umuwi. Kahit ang totoo niyang pakay ay ang mayaya itong kumin sa labas kahit magkape lang sila.

Napapagchismisan na rin ang dalaga dahil sa ginagawang pang-di-deadma nito kay Davien. Pinag-uusapan na din naman ang effort na inilalaan nito sa dalaga kahit hindi siya nito talaga pinapansin.

Punong-puno ng frustrations ang binata sa bawat araw na lumilipas na paulit-ulit lang ang nangyayari at walang improvements.

"Hi, Eli!" Nakangiting bati niya sa dalagang maraming dalang libro kaya agad niya itong tinulungan kahit hindi ito nagpapatulong.

"Kaya ko na." Pagtanggi nito sa tulong.

"Hindi. Okay lang naman." He insisted.

"Salamat." Mahinang sabi ng dalaga nang mailapag na nila ang mgalibrong dala niya sa desk niya sa classroom na naging dahilan para pagtinginan pa sila ng mga kaklase ng dalaga.

-

Kung dati ay mas madalas kasama ni Davien ang kaibigang si Jayson tuwing break time at free time, ngayon ay parang isa siyang stalker sa kakasunod sa kung saan tatambay si Eli para makatyempo na makausap ang dalagang walang alam gawin kundi ang magbasa ng libro at makinig ng music kaya nakakatakot maistorbo.

Ngayon ay nasa school library siya dahil kay Eli na nagbabasa doon. Sakto namang puno na at wala ng ibang maupuan kundi bakanteng upuan lang sa harapan ni Eli na walang nagtatangkang umupo.

"Makikiupo." Mahinang sabi ni Davien dito na tiningnan lang siya ng dalaga saka ibinalik ang mga mata sa binabasa. Lumipas ang ilang minuto saka naisipan ng binatang magtanong para makapagsimula na ng usapan, "Eli.." Mahinang tawag niya dito.

"Hmm?"

"Pwede ba tayong mag-usap pagkatapos mo magbasa?" Malumanay at pabulong na tanong ng binata.

"Bakit? 'Di mo pa ba ako kinakausap?" Walang tingin-tingin na tanong ng dalaga dito.

"May itatanong lang kasi ako."

"Bakit? 'Di ka pa ba nagtatanong sa lagay na 'yan?" Pamimilosopo ng dalaga.

'F*ck! Why am I doing this again?!'

" 'Wag ka sanang magalit."

"Bakit? Kagalit-galit ba ang itatanong mo?"

"Hindi naman pero kasi baka magalit ka pa rin."

"Itanong mo na habang 'di pa ako nagagalit." Walang ganang sagot ng dalaga saka sinara ang librong binabasa niya na may book mark na kulay blue at may pink lace sa dulo nito.

"Ano.." Nagdadalawang isip na simula ng binata, "..T-tomboy ka ba?"

Seryoso siyang tiningnan ng dalaga.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Nagtataka lang ako kung bakit hindi mo ako magustuhan." Mahinang sagot ng binata.

"Kung sasabihin ko bang tomboy ako, titigilan mo na ako?"

"Tomboy ka nga?" Gulat na tanong ng binata pero mahina pa rin ang boses nito dahil nasa library pa rin sila.

Tumayo ang dalaga nang hindi man lang sinasagot ang huling tanong ng binata kaya napatayo na rin ang binata saka sumunod dito palabas ng library.

"Eli!" Tawag pa ng binata dito. Tumigil ang dalaga sa paglalakad saka bumuntong hininga bago humarap sa binatang humahabol sa kanya.

"Davien Heston Wilder, ano ba kasing trip mo?" Puno ng lakas ng loob na tanong ng dalaga dito.

Napayuko ang binata saka nagkamot ng batok at nahihiyang tumingin sa dalaga.

'Kung pwede ko lang sabihin sa'yong para ito sa kotse. Sasakyan mo pa kaya ako?'

"Eli, kasi.." Mahinang panimula ng binata, "Gusto ko kita noon pa man. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para gumawa ng hakbang na makausap ka at masabi ko sa'yong gusto nga kita."

And for the first time Eli laughed so loud na nakaagaw ng atensyon ng ibang mga estuyanteng nadadaanan sila. Napahawak pa ito sa tyan sa kakatawa.

"Sorry, sorry! Nakakatawa ang joke mo!" Natatawa pa ring sabi ng dalaga saka tinalikuran ang binata at naglakad ng muli na sinabayan ng binatang sinasaloob ang galit dahil parang napahiya siya doon. Ito pa naman ang unang beses na umamin siya sa isang babae kahit hindi naman ito bukal sa kalooban niya.

"Hindi 'yon biro." Seryosong sabi ng binata habang naglalakad sila.

"Hindi?" Napalingon na tanong ng dalaga rito, "Sige nga. Ipaliwanag mo kung paano at bakit mo magugustuhan ang isang katulad ko? Don't tell me na gumagaya ka sa isang fictional character na nagkakagusto sa isang simpleng babaeng katulad ko? Kahit kilala ka na napakaraming babaeng nagkakagusto sa'yo na napaglalaruan mo pa nga eh. Don't get me wrong, I'm not judging you. Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi naman ako ipinanganak lang kahapon para hindi ko malaman 'yon. High school pa lang tayo 'yon na ang gawain mo. Sorry for being straight forward pero ito lang yata talaga ang paraan pata tigilan mo na ako, Davien. Wala kang mapapala sa akin." Dire-diretsong sabi ng dalaga dito saka iniwan ang binatang nakatanga sa mga sinabi ng dalaga.

-

"Sapul ka doon, dude. Mukhang stalker mo siya. Ba't niya alam 'yon?" Natatawang kumento ni Jayson sa kwento ni Davien na bad mood nanaman dahil sa nangyari kanina. Kaunti na lang masuntok niya ang lahat ng nakakasalubong niya sa inis.

"Failed nanaman! P*t*ng*n*! Maawa ka naman sa akin, dude!" Pagrereklamo ni Davien dito.

"Eh sa mga naloloko mo ba? Naaawa ka?" Natatawang tanong ni Jayson.

"Wow, dude! Parang 'di mo na ranasan ah! Ikaw pa nga itong nakaimpluwensya sa akin!" Dahilan nito.

"Natuto na ako, dude. Iisang babae na lang ang binabalik-balikan ko ngayon. Alam mo 'yan. Magsasawa ka din."

"Never!" Nakangising sabi ni Davien dito.

Back to zero again. Plano nanaman para sa goal niyang kotse ng kaibigan. It's been five months simula noong nakumpiska ng kanyang ama ang kanyang sasakyan na hindi niya naman basta-bastang mapapalitan dahil kulang pa ang buong allowance niya sa ATM niya para makabili ng bago. Binabaan din kasi ng ama niya ang kanyang allowance nagbabakasaling tumino ang anak pero mukhang impusibleng tumino ito.

-

C4 Posted: September 20, 2017

Dedicated to PrettyLea22, MadelynAquino6, and RizaLacsina9 - Thanks for the votes. Hihi. God bless. Keep on voting and reading my stories.

-

C4 Edited: July 11, 2021

The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon