Naging routine na namin ni Kief yung susunduin niya ako sa bahay pag papasok na kami sa school.
Lagi din kaming nagsasabay kumain ng lunch kasama ang barkada.
Tuwing weekend naman namamasyal kami.Minsan kaming dalawa lang minsan naman buong barkada.
Minsan din nagpupunta siya dito sa bahay.Tulad ngayon nandito sila ni Dani.
"Hi ate Ly.I miss you po." bati ni D sakin sabay yakap
"Hi baby D. I miss you too." Niyakap ko din siya
"Nagtatampo na ako minsan sayo ate kasi di parang di mo ko namimiss.Lagi na lang kayo ni manong ang magkasama." nagtatampo niyang sabi
"Namiss kita.Busy lang si ate minsan kaya di tayo nagkikita.Ang cute cute cute mo talaga." sabi ko sabay kurot sa magkabila niyang pisngi
"Ate masakit."
"Ohh..Sorry.Babawi ako sayo.Mamamasyal tayo ngayon."
"Talaga ate?" tuwang tuwa na tanong niya
"Oo naman."
"Tss.Echapwera na naman ako." pagpaparinig samin n Kief
Di naman namin siya pinansin ni Dani.
"Wait lang D ha magbibihis lang si ate tas aalis na tayo."
"Okay ate.Take your time po."
Umakyat naman ako sa kwarto para magbihis.Pagkatapos bumaba na ako .
"Tara na?" tanong ko
"Tara ate" tumayo na din si Dani
Nilingon ko naman si Kiefer kasi di siya tumatayo sa kinauupuan niya.
"Tara na Kief?"
"Kasama ba ako?Akala ko kasi hindi eh.Di niyo nga yata naalala na na nandito ako."
"Sus manong arte mo.Tara na." hinila naman na siya ni Dani
Naagdesisyonan naman namin na sa Enchanted Kingdom na lang kami pupunta.
Pagdating namin dun,hila hila ako ni Dani.Excited na daw kasi siya sumakay sa mga rides.
"Dahan daham Dans.Nasasaktan na yata ate mo oh.Di ka naman tatakbuhan ng mga rides." suway ni Kief
Sumimangot naman si Dani
"Hayaan mo yang manong mo D,minsan talga KJ yan."
Tumawa naman si Dani tsaka niya binelatan si Kief.
"Sige magkampihan kayo." sabi naman ni Kief samin
Hinawakan ko na lang yung kamay niya tsaka ko siya nginitian kaya wala na siyang nagawa.
Nag-umpisa na kaming sumakay ng mga rides.
Nung medyo napagod na kami tumigil na kami.Buti nga sumuko na tong si Dani e.
"Okay ka lang Ly?" tanong ni Kief
"Okay lang.Medyo nahihilo lang ako."
"Oh ito tubig inom ka muna". sabay abot sakin ng tubig"Ikaw Dani,okay ka lang din?"
"Okay lang ako manong.Pero nagugutom na ako." sabi ni Dani sabay himas sa tiyan niya
"Pahinga muna tayo unti tsaka tayo kakain". -Kief
Nung nakapagpahinga na kami naghanap na kami ng malapit na kainan.
Pagkatapos naman naming kumain.Nagyaya na akong umuwi kasi pansin ko mukhang pagod na pagod si Dani at inaantok.
Hinatid naman nila ako.
"Thank you ate Ly.Nag-enjoy po ako." sabi ni D
"Mabuti naman kung ganun D." sabi ko ng nakangiti.
"Next time ulit ate ha."
"Oo naman.Pag may time pasyal ulit tayo."
"Sige na Dani una ka na sasakyan.Usap lang kami ni ate Ly mo saglit." sabi ni Kiefer
"Sige manong.Bye ate Ly.Salamat ulit. Lab you ate." sabay yakap at halik sa pisngi ko.
"Welcome Dans.Love you too." sagot ko naman sa kanya
Nung nakapasok na si Dani sa sasakyan nila.Tinignan ko si Kiefer.Nakabusangot.
"Anong nangyari bat ganyan mukha mo?" tanong ko
"Buti pa si Dani may love you too samantalang ako ilang beses ko na sinabi yan wala pa akong nakukuhang sagot." Nagtatampo niyang sabi
"Kahit di ko naman sinasabi nararamdaman mo naman siguri diba?"
Tsaka siya ngumiti.
"Salamat Ly ha."
"Salamat?Saan?"
"Sa pagpapasaya sa kapatid ko.Kgit na sobtmrang kulit na niya minsan."
"Okay lang yun.Masaya din naman ako kasi kahit papano nararanasan ko din yung feeling na magkaroon ng kapatid na babae.Tsaka kanino paba magmamana sa kakulitan yun?"
"Hahaha.Basta Ly salamat."
"Walang anuman Kief.Sige na baka mainip na si Dani."
"Sige uwi na kami Ly. Salamat ulit sa araw na to." sabi niya sabay yakap at halik sa noo ko.
"Okay.Bye.Ingat kayo sasagutin pa kita." sabi ko sa kanya.Grabe naman yung ngiti niya
"Ahemm.Oo naman mag-iingat kami.I Love You."
"Text me kung nasa bahay niyo na kayo ah."
"I will Sungit."
Hinintay ko munang makaalis yung sasakyan nila tsaka ako pumasok sa bahay.
Pagpasok ko dumiretso naman ako sa kwarto ko.Nagpahinga muna ako saglit tsaka ako naghalf bath.
Pagkatapos kong nagbihis chineck ko yung phone ko.Sakto namang may message si Kief.
"Dito na kami sa bahay Sungit.PAhinga ka na alam kong pagod ka." sabi niya sa text
Dko na nireplyanNagcheck na din muna ako ng FB ko at may bago namang post si Kiefer.
"Pinagpalit na po ako ng kapatid ko:("
tapos picture namin ni Dani nung naglalambing siya sakin yung nakalagay.Nagpost din ako.Picture ni Kief na stolen.
"Solid Sunday because of this one".
YOU ARE READING
My First Love
FanfictionFirst Love .. Diyan ko naranasan ang sumaya. Naranasan kong umiyak at masaktan ng paulit ulit. Maghiwalay ng ilang beses. Pero pano kung dumating yung araw na tuluyan na kayong maghiwalay? Kakayanin mo ba? .. Sabi nga nila kung KAYO TALAGA ANG PARA...