Chapter 6

488 14 0
                                    

Nandito na ako sa room ko.Natapos ko na din lahat ng bome works ko .

Naboboring ako kaya kinuha ko yung gitara ko.

Pero biglang tumunog yung phone ko.

Pagkacheck ko may nagtext at unregistered #.

Nireplyan ko pero nakakainis kasi mukhang wala ata siyang magawa sa buhay niya kaya ako ung napagtripan niya.

Sakto namang tinawag ako ni kuya para kumain.Iniwan ko yung phone ko sa kwarto.

"Kumusta naman pag-aaral niyo?" tanong samin ni papa.

"okay lang naman po pa." sabi ni kuya

"Ikaw Ly?"

"Okay lang din po pa.Masaya kasi madami na po akong naging kaibigan."

"Akala ko madaming manliligaw." pang-aasar ni kuya

"Anong manliligaw kuya? Bata bata ko pa no."

"Tama yan nak.Aral muna ha!" sabi ni mama

"Oo naman po ma."

Pagkatapos naming nagdinner tinulungan ko lang si mama magligpit.

Bumalik na ako sa kwarto ko.

Chineck ko yung phone ko.At may message na nman yung bwesit na stranger.

"Si Kiefer to." sabi sa text.

Oh san nman kaya nakuha ng mokong na to tong # ko.

At bat kaya sya magtetext sakin?

"San mo nakuha no. ko?"

"Magagalit ka naman yata kung sasabihin ko."

"Hindi.Sino na?"

"Si Ella."

Talaga naman tong Ellapante na to.Humanda siya sakin bukas.

"Okay." sagot ko.

"Di ka galit?" tanong niya ulit

"Pag ba nagalit ako may mababago ba? wala naman diba? nakuha mo na no. ko ."

"Galit ka eh.Sige na nga dna ko magtetext sayo.Sorry na.Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo eh."

Di ko na sana rereplyan.Pero nireplyan ko pa din.

"Di nga kasi ako galit.Kulit naman ng lahi nito oh.Okay na.Friends na tayo."

"Hahaha.Friends."

"Sige na goodnight na.May pasok pa bukas."

"Okay goodninght Ly.Salamat.See you tom :)."

Di ko na siya nireplyan kasi inaantok na ako.

KIEFER POV

Kinabukasan...

Maaga akong nagising kaya maaga din akong papasok.

"Aga mo naman Kief." sabi ni mama

"Siguro may inaabangan sa school nila yan." sagot naman ni Papa

"Wala pa ah.May gagawin lang kami."

"Hahaha.Ikaw naman binibiro lang kita.Defensive mo manong." si papa

Binilisan ko na lang kumilos para makaalis na ako sa bahay.

Pagdating ko sa school.Wala pa masyadong studyante.

Dumiretso na ako classroom.

Pagkaupo ko.Pumasok naman si Ly.

Nagulat ako kasi ang aga din niya.Kaming dalawa pa lang ang nasa room.

Hindi ko alam kung papansinin ko ba siya at kakausapin.

Kakausapin ko na sana ng bigla siyang magsalita.

"Hi Kief. Aga mo naman."

"Ikaw din naman ah." sagot ko

"Sabi ko nga." sabi niya ng nakangiti.

"Bait mo ata ngayon.Pinapansin mo na ako."

"Diba friends na tayo? Kaya pinapansin na kita."

Mabait naman pala to eh.

Nginitian ko na lang siya. Speechless ako eh.

Nakakapanibago lang na nag-uusap na kami ngayon.

My First LoveWhere stories live. Discover now