Kiefer POV
Unang araw ng klase ngayon.Excited ako kasi makakapaglaro na naman ako ng basketball.
Pagpasok ko sa room andun na yung mga kaibigan ko. Si Kobe at Von.
Tumabi ako sa kanila. Kwentuhan lang nung nagsalita yung teacher namin.
Magpapakilala daw sa harap.Una yung girls.
Hindi naman ako intresado kaya nakipag-usap na lang ulit ako kila Von.
Pero may isang naka agaw ng pansin ko.
Matangkad sya pero mas matangkad ako,maganda siya pero di sya kaputian at payat siya.Pero yung smile niya nakakahawa.
Natulala ako kaya di ko tuloy arinig kung anong name nya.
Diko na rin tinanong kila Kobe. Iintrigahin na naman ako ng dalawang to eh.
Mabilis lumipas ang oras.
Tapos na pala ang klase."Mga bro tara sa gym.Andun sila kuya Robi.Sali tayo laro basketball." sabi ni Kobe. Si kuya Robi kapatid nya at 4th yr na.
"Tara." sabi ko.
Nakipaglaro kami sa kanila.
Tapos may dalawang pumasok din dito sa gym.
Parang kaklase namin yun ah. Sila pala yun.
Ano naman gagawin nila dito? panunuorin ako? sige assume pa kief sabi ng utak ko.
Pagkatapos namin maglaro.Nakita ko ung volleyball team naglalaro.At nandun din yung dalawa kong kaklase.
Nakita ko kung pano siya pumalo.Ang lakas niya at ang galing.
Nag-uusap usap na sila.
Pero bigla kong tinuro nung isa kaya nag iwas agad ako ng tingin.Napansin ata nila Von na nakatingin ako dun kaya ito inaasar na naman ako.
"Crush mo yun no.?" tanong ni Kobe
"Sino? kunwari dko alam kung sino tnutukoy nila para malaman ko na name nya.
"Ayun oh si Alyssa." Alyssa pala pangalan niya.
"Di ah.Di ko siya type."
"Okay.Sabi mo eh." si Von
Nag-aya na akong umuwi para matigil na sila.
Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si mama.Naghahanda ng meryenda.
"HI ma." halik sa pisngi
"Anjan kana pala." si mama. Sya ang mama ko si Mozzy Ravena. Si papa naman ay si Bong Ravena.Isa siya player ngayon sa PBA.
"San sila Thirds ma?
"Nasa garden.Halika at dun na tayo sa garden mag meryenda." aya ni mama.
Pagsapit ng gabi.
Nasa kwarto ko na ako. Nagcheck ako ng Fb ko. At may bago ang friend request.Ito ung kaibigan ni alyssa ah.Kaya ayun inaccept ko.
Tinignan ko din kung nasa friendlist nya niya si alyssa.
Nung makita ko.Iaadd friend ko sana pero wag na lang nga. Next time na lang.
Ilang linggo na din ang lumipas
Naging maganda naman ang takbo ng oras.
Okay naman sa school.
Pero may Ly? ayun di pa kami nakakapag-usap.
Kakausapin ko nga sana minsan.Kaso mukhang masungit eh.
YOU ARE READING
My First Love
FanfictionFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...