C6: First Kiss

785 37 0
                                    

C6: First Kiss

"G*g* ka talaga, dude!" Natatawang bungad ni Jayson kay Davien nang makapasok sa classroom nila.

"Bakit?"

"It's been one week since nakuha mo ang gusto mong kotse galing sa akin. Eh ba't 'di mo na tinigilan si Eli? Mukha ngang nag-eenjoy ka pa." Kumento nito sa napapansin.

"It's for me to keep and for you to f*ck*ng shut up, dude." He replied.

"Baka magkaproblema ka diyan, dude." He warned.

"Ako ang bahala. Nakakatuwa nga eh. Mapupuntahan ko siya sa apartment niya kung kailan ko gustuhin kasi nasa probinsya nila ang buo niyang pamilya!" Nakangising sabi ni Davien.

"At sasamantalahin mo ang pagkakataon? Mahirap 'yan. Hindi si Eli katulad ng mga babae mo." He warned with a concern look.

"For the record, dude. Kailangan kong mapakinabangan ang pinaghirapan ko. Mag pipitong buwan rin ang paghihirap ko." Dahilan niya rito.

"Hindi ka naman nahirapan. Madalas ka lang masupalpal at mapahiya." Natatawang kumento ni Jayson saka napailing-iling. Ayaw niyang isipin ang mga pusible mangyari sa kaibigan.

-

Tuwing uwian ay nakaabang na si Davien sa labas ng classroom nila Eli. Hinihintay ang dalaga para maihatid niya. Madalas na niya itong ihatid pauwi at minsan lang sila magsabay papasok ng paaralan dahil may ibang agenda ang binata tuwing gabi na naabutan ng madaling araw o umaga na kaya madalas na ma-late ang binata sa first class nito.

"Nauna na si Jayson?" Kumportableng bungad na tanong ni Eli nang makalabas ng classroom nila.

"As always." Tipid na sagot ng binata.

Minsan kasi ay magkasama ang magkaibigan kapag maghihintay kay Eli si Davien saka lang sila maghihiwalay sa parking area.

Ang binata ang nagbuhat sa bag ni Eli na puno ng libro na nakasanayan na rin ng binata. It's been two months since he decided to pursue courting Eli kahit tapos na ang usapan nila ni Jayson.

Friends na rin sila sa facebook ngayon kung saan pareho silang hindi ganoon ka-active doon. May cellphone number na din sila ng isa't-isa pero nasa mahahalagang tao ang numero ni Eli sa isang simcard ng binata na bilang lang ang nakalagay na numero. Hindi niya itinuturing na isa sa mga paburito niyang babae si Eli, hindi niya alam kung ano ito pero sigurado siyang nag iisa lang si Eli sa mundong ito.

Mabait si Eli kaya ang konsensyang tumubo noon sa kanya ay nadadagdagan pa habang tumatagal na nagkakasama sila na hindi man lang ina-acknowlege ng binata sa sarili niya.

"Maupo ka muna." Sabi ni Eli nang makapasok sila sa apartment nitong hindi kalakihan sakto lang sa isang tao. Ilang beses na din namang nakapasok dito si Davien.

Walang tv at radio kaya medyo boring sa loob. Buti na lamang may cellphone na laging naka-music.

"Saan ka pupunta?" Biglang tanong ni Davien dito nang papalabas na sana ng pintuan si Eli.

"Bibili ako ng meryenda."

" 'Wag na. Nagpadeliver na ako. Umuulan eh."

" 'Di mo nanaman sa akin sinabi."

"Eh nagbibihis ka." Dahilan ng binata.

Nakinig lang sila ng music habang hinihintay ang pagdating ng pinadeliver na pagkain.

"Gusto mo bang kape muna?" Tanong ng dalaga dito.

"Iba gusto ko."

"Anong gusto mo? Ba't ba parang 'di ka mapakali diyan? Masakit ba ang upuan?"

The Playboy's Worst Downfall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon