C8: Unidentified Feelings

773 31 8
                                    

C8: Unidentified Feelings

Pangatlong araw ng nananatili si Davien sa apartment ni Eli na hinahayaan lang ng dalaga dahil naaawa siya sa kalagayan ng binata ngayon lalo na't may problema ito sa ama.

" 'Di ka naman nilalagnat, dude?" Tanong ni Jayson kay Davien.

"Ba't naman ako lalagnatin?" Natatawang sabi nito na nakatutok sa paglalaro sa cellphone.

"Kasi nakakatiis ka na." Pang aasar pa nito sa kanya.

"Saan?" Kunot noong tanong nito na hindi binabalingan ng tingin ng kaibigan.

"You know what I mean."

"I don't know."

"Maybe you're in love with her." He concluded.

"F*ck! Of course not!" Patawa-tawang sagot agad ni Davien dito.

"How sure are you?"

"I don't even know what love is." Dahilan ng binata. Ano nga bang alam niya sa pagmamahal?

"Tigilan mo na kaya siya? Mas naaawa ako sa'yo kaysa sa kanya eh." Biglang seryosong sabi ni Jayson.

"Gustuhin ko man tumigil, hindi ko magawa." Mahinang sagot ni Davien.

'I just can't. Can't let her go right now and I don't know why I can't.'

Minsan hindi maiwasan ng binata na mapaisip kung bakit hindi niya kayang bitawan ang dalaga at kahit anong isipin niya ay hindi niya pa rin ito mabigyan ng kasagutan.

Naging mas kumportable sila sa isa't-isa. Nagagawa na niyang magkwento ng tungkol sa pamilya niya at ganoon din naman ang dalaga sa kanya. Sa buong buhay ni Davien ay ngayon lamang siya nakahanap ng babaeng hindi siya nagdadalawang isip na magkwento ng tungkol sa buhay niya at ngayon lamang siya nahiya sa mga kalokohan niya noon na minsan na lamang niyang gawin ngayon ng patago sa lahat maliban sa kaibigang si Jayson.

-

"Anong gusto mong ulam?" Tanong ni Eli habang nagda-drive si Davien.

"Hmm? Chicken adobo." Nangingiting sagot nito.

"Eh kakapork adobo lang natin kahapon ah." Natatawang puna ng dalaga.

"Pork 'yon. Chicken naman ngayon." Dahilan nito na para bang bata.

"Sige na nga. Ikaw naman ang gumagastos." She said smiling. Nai-enjoy niya ang pagluluto dahil gusto niyang ipagluto ang binata.

"Ikaw naman ang nagluluto eh tyaka nakikituloy ako sa'yo." Natatawang dahilan ng binata.

"Wala ka pa rin balak kausapin ang tatay mo?" Tanong ng dalaga na walang isinagot ang binata, "Pwede naman kitang samahan, Davien. Kung 'di mo kaya. Anak ka pa rin naman niya at ama mo pa rin naman siya." Nanahimik lang ang binata. Napabuntonghininga na lamang ang dalaga saka hinawakan ang isang kamay ng binata, "Nandito lang ako, Davien. Handang makinig at handang damayan ka." Mahinang sabi pa ng dalaga.

Pagdating nila sa apartment ng dalaga ay tahimik pa rin ang binata. Nagsimula na lamang magluto ng hapunan ang dalaga.

Maya-maya'y nagulat ang dalaga nang maramdaman ang dahan-dahang pagyakap ng binata mula sa kanyang likuran. He inhaled her scent na nagpataas ng mga balahibo ng dalaga. Sinalakay nanaman siya ng mabilis na tibok ng kanyang puso. Nag aalala ang dalaga na baka marinig ito ng binata.

Aalisin na sana niya ang mga brasong nakapulupot sa baywang niya pero pinigin siya nito at mas lalo lamang humigpit ang yakap ng binata.

"Just let me hug you." Bulong ng binata.

Sa bilis ng tibok ng puso ng dalaga para na siyang nahihirapa nanamang huminga. Makalipas ang ilang segundo ay dahan-dahang hinarap ng binata ang dalaga saka tinitigan sa mga mata na may pakikiusap na hindi malaman ng dalaga kung anong ipinaparating niya.

"I'm sorry. I just have to do this bago pa ako mawala lalo sa sarili." Biglang sabi nito at bago pa man makapagsalita o makapagtanong ang dalaga ay agad ng sinakop ng mga labi ng binata ang mga labi ng dalaga.

Ilang segundo ang pagdampi ng kanilang mga labi saka dahan-dahang gumalaw ang mga labi ng binata sa mga labi ng dalaga na nanghina sa ginawa ng binata.

The kiss was slow and passionate na hindi mapigilan ng dalagang tumugon dito kahit hindi ito marunong. She just followed how Davien's lips moves on her lips.

Parang nagkaroon sila ng sarili nilang mundo kung hindi lang naamoy ng dalaga ang muntik-muntikan ng matutong na adobo hindi pa sila titigil. Namumula ang mukha ng dalaga habang naghahanda ng hapunan nila sa hapagkainan. Hindi naman maintindihan ng binta ang sarili kung bakit sa dinami-dami ng babaeng nahalikan niya, ang mga labi ng dalaga ang pinakagusto niyang balik-balikan.

-

Nanatili pa ng ilang araw ang binata sa apartment ng dalaga saka na umuwi. Matagal silang nagkasama kaya nasanay na siya.

"Kumusta ang eyebag mo, dude? Ano nanaman ang pinagpuyatan mo?" May pang-aasar na tanong ni Jayson.

"F*ck! Ang sakit ng ulo ko." Daing ni Davien saka minasahe ang noo niya.

"Pang ilang araw mo na bang nilalamayan ang nararamdaman mo?" Pang aasar ng kanyang kaibigan.

"G*g*! Anong nararamdaman?" Iritadong tanong ni Davien dito.

" 'Di pa umamin 'to. Sa akin ka pa magtatago ah." Pang-aasar ng kaibigan nito.

"Ano ba kasi pinagsasabi mo?" Inosenteng tanong nito.

Tagalang walang alam si Davien sa pinararating ng kaibigan niya.

"Dude, itanong mo 'yan sa sarili mo. Sarili mo lang makakasagot. Tinatanggihan mo din naman lahat ng sanasabi ko." Kumento ni Jayson.

"Lakas ng tama mo 'no? Ba't 'di mo kinukulit ang love of your life? Kaysa ako ang pinagdidiskitahan mo?" Pang aasar naman niya dito.

"At matutulog ka sa klase?" Natatawang sabi ng kaibigan nito, "Tyaka nakafocus kami sa pag-aaral ngayon. Hindi na kami pwedeng mag-usap kapag nasa klase." Dahilan pa nito. Proud na proud sa relasyon nila ng kasintahan.

Pumikit na lamang si Davien at nanahimik.

'Ba't kasi hindi na ako sanay na walang katabi sa pagtulog?! P*t*ng*n*!'

Wala naman siya talagang nakakatabi sa pagtulog. After he f*ck*d someone iniiwanan na niya agad ito at hindi siya ang tipo ng taong sasamahan pa ito makatulog at magising na magkasama pa rin sila sa kama.

Ano na nga ba ang nararamdaman niya para sa dalaga? Paano niya kaya madidiskubre ito? Ano namang magagawa niya kung madiskubre ang tunay niyang nadarama? May magbabago ba? Magbabago ba siya? Kaya niya ba? Baka naman alam na niya ang tunay niyang nadarama, hindi lang niya maamin sa sarili niya.

-

C8 Posted: October 2, 2017

Dedicated to these cute wattpadders,

DyosangTinTin
PreciousLove
Meensheen
RedBlood_fox
ZhimeAyhen

Sana mabasa niyo ito. Hihi. Happy reading! God bless.

-

C8 Edited: July 11, 2021

The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon